Milk Production for Filipino Farmers

KINOMPRONTA ni Sen. Cynthia A. Villar, chairperson ng Senate Agriculture and Food Committee, si National Dairy Authority (NDA) Administrator Marilyn Mabale, kaugnay ng mga nagawa ng kanyang opisina upang matulungan ang dairy industry ng bansa simula nang maupo siya sa kasalukuyan niyang puwesto mahigit isang taon na. Sa pagdinig ng Villar committee, sa kasalukuyang operasyon ng NDA at pagiging epektibo ng mga programa sa paglago ng dairy industry, kinuwestiyon din ni Villar ang pagkabigo ng NDA na gawin ang kanilang mandato sa loob ng 23 taon. Sinabi ni Villar na isang porsiyento lamang ng demand sa gatas ang natutungunan ng NDA. Iginiit din ni Villar na dapat tayong mag-produce ng sarili nating mga baka sa halip na mag-import upang matiyak din ang mas mababang presyo ng gatas. CESAR MORALES

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply