Marian suportado si Barbie

IBANG level pala talaga ang friendship ngayon nina Barbie Forteza at Marian Rivera. Nagsimula silang maging close sa programang PinaSaya at hanggan ngayon ay grabe ang kanilang closeness.

Noong isang gabi nga ay sinuportahan ni Marian Rivera ang premiere night ng pelikula nina Barbie at Derrick Monasterio, ang “Almost A Love Story”, talagang nanood siya to think na puwede naman siyang mag-beg off dahil imbes na pumunta sa pagka-traffic na traffic na SM Megamall (via EDSA) ay puwede namang i-spend na lang niya ang time niya para makapiling si Dingdong Dantes at ang anak nilang si Letizia, pero andun si Marian at nakipagsiksikan sa mga fans nina Barbie at Derrick.

Samantala, pa hot nang pa-hot ngayon itong si Derrick Monasterio. Isa siya sa mga aktor na biniyayaan ng nakatutulo-laway na abs na akala mo ay anim na pandesal na mainit na mainit na handang isawsaw sa mainit na kape.

Sa pelikulang Almost A Love Story, malakas ang hiyawan sa eksena kung saan galing ng banyo si Derrick, nakatuwalya lang at tamang-tama ay tumawag sa kanya through video call ang nililigawan niya played by Barbie Forteza.

Medyo mahaba-haba ang eksenang iyon at sa mga may type kay Derrick, tiyak na mag-piyesta kayo sa eksenang iyon.

Napakaraming eksena ng video call.

Sa una aakalain mo na light drama lang ito pero sa bandang huli ay tiyak na maantig ka sa iilang eksena.

Ayoko kong maging spoiler dahil ito pa naman ang sinasabi nilang first commercial film ni Baby Go pero kapag mapapanood ninyo ang pelikulang ito (directed by Louie Ignacio) mapapaisip ka kung bakit ganun ka-abrupt ang nangyari sa role ni Derrick. He’s so healthy in the film, not a trace of sickness, even fever pero bigla itong namatay dahil sa cancer.

Binigyan niya ng ticket si Barbie para pumunta ng Italy at kinunan ang pagsakay ni Barbie sa eroplano. Habang nakatulog sa eroplano, nananaginip si Barbie ng magaganda at nakakakilig na mga eksena nila ni Derrick, pero pagdating sa Italy, sinabi nina Ana Capri (nanay ni Derrick) at Lotlot de Leon (kasambahay nina Ana Capri at nanay ni Lotlot) na yumao na si Derrick at nailibing na.

Ang saklap di ba ?

Anyway , tiyak na mai-iyak kayo sa bandang huli .

Ngayon ko lang napagtanto na marami pala talagang fans si Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Ang ingay-ingay ng kanilang mga fans. Konting kibot lang ng dalawa sa big screen, agad silang naghihiyawan.

Nanood din si Gladys Guevara na maya-maya ang bili ng popcorn at hotdog. TIMMYDORA /TIMMY BASIL

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply