Magbilas, timbog sa P2.5M na shabu

TIKLO ang magbilas na umanoy tulak ng droga matapos ang kinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Special Enforcement Agency sa lungsod ng Manila.

Kinilala ni PDEA director general ang suspek na si Abdul Gaffar 28, vendor, may asawa, ng Cacarong Mantanda, Pandi, Bulacan. Habang sinugod sa East Avenue Medical Center ang bilas nito makaraan mabaril sa kanang binte na kinilala si Jalanie , makaraan agawin ang bag na may baril ng isa sa mga operatiba.

Batay sa report ni PDEA Regional Director Levi Ortiz, naaresto ang mga suspek sa bahagi ng Katikbak at Roxas Blvd., ala-una kahapon sa ikinasang drug buy bust operation. Nakumpiska  sa kanila ang 500 grams na high grade shabu na may street value na 2.5 million pisong halaga, isang unit ng Toyota Innova na may plate no. ZGR 338.

Ayon sa team leader na si Agent Jonar Cuayzon, umabot sa isang buwan ang isinagawa nilang surveillance bago naikasa ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek.

Samantala ayon sa isa sa mga suspek na si Gaffar, ay isinama lang daw siya ng kanyang bilas at hindi niya alam na droga ang kanilang dala. Hindi naman kinagat ni director Ortiz ang katwiran ng suspek na siya ay walang kinalaman sa pagtutulak ng droga. Nahaharap ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drug act of 2001. PHOTO AND STORY BY: CRISMON HERAMIS

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply