Lalaki pinasabog ang tenga, patay

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang motibo sa pagpatay sa isang 42-anyos na electrician na binaril sa ulo habang naglalakad sa Tondo, Maynila kagabi.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Estrella, walang asawa, residente ng 1042 New Antipolo St., Tondo, Maynila.

Inaalam nama ang pagkakilanlan ng dalawang hindi nakilalang suspek na responsable sa pagpatay sa biktima.

Sa imbestigasyon ni MPD-Homicide Section investigator SPO3 Chares John Duran, ganap na alas-11:35 ng gabi nang mangyari ang insidente sa harap ng barangay hall ng Barangay 218 na matatagpuan sa kahabaan ng New Antripolo Street sa Tondo.

Nauna rito, nagpaalam umano ang biktima sa kanyang kapatid na si Cristina Estrella na huwag i-lock ang pinto ng kanilang bahay dahil bibili lamang ito ng Tapsilog.

Habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Antipolo Street nang biglang nilapitan ng lalaking nakasuot ng ball cup at walang sabi-sabing binaril sa kaliwang tenga.

Nang maisakatuparan ang pakay ay saka sumakay sa isang kulay itim na sasakyan saka mabilis tumakas.

Inaalam na ng pulisya kong may CCTV sa lugar na maaring makapagtukoy sa pagkakailanlan ng mga suspek.

Narekober sa crime scene ang basyo ng .45 kalibre ng baril na ginamit sa pamamaril sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply