Alab desididong magkampeon

NASUNGKIT ng Alab Pilipinas ang kanilang unang panalo sa best-of-five series kontra sa Mono Vampire sa finals ng Asean Basketball League.

Sa Pilipinas ginanap ang unang laro sa finals ng Alab at Mono kungsaan nangailangan ang mga Pinoy ng overtime para makuha ang panalo sa matinding bakbakang ginanap sa Sta. Rosa Multi Purpose Complex.

Inaasahan na ni coach Jimmy Alapag na matinding laban ang kanilang haharapin kontra Vampire kahit pa tinalo nila ito ng dalawang beses sa regular season.

“They’re playing really well. You look at the way (Jason) Brickman has upped his play in the playoffs, we have work cut out for us,” ani Alapag.

“For us, kailangan right from the start we start the series strong. In a best of five series, the first game is what’s really more important. It’s important we get off to a strong start,” dagdag pa nito.

Inamin ni Alapag na matindi ang ipanagbago ng dalawang squad sa paghaharap nila sa finals.

Nanguna sa panalo ng Alab si Renaldo Balkman matapos dimonahin ang 7-foot-5 import na si Samuel Deguara at umiskor na 31 points at 13 rebounds.

Bida rin ang matinding larong ipinakita ni Justin Brownlee na nagbigay ng panalo sa Pilipinas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply