Joshua, hinahunting ni Dennis!

WANTED nga raw si Joshua Garcia sa tatay ni Julia Barretto na si Dennis Padilla kahit na nagpaliwanag na ang young actor sa TV show ni Kuya Boy Abunda na Tonight With Boy Abunda na walang katotohanan na may namamagitan sa kanila ng isang non showbiz girl na nagnga- ngalang Dane.

Hindi raw kasi naniniwala ang tatay ni Julia sa mga naririnig lang. Gusto ni Dennis marinig mismo sa bibig ni Joshua ang totoong kuwento dahil nag-uusap naman raw sila ni Joshua ng man to man na hindi nito lolokohin ang kaniyang anak na si Julia.

“Naalala ko yung sinabi ni Joshua, doon sa previous interview noong ni-replay yung interview ko sa Magandang Buhay. Sinabi ko roon sa portion ng interview ko, ‘Basta huwag mo lang lolokohin ang anak ko, huwag mo lang sasaktan yung anak ko.’

“Natatatawa naman ako e, dahil nagiging action star ako. Natuwa naman ako sa sagot niya. ‘Naintindihan ko naman, Tito Dennis. Hindi ka magiging action star.’ So, yun lang ang magiging message ko kay Joshua na, siguraduhin mo lang na hindi ako magiging action star kasi anak ko yan. Saka may pinag-usapan tayo, Father`s Day yun, hindi ko makalilimutan, nag-usap tayong dalawa, lalaki ka, lalaki ako.

“So, kung magkakaroon ng problema eh kausapin mo rin ako kasi may pinag-usapan tayo. Iba yung sinasabi ng personal kaysa sa naririnig langang kuwento,” pahayag ni Dennis na kahit medyo may tampo ay casual pa rin kung magsalita. Hindi mo mababakas na may sama ng loob kahit may galit na sa dibdib.
Umiiyak si Joshua habang nagpapaliwanag kay Kuya Boy tungkol sa babaeng pilit na inili-link na nangangalang Dane.

“Si Dane, Tito Boy, wala lang po siya. She`s just…wala, wala siya sa buhay ko. Hindi siya naging parte o kahit ano,“ aniya.

“Nag-comment ako sa kanya na…kinompliment ko lang naman yung picture eh. Wala naman nangyaring conversation. Siguro kasi Tito Boy, nakahanap yung mga basher ko ng…Hindi kasi madali yung nangyari no`n eh. Ang daming nag-judge,” paliwanag pa ni Joshua sa inilabas na conversation nila ng non-showbiz girl.
Inamin naman ni Joshua kay Kuya Boy na nagkaroon sila ng misunderstanding ni Julia pero hindi raw yung nauwi sa break-up.

Yung pagpunta niyang mag-isa sa Bali Indonesia ay nilinaw rin ni Joshua. Guesting raw niya yun at dapat raw ay kasama niya si Julia pero nagkataon na kasama raw ng young actress ang pamilya nito nong panahon na yun.

Itinuloy na lang daw niya ang pagpunta sa Bali para makapag-relax at makapag-isip-isip.

Sinabi rin ni Joshua kay Kuya Boy na nag-apologize siya kay Julia at tiniyak na challenge lang daw ang nangyayaring ito sa kanilang pagmamahalan at malalampasan din nila.

Pero for sure ay haharapin din ni Joshua ang tatay ni Julia para sabihin ang buong katotohanan sa babaing inili-link sa kanya.

***

Hindi lang binusog ng pagmamahal si Kris Bernal ng Chinese boyfriend, pati sa pagkain dahil sa ipinagluluto siya ng iba`t-ibang putahe.

Naka-post sa Instagram wall ni Kris ang isang plato ng steak. Mapapansin na hindi ordinaryo ang pagkakaluto ng steak dahil sa hitsura pa lang nito ay parang makikita at inihahain lang sa mga five star hotel and restaurant.

“This is what I call a 5 star dinner…at home! Perfecto. You never fail to amaze me your cooking skills. You`re spoiling me with different dishes every single day.”

Tila gusto patabain si Kris ng Chinese Boyfriend dahil lately ay kitang-kita na ang kapayatan ng actress kaya ipinagluluto siya ng masasarap na pagkain.
Sana nga ay ang Chinese boyfriend na ang tamang lalaki magmamahal kay Kris matapos ang magkakasunod na failure niya sa lovelife. Kung hindi kami nagkakamali, huling naging boyfriend niya ay si Carl Guevarra.

This time ay isa nga Chinese ang kanyang boyfriend at tila nakikipag-live in na ito dahil sa caption niyang, “You`re spoiling me with different dishes every single day.”

Kasi kung araw-araw na ipinagluluto siya ng boyfriend ay posibleng nagsasama na sila sa iisang bubong.

Kung totoo ay walang masama dahil nasa hustong gulang na si Kris para magdesisyon sa sarili niyang buhay.

Sana lang ay maging tapat ang Chinese boyfriend niya at hindi siya iiwanan or paiiyakin sa bandang huli. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply