Batangas, kampeon sa Maharlika

ITINANGHAL na kampeon ang Batangas Athletics—Tanduay sa MPBL Anta Rajah Cup championship.

Ito’y makaraang padapain nila ang Muntinlupa Cagers—Angelis Resort sa iskor na 68-66 sa Munti Sports Complex.

Unang nanalo sa dalawang magkasunod na laro ang Batangas bago nakabawi sa Game 3 ang Munti pero tinapos na ng Athletics ang kanilang best-of-5 title series sa Game 4.

Si Jhaymo Eguilos ang naging bayani sa panig ng Batangas matapos makabuslo ng jumper may 59 seconds ang nalabi sa laban.

Si Moncrief Rogado, tubong Cebu at dating college teammate ni 4-time PBA MVP June Mar Fajardo, ay umiskor ng 14 points habang nagdagdag naman si Kier Quinto ng 12 para sa Athletics.

Samantala, si Munti center Pari Llagas, first-round pick sa 2010 PBA rookie draft, ay tumapos ng game-high 19 points para sa kanyang koponan.

Subalit sa kabila ng kanyang 31 free-throw attempts, 16 lang dito ang kanyang naibuslo. (GP)

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply