Baron binugbog na, kinuha pa ang sasakyan

MAY mga nagtatanong kung nasaan na raw ang magaling na aktor na si Baron Geisler.

Nasa-rehab na raw ba ito kagaya ng kanyang sinabi noon na handa na siyang muling bumalik sa rehabilitation center para maging maayos na ang kanyang sarili at mawala na ang pagkaadik niya sa alak, na ang sabi ng iba ay baka sa drugs ay lulong din ito dahil imposible naman daw na mabaliw siya ng dahil lamang sa alak.

Nakapagtataka kasing ilang bote lang ng beer ang nalaklak nito ay para na raw sinasapian ng masamang espiritu kung umasta at naglalaway pa. Parang asong ulol na punong-puno ng rabbies. Susme!

Isa sa listeners namin sa Star na Star program sa DWIZ 882 ang nagbigay sa amin ng info na totoong nasa rehab na si Baron.

“Si Baron nasa rehab na. Pero yong sasakyan niya ay gamit-gamit ngayon ng bayaw nya na bumugbog sa kanya. Siguro close na sila. Mga two weeks na siyang naka-rehab sa Magalang, Pampanga.

Kaya sa mga nagtatanong at nagaakusa sa bayaw ng aktor na pagkatapos daw itong bugbugin ay denekwat pa ang sasakyan ng huli, aka close na raw sila kaya nagagamit ni bayaw ang caru. At sa rami raw ng utang ni Baron sa una at dalang konsumisyon nito sa kanyang kapatid, tama lang na hatakin na nila ang sasakyan nito.

GRETCHEN, TUMULONG NA NA-BASH PA!

Napikon si Gretchen Barretto sa pagdududa ng ilang netizens sa pagtulong niya sa kanyang napiling Instagram followers.

Bakit kailangan pang ipost ang mga naibigay niya kung totoo sa loob nito ang pagbibigay sa kapwa.

Ani Gretchen, since sa social media niya idinaan ang pagtulong bilang panata niya tuwing Easter Sunday, dapat lang na malaman ito ng lahat kung ano ang pangangailangan ng ating mga kababayan lalo na ang mga mahihirap.

At para rin daw ipaalam sa lahat na kailangan manatili tayong nakaapak sa lupa at maging makatao.

Si Gretchen ay namigay ng wheelchairs, grocery items, vials for chemo/dialysis, medecines and milk for seniors.

Matagal nang may tinutulungang mga charity si Gretchen noon pa. Ngayon lang nalaman ng lahat dahil idinaan niya sa social media ang pamumudmod ng tulong para ma-incourage ang iba na tumulong din.

GMA REGIONAL TV, HATAW SA AWARDS AT EVENTS

Patuloy ang paghataw ng GMA Regional TV, ang regional arm ng GMA Network. At sa pagtatapos nga ng first quarter ng 2018 ay umani ito ng mga parangal habang patuloy na nagpasaya ng mga Kapuso sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa naganap na Gandingan 2018: The 12th UPLB Isko’t Iska’s Multi-media Awards nitong March 17, nag-uwi ang GMA RTV ng apat na core awards kabilang ang Most Development-Oriented TV Station.

Ginawaran ang top-rating local news program ng North Central Luzon na “Balitang Amianan” bilang Most Development-Oriented News Program. Kinilala rin ang batikang broadcast journalist na si Tek Ocampo ng “One Mindanao” bilang Best News Anchor habang nanalo naman si Lou-Anne Mae Rondina ng “Balitang Bisdak” bilang Best Field Reporter.

Samantala, sa 2018 Aninaw Media Awards ng University of Pangasinan nitong March 17, nag-uwi ng limang pagkilala ang GMA RTV. Nagtamo ang “Balitang Amianan” ng Best News Program at nagwagi naman si CJ Florida bilang Most Outstanding News Presenter of the Year (Male Category) at Most Popular TV Personality of the Year. Kinilala rin si Joanne Ponsoy bilang Most Outstanding News Presenter of the Year (Female Category) habang si Alfe Tulagan ay nanalo bilang Best Field Reporter of the Year (Male Category).

Kinilala rin ang GMA RTV bilang Best Regional TV Network sa 2018 Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University of Asia.

Patuloy rin ang ginagawang paglilibot ng GMA Regional TV sa buong Pilipinas para makipiyesta sa mga makukulay na selebrasyon ng bansa at pasayahin ang mga Kapuso sa iba’t ibang mall tours.

Nitong March 3, lumipad pa-Palawan sina Gabby Concepcion at Rafael Rosell para sa Kapuso Mall Show na ginanap sa SM City Puerto Princesa. Nakisaya naman ang Contessa stars na sina Glaiza de Castro at Jak Roberto sa Araw ng Tagum noong March 7.

Samantala, pinangunahan ni GMA News Pillar Jessica Soho ang “Kapuso Campus Tour: The Regional Masterclass Series” nitong March 9 sa Dagupan City, Pangasinan.

Nagtungo rin si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa SM City Davao para sa Mindanao leg ng nationwide auditions ng inaabangang singing contest na “The Clash”.

Nakisaya pa ang ilang Kapuso artists sa pagdiriwang ng Araw ng Dabaw. Present sa Parada Dabawenyo noong March 16 ang ‘The Cure’ stars na sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, kasama ang ‘The Stepdaughters’ cast na sina Megan Young, Mikael Daez, at Katrina Halili. Pagkatapos nito ay nagkaroon silang apat ng mall show sa SM City Davao.

Kinabukasan (March 17), nagpakilig sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia kasama ang Sherlock Jr. co-stars nila na sina Andre Paras at Kate Valdez sa Abreeza Mall.
Naki-food trip din sina Megan Young at Mikael Daez sa Cagayan de Oro sa naganap na ‘Big Bite’ food festival sa Centrio Ayala Mall noong March 17.

Magkasama naman sina Juancho Trivino at Kim Rodriguez ng upcoming Telebabad series na Inday Will Always Love You (IWALY) at ‘Hindi ko Kayang Iwan Ka’ lead stars Yasmien Kurdi at Martin del Rosario sa isang kakaibang Kapuso Mall Show sa Nepo Mall sa Angeles, Pampanga noong araw ding yoon.

Tila concert naman ang hatid ni Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose sa Kapuso Mall Show nito noong March 23 sa KCC Mall de Zamboanga sa Zamboanga City, kasama sina Jake Vargas at Joyce Ching.

Pinatingkad pang lalo ng Contessa lead stars na sina Glaiza at Jak ang saya sa Tobacco Festival sa naganap na Kapuso Fiesta noong March 24 kasama si Rafael Rosell.

Isa na namang Kapuso Fiesta ang hinatid nina Kris Bernal, Benjamin Alvez, at Rodjun Cruz sa selebrasyon ng Sipalay City Charter Anniversary sa Negros Occidental noong araw ring iyon.

Sa naganap na Balungao Festival (March 24), nagbigay ng teaser sina Derrick Monasterio, Kim Rodriguez at Juancho Trivino kung ano ang dapat abangan sa upcoming series nilang Inday Will Always Love You. Kasama pa nila ang Sirkus cast member na si Klea Pineda.
***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 11:00-12:00 midnight, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!ABE PAULITE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply