May relasyon nga ba ang multi-awarded character actress at sexy dramatic actor?

SA isang presscon sa isang sikat na network, kapuna-puna ang closeness na namamagitan sa isang multi-awarded character actress at isang mahusay pero hindi na gaanong in demand na sexy dramatic actor.

Sa harap ng mga tao, di naman sila obvious. Parang cool lang. Magkasama sa trabaho, no more, no less!

Pero behind the scenes, napuna naming super close sa multi-awarded actress ang mga tauhan ng sexy dramatic actor.

Hinatid pa nga siya sa kanyang sasakyan at obvious na may respeto sila kay Ma’am.
Kung sabagay, so what’s new?

May asim pa rin naman ang mahusay na veteran actress bagama’t medyo bilugan ang katawan at may katabaan.

Besides, she doesn’t have any commitment with anyone and she is single at the moment.

Kapuna-punang may dating sa ngayon ang mahusay na character actor. Kung dati’y medyo may kalakihan na ang kanyang tiyan, this time he appears to be muscled in the right places and becomingly fit.
No wonder, nagustuhan siya ng mahusay na character actress. Hahahahahahahahahaha!

‘Yun nah!

Mark Herras speaks up about his viral video scandal

Puzzled pa rin daw si Mark Herras kung bakit muling nag-circulate ang kanyang video scandal na kumalat some 12 years ago.

Hindi raw niya maisip kung ano ang motibo ng nag-upload nito sa internet but he is quick to admit that the issue, inasfar as he’s concerned, has long been forgotten.

What he is worried about is her girlfriend Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez.

“Siguro, just respect Wyn na lang, kumbaga huwag na lang idamay si Wyn sa issue,” he said in earnest. “Maraming nagta-tag sa kanya, e. Si Wyn yung pinakanaiirita, naapektuhan.

“Siguro, huwag na lang nila kumbaga… I’m sure hindi nila ako ni-respect nung nilabas nila yung video, so sana si Wyn, huwag na nilang idamay.”

The video scandal has reached her girlfriend who is now in Las Vegas, Nevada.

What was her initial reaction?

“Wala,” averred Mark. “Siyempre naapektuhan siya.

“So, sinasabi ko na lang na parang huwag siya mag-alala, I will do everything para hindi siya madamay.

“Matagal na (‘yan), it’s an old issue, e.”

Kung plano lang nilang sirain ang magandang samahan nila ni Winwyn, nagkakamali raw sila.

“Buti kung parang nanliligaw pa lang ako,” he surmised. “E, two years na kami.

“I don’t think ‘yan yung motive, nonsense na pag-iisip na ‘yan.

“And I will never… parang entertain naman the issue, kasi parang nonsense rin naman.

“That was twelve years ago pa.”

Nakausap ng press si Mark sa media conference ng bagong prime-time series ng GMA-7, ang The Cure na mapanonood starting April 30.

Ang The Cure ay tumatalakay sa isang experimental drug na kayang pagalingin ang cancer, ngunit nagkaroon ng masamang side effects sa naturukan nito.

Nasa lead role sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.

Kabilang din sa stellar cast sina Jaclyn Jose, Ken Chan, LJ Reyes, Jay Manalo, Irma Adlawan, Glenda Garcia, Arra San Agustin, Diva Montelaba, at si Mark bilang si Darius.

Kontrabida ang role rito ni Mark.

Mapapanood ito sa GMA Telebabad starting April 30.

Ang katotohanan sa “tabig-selfie” incident involving James Reid and Nadine Lustre

Nagsalita na ang female models na nasa Revel at the Palace noong nangyari ang insidente ng pananabig ni Nadine Lustre sa isang female fan na nagpa-selfie sa nobyo nitong si James Reid.

Pati raw mga kamag-anak nila ay bina-bash na rin ng mga fans nina James Reid at Nadine Lustre kaya nagsalita ang female models na nakakita sa pananabig ni Nadine Lustre sa isang female fan nung madaling araw ng Sabado.

Last Tuesday, April 17, Darline Paranada shared a long post about the incident at the Revel at the Palace, Bonifacio Global City, Taguig, where the incident happened.

Ipinagtanggol niya sa kanyang post ang mga kaibigang bina-bash rin ng JaDine fans.

Nangyari raw ang incident last April 13 sa Revel BGC, sa birthday party ng isang kaibigan nila from the States at birthday rin ni Kay Shivaun, so present ang kanyang relatives at mga kaibigan. Sa sobrang rami raw nila nagdagdag pa sila ng extra table.

Pero nangyari ang insidente noong madaling-araw na ng April 14, Sabado.

Around 3 a.m. raw dumating sina Nadine. May VIP tables naman daw sa second floor pero hindi raw nila alam kung bakit sa kanila tumabi ang magdyowa.

Nung una, hindi raw niya nakilala ang JaDine dahil madilim nga ang loob ng Revel.

So, in the process of having an animated chat, nakilala ng mga kasamahan niya ang JaDine, sinamantala na ng mga ito ang pagkakataon para makapagpakuha ng picture kasama sila.

Una raw nagpa-picture ay si Nika Madrid na in-accuse ng JaDine na nagpi-flirt raw kay James.

Bago raw nagpakuha ng litrato kay James, nagpaalam muna ito kay Nadine. Prior to that, mas nauna pang nagpakuha ng picture ito kay Nadine. At this juncture, biglang naalala raw nito (Darline) ang pagkakatabig ni Nadine sa isang chick na nagpapa-selfie kay James.

Hindi raw nila kasalanan kung kumalat at binigyan ng iba’t ibang caption yung mga video sa instagram nila. May mas malaking problema raw ang Pilipinas kaysa sa JaDine.

May attitude nga ba ang magandang aktres?

Marami ang nagtataka kung bakit up to now ay wala pang follow-up soap ang magandang aktres na ‘to na nagtatrabaho sa isang sikat na network, samantalang ‘yung dalawa niyang leading man ay busy na sa kani-kanyang projects.

Could it be true that she is supposedly hard to deal with?

Matagal-tagal na rin kasing walang pinagkakaabalahang proyekto ang magandang aktres samantalang may big project na ang kanyang leadingman?

True ba na pinagpapahinga na muna ang aktres dahil nagpakita raw ito ng attitude sa nakaraan niyang proyekto?

Baka naman na-turn-off ang network dahil sa maangas niyang manager, hindi kaya?

‘Yun nah!

Maja Salvador, dyinastify ang paglipat nina Sunshine Cruz at Wendell Ramos sa GMA-7

Naiintindihan ni Maja Salvador kung bakit lumipat ng network ang mga co-stars niya sa Wildflower na sina Sunshine Cruz at Wendell Ramos, right after na magtapos ang kanilang serye sa ABS-CBN.

“Siyempre, iba ang Kapamilya. Iba ang ABS-CBN,” Maja said. “But, at the end of the day, hindi ko masisisi dahil—like, si Ms. Sunshine, single mom siya at kailangan niya mag-work, di ba? For sure, si Kuya Wendell, siya yung breadwinner, siya yung tatay.

“So, kung saan may work, di ba, do’n.”

Napabalita last week na tinanggap na nina Sunshine at Wendell ang offer ng GMA-7.

In-offer-an rin ng Kapuso network si Aiko Melendez, pero minabuti ng aktres na mapasali sa prime-time series ng Dos na Bagani.

Maja elaborated, “Ang sa akin, kung saan may work, do’n.

“Importante na may trabaho tayong lahat… Mas lalo na kay Ms. Sunshine. Siya yung naghihirap para buhayin yung three kids niya.”

Pagkatapos na gumawa ng revenge-driven plots, balik na naman si Maja sa paggawa ng romance films sa pamamagitan ng susunod niyang project To Love Some Buddy.

Nagri-revolve ang story sa dalawang mag-best friends na na-in love sa isa’t isa after college.

“Kwento siya ng batchmates sila sa college, tapos hangga’t sa nagkita sila ulit, naging best friends. Tapos na in love sa isa’t-isa.

“Typical na best friends na nagka-in love, pero siyempre, may ibang twists lang.”

Bagama’t may similarity ang premise sa Maja-Paulo Avelino film na I’m Drunk I Love You, may malaki naman daw itong pagkakaiba.

“Nakaka-in love, masakit. May drama rin,” she pointed out. “Wala pa ako napanonood na—ako ha? ako wala pa ako napanood na awayan na lovers plus best friends.

“Parang mas mahirap ‘yon, di ba? Hindi lang isa nawala sa iyo. Dalawa.”

To Love Some Buddy signifies her first team-up with fellow Kapamilya actor, Zanjoe Marudo.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply