Mga manlalarong kalahok sa Palarong Pambansa, pinayuhan ni SAP Bong Go

PINAYUHAN ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher ‘Bong’ Go ang lahat ng manlalarong kalahok ng Palarong Pambansa na pagbutihin ang paglahok sa mga paligsahan.

Ito aniya ang magiging panukat ng tagumpay ng Palarong Pambansa ngayong 2018.

Ipinaalala ni Go ang unang pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang sports ay isang paraan para mailayo ang mga kabataan sa illegal drugs, kriminalidad at iba pang masamang gawain.

“Alam naman po nating lahat, at sinabi rin ito ni President Duterte, na ang sports ay isang paraan na mailayo natin ang kabataan sa illegal na droga, kriminalidad at ibang masamang gawain,” aniya pa rin.

Kaugnay nito, tiniyak ni Go na patuloy ang maigting na pagsisikap ng gobyernong Duterte na masugpo ang mga ito na tinawag niyang “social ills” para masigurong magiging ligtas at progresibo ang bansa lalo na sa younger generation at sa mga susunod pa.

“ I can assure our fellow Filipinos, that government is continuously campaigning to eradicate these social ills, so we can ensure a safe and progressive country for our younger generation,” ayon sa opisyal.

Pinapurihan din ni SAP Go ang Ilocos Sur sa pagiging host ng Palarong Pambansa ngayong taon gayundin ang mga batang atleta na kalahok.

Matatandaan na si Go ay isa ding sports enthusiast partikular ng larong basketball.

“I would like to congratulate the Province of Ilocos Sur for hosting this year’s Palarong Pambansa. At sa ating mga batang atleta, good luck sa inyong lahat. Mabuhay ang atletang Pilipino! ,” ayon kay Go. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply