DOH namigay ng 6 na ambulansya sa OrMin

PINAGKALOOBAN ng Department of Health (DOH) ng anim na ambulansiya ang ilang bayan sa lalawigan ng Oriental Mindoro, na maaari nilang magamit sa pagbibigay ng basic at advanced life support services sa mga mamamayang naninirahan sa mga rural areas.

Sina (DOH) Regional Directors Eduardo C. Janairo ng CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Mario S. Baquilod ng MIMAROPA (Oriental/Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang nanguna sa turn-over ceremony ng mga ambulansiya sa mga rural health units ng mga bayan ng Baco, Nujan, Pola, Puerto Galera, San Teodoro, Socorro at Mansalay.

“These ambulances will provide universal access to basic and advanced life support services to those living in rural areas. One of the objectives also is to reduce maternal, infant, and child mortality by providing transport to those in need of emergency medical attention 24/7,” ani Janairo.

“The regional office will ensure that these units will be managed by effective and efficient health personnel to respond timely to emergency calls and be able to save lives,” ayon naman kay Baquilod.

Nabatid na ang bawat ambulansiya ay nagkakahalaga ng P2 milyon, at equipped ng BP apparatus, first aid kit, oxygen tank, oxygen tank regulator, minor surgical set, manual resuscitator, stethoscope, automatic external defibrillator, fire extinguisher at led flashlight.

Sinabi ni Janairo na ang pondo para sa pagbili ng mga naturang medical transports ay naaprubahan noon pang Hunyo 2017 sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP), na ang layunin ay mapahusay ang health facilities at special service delivery units para sa pagkakaloob ng serbisyong medikal sa mga rural areas.

Nabatid na ang DOH ay may sub-allotted funds sa regional offices na nagkakahalaga ng P535 milyon para sa procurement ng Medical Transport na may equipment at accessories tulad ng mobile dental van, land ambulance at sea ambulance.

Ang DOH-CALABARZON ay nagkaloob ng alokasyon na P80 milyon at ang DOH-MIMAROPA naman ay may P29 milyon.

Tiniyak rin naman ng dalawang regional directors na patuloy na paghuhusayin ng departamento ang primary health care at pagkakaloob ng easy access sa health services sa mga rural areas, partikular na sa mga alanganing oras, upang maiwasan ang pagkaantala ng pagkakaloob ng serbisyong medikal sa panahon ng emergency.

Nabatid na ang pagbili ng mga naturang land ambulances para sa lalawigan ng Oriental Mindoro ay batay na rin sa inisyatiba ni 1st District Congressman Salvador ‘Doy’ Leachon. MACS BORJA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply