76ers wagi sa game 1 vs heat

]NASUNGKIT ng Philadelphia ang 130-103 victory laban sa Miami sa kanilang Eastern Conference first-round series opener sa Wells Fargo Center.

Kumamada si JJ Redick ng 28 points habang tumipa si Marco Belinelli ng 25 points para sa 76ers.

Nakapagtala naman si Dario Saric ng 20 points habang nagdagdag si Ersan Ilyasova ng 17 points at 14 rebounds para sa kanilang team na nasikwat ang 17th straight games.

Hindi naman nakuha ni Ben Simmons ang kanyang target na triple-double dahil 17 points, 14 assists at nine rebounds lamang ang kanyang nadale para sa Philadelphia habang wala si star center Joel Embiid na nagpapagaling sa tinamong orbital fracture.

Inaabangan naman ng fans ang Game 2 na magaganap sa mismong bakuran ng 76ers. GP

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply