Iya Villania sobrang takaw sa exercise, buntis na nagba-barbell pa at sumisirko sa gym

NANGINGIWI at sobrang natatakot ang ilang netizens sa klase ng exercise na ginagawa ni Iya Villania. Sa kabila ng malaki na ang tiyan nito sa pagbubuntis, nagagawa pa raw nitong mag-barbell, coning at pistols-mga klase ng ehersisyo na nangangailangan ng matinding pwersa na delikado raw sa baby.Risky ang pagbubuhat ng barbell dahil sa pagbaba nito baka tumama sa kanyang tiyan. Eh, ang laki pa naman ng bakal ng barbell ang binubuhat ni Iya.

Yong coning naman na sinasabi ay tatayo siya ng patiwarik habang nakasandal sa pader pero ang pwersa ay nasa dalawang kamay. Kulang na lang daw ay sumirko ito. Pa’noraw kung bumigay ito o bigla siyang manghina at matumba. Mas matindi raw ang pistols na one legged squats at papalit-palit from left-to-right and vice verse.

Susme!Sabi tuloy ng netizens, sobrang takaw daw ni Iya sa exercise kahit para ng butete ang tiyan sige pa rin sa kakakendeng sa gym. Hindi pa raw pala handang magbuntis dahil ayaw masira ang figure bakit nagpabuntis na.Inamin naman nitong hindi siya eksperto sa bagay na ito kaya komunsulta muna siya sa mga eksperto. Hindi kasi natin alam, pero ito yata ang makabagong pamamaraan ngayon para sa mga buntis para hindi sila mahirapan sa panganganak.

Hindi kagaya noon na ang ipinapayo lang ng mga doktor sa mga buntis ay ang paglalakad-lakad, lamaze method at ang pagda-diet. At pagdating sa pagkain, bawasan ang kanin at dagdagan ang prutas at mga gulay.Imbes na laiitin, dapat na maging inspirasyon pa si Iya dahil sa tindi ng effortna ginagawa niya. Imagine, buntis na aktibo pa sa gym. Kadalas kapag malaki na ang tiyan puro lamon na lang ang ginagawa dahil gutumin ang buntis.

At ang iba naman, hindi nga buntis pero ang tamad magpapawis. Kaya ang nangyayari tumataas ang blood sugar, ang cholesterol at nagkakaroon ng alta presyon.

TYRONE ONEZA, WALANG KATAPUSAN ANG PAGSI-SHARE NG BLESSINGS

Kaylan lang ay may nanalo ng malaking halaga sa kanyang pahulaan sa #TyroneOnezaFacebook/International Wheel of Fortune si Tyrone Oneza. At nitong huli dalawangwish ng Tyronenatics family ang binigyan niya ng katuparan. ‘Yong isa, humiling ng gitara at pang-Jollibee para sa kanyang pamilya.

At ang pangalawa’y puhunan para sa pagtitinda ng halo-halo at fishball para raw may pagkakakitaan ngayong bakasyong ito. Maliban dito ay marami pa siyang tinulungang mga fan/supporter sapagbubukas lang ng taong 2018 at yong mga nauna pang mga taon na hindi na namin mabilang at hindi namin nasundan dahil sa rami. Sa kabuuan ay umabot na ng milyon ang naibahaging pera at gadgets ni Tyrone sa mga Tyronenatics.

Walang kahirap-hirap na nakakamit ng kanyang mga tagahanga ang kanyang tulong dahil magme-message lang sila at kapag nabasa niya ay agad niya itong tutugunan.Imagine, ang layo niya, nasa Barcelona, Spain siya pero nakararating pa ng Pilipinas ang kanyang tulong sa pamamagitan lamang ng Facebook.Bibihira na ang mga ganitong tao na walang sawang tumutulong sa kapwa, hindi nanghihinayang sa ipinamimigay.

Kung tutuusin hindi biro ang kayod na ginagawa ng ating Balladeer ng Masa sa Espanya at malayo pa siya sa kanyang mga mahal sa buhay. Ganitong klaseng tao ang hindi nakasasawang isulat. Mabuhay ka Tyrone! Na soon to be ay magiging kumpare namin para sa aming bunso.

ISABELLE DAZA AT ALEX GONZAGA NAGKAINITAN SA INSTA

Ni-repost ni Isabelle Daza ang litrato niya sa Instagram nung buntis pa siya, at nilagyan niya ng caption na, “Can’t believe that my son was in my belly 10 days ago?! I still had maternity content.”

Pero biglang umepal si Alex Gonzaga. “Sana nagsuklay ka,” sabi nito patungkol sa picture ni Isabelle dahil napansin nito ang buhok na sabog-sabog, parang ang pegay…’mahangin ba sa labas?’ Hikhikhik!Kaya halatang napika si Isa. “It’s the messy look. But you wouldn’t understand,”sagot nito kay Alex.

Wala sanang kaso ito sa mga naka-follow sa dalawa sa Instagram dahil madalas daway nagaasaran naman daw ang dalawa.

Pero nang may mag-comment ng netizen ng ganito, “Ay naku! ‘Yang mga Gonzaga saksakan daw ng yabang ang mga ‘yan.” na ni-like ni Isabelle, aba’y naaasar nga ang huli. Dapat daw ay naglagay naman ng smiley symbol si Alex after the comment para light lang ang dating at hindi sarkastiko.

Naungkat tuloy ang pagkakawala niya sa isang segment ng ASAP.”Kahit kailan naman bastos si Alex kaya siguro wala na siya sa Chillout ng ASAP dahil ang daming nakakapuna sa kaniyang pananalita na minsan may pagka-sarcasticat bastos sa mga guest nila na ini-interview nila. Walang mga breeding sila minsan kung magsalita at sobrang mga OA kung magsikilos.” ‘Yun na!***For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 11:00-12:00 midnight, Monday to Friday. Mabalos PAPAK/ABE PAULITE

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply