Matindi ang hinanakit ni Kris kay Korina!

IRITADA si Kris Aquino kay Korina Sanchez at sa kanyang Rated K TV show for supposedly airing a feature on James Yap.

Pine-personal raw niya for the simple reason na binuwis raw niya ang kinabukasan nila ng kanyang mga anak nang walang inaasahang kapa- lit. Ang ganti pa raw sa kanya ngayon ay nai-feature pa ang ‘deadbeat’ na tatay ng kanyang anak na si Bimby.

Ngayong gabi, April 22, ay Naglabas raw kasi ng taped feature si Korina tungkol kay James the other day , sa asawa nitong si Michela Cazzola, at sa anak nilang si Michael James.

Said episode was aired two days after Kris had vented her ill feelings on her ex husband’s indifference to his obligations with his son Bimby.

In her Instagram post right after the airing of Rated K’s episode on James and his new family, Kris has said more than a mouthful on the support that she was able to give to Mar Roxas’s candidacy.

“I have really had ENOUGH. Simple lang- minsan lang akong pinakiusapan ng kapatid ko- never para sa sarili nya pero para sa kandi- datong inendorso nya. Dahil mahal ko sya ginawa ko. Lahat ng batikos ng dahil sa pagtulong na yon tinaggap ko,” declared Kris.

“Tatlong beses akong nagpunta sa Davao- sa kampanya nung 2010, kampanya 2013 para kay Sen Chiz & Sen Grace at nung nag Kris Tv.

“Si PRRD lahat nung pagkakataon na nagkaharap kami, mabuti ang pinakita sa kin.”

At any rate, sampal raw sa kanya ang ginawang feature ng programa ni Korina.

In the end, the feisty TV host said that she now understands why President Duterte won the 2016 Presidential elections.

“I apologize sa Kuya ko, humihingi rin ako ng paumanhin sa ninang ko na nanay ni Mar- pero klarong klaro sa kin kung bakit ang nanalong Pangulo ay si DUTERTE.”

Kasama naman sa post ni Kris ay ang litrato nila ni President Duterte sa isang episode ng Kris TV.

It will be remembered that Kris and Korina hosted Morning Girls with Kris and Korina, which aired for three seasons from January 2003 up to May 2004.

Parang moro-moro ang akting!

Nakasira sa halip na makatulong si Arci Munoz sa soap nila ng mga kasamang aktor sa network na kanyang pinagtatrabahuhan.

Walang maka-relate sa kanyang moro-morong brand of acting at marami ang nagsasabing the soap is better off without Arci and her uninspired brand of acting that’s largely monotonous and boring.

Nakatatawang kahit dramatic scenes na ang kinukunan ay parang comedy pa rin ang dating ng acting ni Arci. Hahahahahahahahahaha!

Parang nakatawa kasi ang expression ng kanyang mukha kahit na nag-e-emote naman siya.

Suffice to say, she’s very much wanting of depht and understanding of the intricacies of her role.

In short, she’s basically ham. No wonder, kapag pumapasok na ang kanilang soap ay inililipat na sa kabilang network ng mga otawzing.

Inililipat na raw, o! Hahahahahahahahahahahaha!

How inordinately tragic!

Dapat sa babaeng ito ay mag-acting workshop pa para magkaroon ng lalim ang kanyang pag-arte.

‘Yun lang!

Xian Gaza, nakatanggap agad ng indecent proposal mula sa gurang na matrona!

A few days after his release from prison, Xian Gaza, the viral billboard suitor of Erich Gonzales, received an indecent proposal from an aging matron.

Base sa screenshots na kanyang ipinost, he was offered ten thousand pesos by a netizen that he calls “Madam,” in exchange of his ‘services’.

Sinabi pa raw nung nag-message sa kanya, “Magtalik tayu iho.”

Pabirong post ni Xian sa kanyang Instagram, “NEED NA NEED KO NG KWARTA NGAYON GUYS, G NA BA KO KAY NANAY?! HAHAHAHAHA! YUCKS! LOL”

Looking back, it will be remembered that Xian became popular when he invited actress Erich Gonzales for a coffee date through his billboard.

Last April 12, 2018, sumuko naman siya sa Malabon Police Station right after na lumabag siya sa Batas Pambansa (BP) 22 o ang Anti-Bouncing Checks Law.

He said that he was a victim in an investment scam.

April 14 naman nang finally ay makapag-post siya ng bail bond amounting to a cool P126,000.

Diva Montelaba, nahirapang maka-move on sa breakup nila ni Steven Silva

Diva Montelaba believed that getting married and starting a family of her own needs the right timing and so is having a family of her own. At sa ngayon daw, malayo pa ‘yun sa kanyang isip.

Right now, she is in a relationship with a non-showbiz guy for two years already.

Pangalawang boyfriend lang daw niya ito pagkatapos ng four-year relationship niya with StarStruck V Ultimate Male Survivor Steven Silva.

Noong mag-split raw sila after four years of togetherness, she was completely heartbroken for almost a year.

“I went out with my friends,” she remembered. “I took dance classes, eventually I started dating na rin.

“Doon ko na-meet ang boyfriend ko ngayon.

“He’s a very private person kaya kahit sa mga social media accounts ko, hindi ko siya isinasama sa mga post ko.”

Anyway, the press had a grand time interviewing the lovely actress at the grand media launch of GMA-7 prime time teleserye The Cure, at the Le Reve Events Venue, Quezon City last April 17.

At any rate, she said she’s not ready for marriage yet because she has a lot of dreams for her family.

“Alam naman ng boyfriend ko kung ano ang mga gusto ko pang gawin sa buhay,” he intoned. “Tinutulungan ko pa ang family ko at natutuwa siya sa ginagawa kong iyon.

“’Tsaka bata pa naman kami. Alam ko rin na he wants to do lots of things sa buhay niya.”

She believed na nasa tamang timing raw ang pagpapakasal and having a family of her own.

Isang kontesera si Diva and in her hometown in Cebu, madalas raw siyang manalo.

When she joined StarStruck V in the year 2009, where she ended up being chosen as First Princess, a lot of people had encouraged her to join national beauty pageants like Binibining Pilipinas, Mutya Ng Pilipinas, and Miss World Philippines.

Pa’no naman, she has the height, becoming morena features, and talent to become a major beauty queen and is perfectly suited to re- present our country in some international beauty pageants.

But at the age of 26 years old, she no longer harbors any dream of joining beauty pageants primarily because she is happy with her stint in show business. “Ayoko rin namang pasukin ang isang bagay na hindi ko mabibigay nang buo ang sarili ko,” she said in earnest.

“Naa-appreciate ko ang mga naniniwala sa akin, pero ako pa rin naman ang makapagdedesisyon kung gusto ko o kung kaya ko ba.

“Malaki kasi ang isasakripisyo ko kapag sumali ako ng isang national beauty pageant. Para kasing magsisimula ulit ako.

“Bilang breadwinner ng family, importante sa akin ang magkaroon parati ng trabaho at thankful ako sa GMA-7 sa pagbigay sa akin ng mga projects parati.

Kaya sa ngayon, kinalimutan na raw niya ang beauty pageants. Kumbaga, tinapos na raw niya ang chapter na ‘yun sa buhay niya.

Natutuwa naman si Diva dahil pagkatapos ng huling teleserye niyang Haplos ay babalik ulit siya sa prime time via The Cure.

Sa ngayon, happy raw siya dahil nasa prime time teleserye na ulit siya.

Dito sa The Cure, girlfriend raw siya ni Jay Manalo na mahilig mag-vlog at pinu-post sa social media.

“Si Jay kasi rito,” she averred, “head of security siya ng isang medical facility kung saan nagsimula yung virus.

“Dahil sa isang vlog ko, nalaman ng marami na may kung anong epidemya na nangyayari.

“Kaya nagkaroon ng panic after nilang mapanood yung vlog ko.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond
eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply