Excited sa bagong leading-lady!

NAGTAGUMPAY si Kagawad Carlito Cernal ng Barangay Addition Hills bilang no. 1 celebrity golf tournament organizer sa bansa. Tumulong siya noon sa pag-organize ng taunang Abalos Golf Cup, hanggang kinuha na siya ng ibang celebrities para magsagawa rin ng golf tournament para sa kani-kanilang advocacy.

Kabilang sa celebrity golf cup tournament na hina-handle ni Carlito na may advocacy ay sina Cesar Montano, Mayor Herbert Bautista, Mayor Joseph Estrada, Arnold Clavio, German Moreno at pagsasagawa sa iba’t ibang region ng Federalism Golf Tournament ni Sec. Raul Lambino.

Ang proceeds ng ibang kinita ni Carlito sa golf tournament ay napunta naman sa pinasisimunuan niyang barangay projects. Kabilang ang Libreng Gamot sa Barangay, Libreng School Supplies, Feeding Program at iba pa.

Pinasasaya ni Carlito ang mga ka-barangay niya sa tauang Libreng Pabingo tuwing fiesta, Gift-Giving tuwing December na sponsor ng Champion powder detergent soap, at ng Uniliver Philippines.

Pinakabonggang activity ni Carlito tuwing December ang kanyang Libreng Christmas Pa-raffle sa barangay, kung saan mala- laking premyo ang handog niya.

Pinaka-grand prize ang motorbike, 32 inches LED TV, refrigerator, at iba pang appliances. Dinadaluhan ito ng malalaking artista para makisaya sa raffles na kinabibilangan nina Cesar Montano, Will Devon, Lito Camo at iba pa. Lagine inaabangan ng mga kabarangay niya ang pa-raffle na ito na ang sponsors niya ay pawang kaibigan at malalaking pangalang negosyante.

***

NAGBUNGA ang pagiging Kapuso ni Kiko Estrada (Jason Joseph Francis Carlos Diaz Ejercito)! Matagal-tagal na rin sa network ang anak ni Gary Estrada kay Cheska Diaz. Nakikita ang pagiging magaling na actor niya ngayon. Iba’t ibang meaty roles ang ginagampanan niya. Kung magaling na actor si Kiko, iyan ay dahil may pagmamanahan sa kanyang parehong showbiz parents na magagaling ding artista noon pa.

This time, latest GMA project ni Kiko ang My Guitar Princess with Julie Anne San Jose and Gil Cuerva. Bagong combi- nation sa television na maraming masasabik na panoorin soon.

Recently, isa si Kiko Estrada sa mga Kapuso hunk na nasa cover ng isang sikat na fashion magazine. Bilib kami sa dis- cipline ni Kiko dahil kahit busy siya sa work ay nagagawa pa rin niyang alagaan ang kanyang katawan. Ganyan din naman ang father niyang si Gary noon!

Kabilang din si Kiko sa upcoming Kapuso series na My Guitar Princess na nagsimula nang mag-taping kamakailan. Balita namin ay isa itong musical-romcom series kung saan makakasama ni Kiko sina Julie Anne San Jose at Gil Cuerva.

Mukhang ibang Kiko ang mapanonood dito at excited na nga raw siyang makasama sina Julie Anne at Gil. “Me and Julie, we are good friends. We worked together before but that was just one episode. I just guested for Pepito Manaloto. But this time there is a love angle. Gil, surprisingly, we became good friends right away. It’s fun to work with new people,” say pa nito.

Expected nang may rivalry na magaganap between Kiko and Gil sa serye. Ang swerte ni Julie Anne, ha?!

***

LOVE na love ni Ruru Madrid ang GMA Primetime series niya na Sherlock Jr. Focused at determinado raw siya na gawin ang mga eksena niya rito lalo pa’t naramdaman niya ang mainit na pagtanggap ng manonood.

Pero bukod pa rito, mas espesyal kay Ruru ang Kapuso series dahil dito ay natupad ang kanyang pangarap na maging isang action star.

Aniya, mas excited siyang mag-taping ngayon dahil sa mga kasong nireresolba nila ng asong si Siri, ang bagong showbiz wonder dog. Bukod daw kasi sa interesting ang mga topic na ito, marami pa rin siyang natututunan sa mga co-actors niya. Para nga sa kanya, natupad na niya ang childhood dream niya to become an action star. Congratulations with that, Ruru! On the set /Noel Asinas

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply