BELLO NAGBABALA SA MGA PRIBADONG ESTABLISIMENTO SA BORACAY  “ILIGAL ANG PAGTANGGAL SA MANGGAGAWA”

NAGBABALA si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pribadong establisimento sa Boracay laban sa iligal na pagtanggal o layoff sa kanilang mga empleyado sa loob ng anim na buwang pagpapasara sa nasabing resort island sa darating na Abril 26.

Sa abisong inilabas noong Biyernes, sinabi ni Bello na ang “pansamantalang pagsuspinde sa operasyon ng mga negosyo ay hindi dapat magresulta sa pagkakatanggal sa trabaho ng kanilang mga manggagawa.”

Kasabay ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang suspindihin ang mga negosyo sa Boracay, sinabi ni Bello na maaari lamang magpatupad ang mga employer ng “No Work, No Pay” na polisiya, o ipagamit sa mga empleyado ang forced leave upang magamit ang mga leave credits ng kanilang mga manggagawa kung mayroon man.

“Dapat na pabalikin sa kanilang mga trabaho ang mga empleyado sa oras na alisin na ang pansamantalang pagpapasara sa isla ng Boracay,” dagdag pa ni Bello.

Ang nasabing labor advisory ay “mahigpit na ipinatutupad at nararapat na sundin.”

Una nang sinabi ni Bello na magpapaabot ng tulong ang labor department sa mga apektadong manggagawa ng isla kabilang na ang pagbibigay ng emergency employment sa kanila. Mayroon rin aniyang 5,000 informal sector na manggagawa at miyembro ng indigenous community sa isla ang magtatrabaho para sa paglilinis ng isla.

Naglaan na ang Kagawaran ng inisyal na P60 milyong piso para sa nasabing emergency employment assistance.

Sa pagdiriwang ng PhilRice Lakbay Palay 2018, hinimok ni Senator Cynthia Villar ang mga magsasaka na gumamit ng dekalidad na binhi at makabagong makina sa pagsasaka upang mapataas ang kanilang ani.

Ayon kay Villar, mainam na matutunan ng mga magsasaka ang paggamit ng dekalidad na binhi maging ang proseso ng pagbibinhi upang makasiguro na mas mataas ang magiging ani.

Maituturing na dekalidad ang binhi kung ito ay dumaan sa pagsusuri ng Bureau Plant Industry – National Seed Quality Control Services o BPI-NSQCS at kung nanggaling ito sa mga rehistradong seed  growers at accredited na pribadong kumpanya.

Dagdag pa ni Villar na ang paggamit ng angkop na mga barayti sa lugar ay susi rin sa pagkakaroon ng magandang ani.

Hinikayat rin ni Villar ang paggamit ng makabagong makinarya sa bukid upang mapababa ang labor cost. Ilan sa mga makinang nabanggit ay ang mechanical transplanter, combine harvester, at mechanical dryer.

Mahigit 1,500 na magsasaka ang nakilahok sa apat na araw na PhilRice Lakbay Palay. Layunin nito na mahikayat ang mga magsasaka na gumamit ng delikalidad na binhi bawat taniman sa pamamagitan ng field tour at mga pagbisita sa mga rice experts booth na handang sumagot sa mga katanugan ng mga magsasaka.

Tampok rin sa naturang Lakbay Palay ang mga teknolohiya gamit ang renewable energy upang makatipid sa gastos at makatulong narin sa kalikasan.

Inaasahang ang Wet Season Lakbay Palay sa Setyembre 2018. ANG INYONG LINKOD/HILDA ONG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply