EO laban sa endo at kontraktuwalisyon, ilalabas ‘on or before May 1’- Sec. Roque

UMAASA ang Malakanyag na mailalabas na bago o sa Mayo 1 at pirmado na ang executive order (EO) laban sa endo at kontraktuwalisyon

“ The President wants it as soon as possible. We all know that Labor Day is May 1. So, I would think that it will come out on or before May 1,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Aniya, hindi pumayag ang labor, management at pamahalaan sa final version ng EO kaya’t naunsiyami ang paglagda ng Chief Executive rito.

Tripartite document aniya iyon na kailangang mapagkasunduan.

“But, I know that the President is rather restive about this EO. He has mentioned to me personally that this is a campaign promise that he wants to deliver to the people very soon,” aniya pa rin.

Kumbinsido naman si Sec. Roque na papabor sa labor forces ang magiging laman ng EO.

ITINANGGI ni Sec. Roque na itinakda ngayon Abril 16 ang muling pakikipagpulong ni Pangulong Duterte sa labor groups at nakatakdang paglagda sa EO.

Sa kanya aniyang kalendaryo ay walang itinakda para sa naturang pulong.

“I was looking at my own calendar. I did not find it in my own calendar, okay. I found a meeting with GSIS, another meeting with an ambassador and two private meetings. Unless the meeting was, you know, denominated as a private meeting which it should not be. So, it was not even in my calendar. So that’s the truth, that’s from my own calendar. So, I wouldn’t make a big thing out of it, because anyway, I would think that they would want a significant EO like this to be issued in connection with another commemoration giving… recognizing the value of the labor sector in our society, which is Labor Day,” lahad nito.

Sa ulat, nagdududa naman ang grupong Associated Labor Union- Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) sa sinseridad ng Malakanyang sa usapin ng endo o kontraktuwalisyayon sa bansa.

Ito ay ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Allan Tanjusay matapos silang makatanggap ng abiso mula sa Department of Labor and Employment o DOLE na kanselado ang nakatakda sanang pulong ng mga labor groups kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon.

Dismayado rin aniya sila na hindi matutuloy ang inaasahan nilang pagpirma sana ng Pangulo sa Executive Order o EO laban sa kontraktuwalisasyon.

Dagdag ni Tanjusay, walang ibinigay na dahilan ang DOLE sa pagkansela sa pulong at sa petsa kung kailan pipirmahan ang nasabing EO. KRIS JOSE

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply