BUY-BUST

IPRINISINTA sa media ni Northern Police District director Chief Supt. Amado Clifton Empiso ang pitong hinihinalang big time drug personalities ng mga tauhan District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni PSI Robert Bunayog sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City at Bulacan kabilang ang sinasabing lider ng grupo na si Lemar Garzon alyas “Lemar”, 25, mga kasama na sina Eduardo Tan, alyas “Chengwa”, 32, Richard Romoquilo, alyas “Tinting” 22, Jayson Estrada alyas “Kwatog”, 22, Aries Taglada, 27, Renz Geron, 23, at Edward Cruz alyas “Dada”, 32. Narekober sa kanila ang walong kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang mahigit P20 milyon street value ang halaga, dalawang kilo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana “Cannabis Satiba” na nasa P2 milyon street value ang halaga, isang digital timbangan, isang M16 A1 Rifle, isang Sub-Machine Gun, dalawang kalibre 45 pistol, isang cal. 9mm, iba’t-ibang uri ng mga bala, buy-bust money at dalawang sasakyan na Expedition. JOJO RABULAN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply