Ilang lugar sa Caloocan City at Quezon City, mawawalan ng tubig

MAKAKARANAS ng water interruption ang ilang bahagi ng Caloocan City at Quezon City simula ngayong araw dahil sa maintenance na isasagawa ng Maynilad iba’t ibang lugar.

Mamayang alas-onse ng gabi, mawawalan ng tubig ang bahagi ng Barangay 171 sa Caloocan City hanggang-alas kwatro ng umaga bukas.

Bukas naman, apektado ng water interruption ang bahagi ng Barangay 175 sa Caloocan City simula alas-10:30 ng gabi hanggang alas-3:30 ng umaga ng Miyerkules.

Mawawalan din ng tubig ang bahagi ng Barangay 176 at 184 sa Caloocan City, at Barangay Greater Lagro sa Quezon City bukas, mula alas-11:30 ng gabi hanggang alas-3:30 ng umaga ng Miyerkules.

Inabisuhan ng Maynilad ang mga apektadong residente na mag-imbak ng tubig, dahil posible ring maantala ang pagbabalik ng suplay ng tubig. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply