Derrick, binasted ni Barbie!

AYAW ni Barbie Forteza gumawa ng gimik para lang mapag-usapan ang pelikula nila ni Derrick Monasterio. Lalong ayaw ni Barbie na palabasin na may namumuong pagmamahalan sa kanila ni Derrick.

Hindi itinatanggi ni Barbie na going strong ang relationship nila ngayon ni Jak Roberto at ayaw niyang maging dahilan pa ng hindi nila pagkakaunawaan ni Jak kung palalabasin na may “something” sila ni Derrick.

“Marami na rin po akong nagawang project na iba-iba ang leading man ko, pero never po akong nagpanggap na iyong leading man ko, i-push na ma-link in real life,” paliwanag ni Barbie. “Ayaw ko pong mapagbintangan na ginagamit ko ang private life ko to promote the movie o kahit anong project ko. Naniniwala rin po ako na hindi kailangang maging kayo ng ka-loveteam mo para panoorin kayo.

“As to Derrick po, ilang beses na kaming nagtambal pero hindi po naging kami talaga.

“Totoo pong ilang beses nagtangkang manligaw sa akin si Derrick, pero napakabata pa namin noon. Nakilala ko po naman ang totoong ugali ni Derrick. Napakabait niya, lalo na sa mama at sister niya. Pero that time, hindi pa po ako talaga ready na makipag- boyfriend. Focus po ako sa career ko at gusto kong matupad ang wish kong mag-succeed sa trabaho ko. Pero dahil nga matagal na kaming magkakilala ni Derrick, close kami at very comfortable akong katrabaho siya. Kaya kung kailangan sa eksena na sweet kami hindi kami naiilang sa isa`t-isa. Ibinibigay namin kung ano ang hinihingi ng eksena at ng director ko. Honest po lamang ako pagdating sa trabaho.”

Mabuti na lang hindi nagpadala si Barbie na palabasin na may something sila ng kaniyang leading man dahil kung nagkataon ay siguradong flop ang movie nila.
Tingnan ninyo ang nangyari sa movie nina Nadine Lustre at James Reid na hindi gaanong kumita sa takilya dahil magdyowa na sila ni real life.

****

Maraming revelation ang nangyari kina Joshua Garcia at Jerome Ponce nang maging guest sila sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda sa ABS CBN.

Nabuko sa show na magdyowa na talaga sina Joshua at Julia Barretto. Nabuko rin na hindi na virgin sina Joshua at Jerome.

Inamin nina Joshua at Jerome kay Vice na nakatikim na sila ng luto ng Diyos. Ngumiti lang kasi sila bilang senyales na hindi na sila virgin nang tanungin ni Vice sa show.

Inamin din ni Joshua na isinusuot niya muli ang suot na brief kapag nasa beach. Hindi na niya nagagawang palitan.

Sinabi rin ni Joshua na okey na sila ni Julia at inamin naman ni Jerome na may pinagdadaanan ngayon ang relasyon nila ni Mika Reyes, sikat na volleyball player.

Ayon kay Jerome nagalit raw si Mika dahil mas binibigyan pa raw ng panahon nito ang mga kaibigan niya sa teatro kaysa sa volleyball star. Pabiro sinabi pa ni Jerome na blocked na siya ni Mika sa social media at sa cellphone.

Bago natapos ang show ni Vice ay nabanggit din ni Joshua na nagiging suplado siya kapag naka-concentrate siya sa kanyang trabaho.

Ang full attention niya raw ay naka-focus sa kanyang role na gagampanan, lalo na kapag may eksena na kailangan niyang umiyak.

****

Kung ang mga artista natin ay nagkakagulo at kinikilig kapag nagpunta sa bansa natin ang kanilang hinahangaan international actor or actress para lang mapagkuha or manood ng kanilang show sa bansa, aba! may mga international actor at actress rin ang nagkakainteres na makilala at magpakuha pa ng larawan sa ating mga local actress at actor.

Tulad na lang nang nangyari kay Lea Salonga na kung saan naka-face to face niya ang sikat na Hollywood actor na si Robert de Niro na nagpakuha ng larawan na makikita sa kanyang Instagram.

Nagpasalamat si Lea kay Robert na nanood ng kanyang Broadway play na Once in this Island kasama ang kanyang pamilya.

Sa post ni Lea ay napahanga at napa-wow si Martin Nievera at si Gary Valenciano naman ay napa-OMG naman.

O, di ba? marami ring international star ang humahanga sa ating mga aktor at aktres. Ang pagkakaiba lang ay hindi sila nagkakagulo kapag gusto nilang makita ng personal at magpakuha ng larawan sa ating mga sikat na artista. Teka Muna/Gerry Ocampo

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply