Cavs taob sa Pacers

PINATAOB ng Indiana ang Cleveland sa opening game ng kanilang first-round NBA playoff series,  98-80.

Si Victor Oladipo ang nanguna sa puwersa ng Pacers taglay ang kanyang game-high 32 points.

Dahil dito, posibleng mahihirapan nang makapasok ang Cavaliers sa finals.

“Stay calm, stay composed, play the game I have all year long,” sabi ni Oladipo hinggil sa kung anong susi ng kanilang panalo.

“My teammates did a great job of making plays and getting stops like we have all year long. This was a great team win.”

Magugunitang nanalo si James sa kanyang 21 first-round playoff games pero sa pagkakataong ito, hindi siya nakaporma sa Pacers.

Sa unang quarter pa lamang ay nakuha na ng Indiana ang 33-14 lead at nakalamang ng hanggang 23 na nagpahirap sa Cavs.

Ayon kay Oladipo, dinikitan nila nang todo si James kaya hindi ito masyadong nakagalaw.

Nakasungkit lamang si James ng 24 points, 10 rebounds at 12 assists para sa Cavs habang nagdagdag ng nine points si Kevin Love, kasama na rito ang 17 rebounds. GP/JC

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply