Malakanyang, niresbakan ang mga abogadong nais na imbestigahan si Pang. Digong

MGA walang kapit sa reyalidad ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) at lima pang grupo ng mga abugado sa United Nations (UN) nang ipanawagan ng mga ito na imbestigahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa patuloy na pagbabanta at pangha-harass kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
“Alam mo, natatawa lang po ako diyan. Unang-una, parang wala ata silang kapit sa riyalidad,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Tila pinaalala at sinupalpal naman ni Sec. Roque sa mga ito na ang mismong mga kasamahan ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang sapilitang nagsabi rito na kinakailangan niyang mag-force leave matapos lumabas na talagang hindi siya nagsumite ng lahat ng kaniyang mga Statements of Assets, Liabilities and Net Worth.

“Iyan po ay isang order ng hukuman. Pinalabas na una ni Chief Justice na wellness leave daw ito. Hindi pumayag ang lahat ng kaniyang kasama sa hukuman, except iyong isang naka-leave ‘no, na palampasin iyon, ‘Hindi totoo iyan na ikaw ay nagwe-wellness leave; pina-indefinite leave ka namin, para hindi naman maapektuhan iyong integridad ng hukuman,’ doon sa riyalidad nga na hindi siya sumunod doon sa batas,” anito.

Kaya nga aniya paano sasabihin ng IBP at ng limang abogado ng UN na may paggigiit o paghihimasok ang Ehekutibo sa usapin ni CJ Sereno.

Hayagang sinabi ni Sec. Roque na mayron talagang depekto si CJ sereno kaya’t nangyari ngayon sa kanya ang nararanasan niya ngayon.

“Ang unang-una niyang mga makakalaban ay iyong sarili niyang mga kasama sa Korte Suprema, bukod pa doon sa halos lahat ng kaniyang kasama except iyong isang naka-leave na pina-force leave siya. Eh hindi ba lima sa kaniyang mga kasama ang tumestigo laban sa kaniya doon sa impeachment proceedings sa Kamara? Unprecedented ito sa kahit saang bansa sa planetang ito na limang kasama niya sa Kataas-taasang Hukuman ang tumayo at nagbigay ng ebidensya para matanggal siya sa kaniyang katungkulan,” aniya pa rin.

MAY personality issues si CJ Sereno.

Iyon ayon kay Sec. Roque ay ang lantarang walang pagsuporta sa kanya mula sa kanyang mga kasamahan.

Ang nakakatawa pa aniya ay ang balak na pagpunta ng mga nasabing abogado sa Special Rapparteur para magsumbong ay malinaw naman na wala namang magagawa ang Special Rapparteur na iyon.

“Puwede lang iyang mag-ingay, eh wala naman iyang kapangyarihan. Ganyan talaga ang sistema ng UN Special Rapparteur system ‘no, hanggang ingay lamang. Pero kinakailangang malaman din ng Special Rapparteur, naku po, ang sariling kasama mismo ni Chief Justice ang nag-order sa kaniya na mag-indefinite leave siya; hindi po ang Presidente,” ani Sec. Roque. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply