2k English teachers, ide-deploy ng DoLE sa China

TINATAYANG aabot sa 2,000 English teachers ang balak na i-deploy ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa bansang China.

Ito ang nakasaad sa bilateral agreement na pinirmahan ng Pilipinas at Chinese Ambassador Zhao Jianhua.

Ani Labor Secretary Silvestre Bello III na ang naturang bilang ay inisyal pa lamang dahil maaaring i-renew ang kasunduan makaraan ang dalawang taon.

Nakasaad aniya sa kasunduan ang mga importanteng probisyon katulad ng sweldo, oras ng trabaho, mga benepisyo at iba pang employment rules para sa mga OFWs.

Ang mga English teachers ayon sa Kalihim ay makatatanggap ng buwanang sahod na aabot ng $1,200 (P61,000.00).

Samantala, 100,000 English teachers naman ang kinakailangan ng China. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply