Open sa nudity sa kanilang mga anak!

NOONG nakaraang buwan, naging usap-usapan sa social media ang mga nude photos na mag-asawang Troy Montero at Aubrey Miles. Kinuhanan sa isang private resort sa Batangas ang nasabing nude photos at umani ng libo-libong comments sa Instagram.

Nung sabado April 7 sa event ng Miss Hiyas ng Kadujawan 2018 na ginanap sa Agusan del Sur naka chikahan ng SNI ang host-singer na si Troy tungkol sa naging reaksyon ng netizen nagulat si Troy dahil karamihan sa mga komento from netizens ay puro positibo. Aniya: “Actually, turns out it was medyo positive. Actually, hindi namin inexpert na [makakatanggap kami ng] positive feedback. I think kasi the way we did it was not so planned, pero it just turned that way. Tapos, I guess they thought it was not like medyo bastos or anything… kaya okay lang. Actually, I was surprise.”

Inamin ni Troy na hindi planado ang pagkuha ng letrato para lang mapag-usapan ng tao.

“Like what I said it wasn’t any plan, pero it really like that the way it really happen talaga. So, we just were… walk around in the nude. We sunbathe in the nude. Siyempre, walang tao. The kids are not around. Just enjoying ourselves. We decided to take a picture,” sabi niya.

Tinanong ko na rin kay Troy kung first time nila na kumuha ng letrato na nakahubad.

“To post, yes, but we always do that,” sabay tawa niya.

Ano naman kaya ang masasabi ng kanyang mga anak? “Iyung older [son ko]. He’s 17. So, he has an Instagram account, and he said ‘I saw the pictures, dad’. Then he laughs.”

Sa ngayon busy si Troy sa kanyang show sa Discovery Channel na Worst Vacation Ever kasama ang kanyang nakakabatang kapatid na si KC Montero.
***
PUNO pa rin ng mensahe ng pag-ibig at inspirasyon ang “Just Love Araw-Araw” Summer Station ID ng ABS-CBN na tampok ang 30 Kapamilya artists sa pangunguna nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Karylle, at Vhong Navarro ng “It’s Showtime,” kasama ang “Singer 2018” contender na si KZ Tandingan, at ang “The Voice PH” coach na si Bamboo.

Mapapakinggan na ang ABS-CBN Summer Station ID sa Abril 7 (Manila time) sa ABS-CBN Entertainment Youtube channel. Samantala, mapapanood naman ang ng aktwal na Station ID sa Abril 14 (Manila time) sa “It’s Showtime.”

Tulad ng “Just Love Ngayong Christmas” Station ID ng ABS-CBN noong Disyembre, hinihimok ng “Just Love Araw Araw” Summer Station ID ang mga Pilipino na ipakita ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng pag-kalinga o paglingkod sa kanilang pamilya, mga kaibigan, komunidad, at buong bansa. Sa nakaka-enganyo nitong liriko at himig, dala nito ay inspirasyon sa mga tao na magpakita ng malasakit habang nagsasaya ngayong tag-init at sa kanilang araw-araw na pamumuhay.

Ilan pa sa nagbigay buhay sa bagong summer anthem ng bayan ay ang “It’s Showtime” hosts na sina Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, at Amy Perez; “Tawag ng Tanghalan” (TNT) hurados na sina Rey Valera, Nyoy Volante, Mitoy Yonting, Yeng Constantino, K Brosas, Erik Santos, Jaya, Jed Madela, Louie Ocampo, Ogie Alcasid, at Rico J. Puno; TNT grand finalists na sina Remy Luntayao, Anton Antenorcruz, Tuko Delos Reyes, Sofronio Vasquez, Alfred Relatado, at Jovany Satera; maging ang mga “Ms. Q and A’s” finalists na sina Juliana Parizcova Segovia, Matrica Matmat Centino, at Rhian Rianne Azares.

Isinulat ang “Just Love Araw-araw” ni ABS-CBN Creative Communications Management (CCM) Head Robert Labayen kasama si Lloyd Oliver “Tiny” Corpuz at Paolo Ramos ng CCM. Ang musika naman ay gawa nina Thyro Alfaro at Yumi Lacsamana, at may dagdag na himig mula kay Jimmy Antiporda.

Naging tradisyon na ang ABS-CBN Summer at Christmas Station IDs ng Kapamilya network hindi lamang ng istasyon kundi pati sa mga Pilipino sa buong mundo dahil sa mga positibo nitong mensahe ng pag-asa at pagmamahal sa bawat awitin at video.

Abangan ang pinakabagong Summer Station ID at summer anthem na handog ng ABS-CBN tampok ang Kapamilya artists sa pangunguna ng “It’s Showtime” family. Magaganap ang launch ng lyric video para sa “Just Love Araw-Araw” Summer Station ID sa Abril 7 (Manila time) sa ABS-CBN Entertainment Youtube channel. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa facebook.com/KapamilyaTFC at sa TFC Facebook page na angkop sa inyong kinaroroonan.

**

TAONG 2004 ng umusbong ang tambalan “HeroSan” mula sa Star Circle Quest Batch 1. Ang tambalang Hero at Sandara ang isa sa mga sikat ng taong ‘yun . Kamusta na kaya sila ngayon?

Halos 15 taon na rin ang nakararaan mula noong huling nagsama sa pelikula ang sina Hero Angeles at Sandara Park.

Sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda, ibinahagi Hero kay kuya Boy Abunda na matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita ng dating ka-love team at ka-batch sa Star Circle Quest na si Park.

Bungad ni Hero: “Hindi pa kami nagkakausap ulit, “(Huling nagkita kami ay noong) 2006. Movie namin.

“Sa ngayon hindi pa talaga kami nagkikita or nagkakausap, actually sobrang na miss ko na rin siya kasama at ka-work!”

Tanong pa ni Kuya Boy, kung sakaling magkita muli sila ni Sandra, ano ang sasabihin niya sa singer-actress:

“Hindi ko nga alam e,” natawang sabi ni Hero.

Halos lahat ng ka-batch nina Hero at Sandra sa Star Circle Batch 1 ay nagkaroon na kani-kanilang pamilya tanging sila na lang ni Sandra ang naiiwang “Single”, hudyat kaya ito na baka sila ang magkatuluyan sa isat-isa?

Samantala, ibinahagi niya ang isang nakatutuwang pangyayari noong papunta siya sa nasabing programa.

“Ang nakakatuwa, noong papunta ako rito, nakasalubong ko si Direk Cathy. First director namin sa movie. Ta’s first movie niya kami rin ‘yong hinandle niya. Sabi nga niya sana magka-movie tayo ulit. Sabi ko, sana talaga,” pagbabahagi pa niya. Sabeee!/Troy Catan

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply