Pagreretiruhin ko si Pacman- Matthyse

IPINAGYABANG ni World Boxing Association (WBA) “regular” welterweight champion Lucas Matthysse (39-4, 34 KOs) na siya ang magpapa-retire kay eight division champion at Senator Manny Pacquiao (59-7-2, 38 KOs).

Ayon kay Matthyse, target niyang isama si Pacman sa mga napatulog niya sa ibabaw ng ring sa paghaharap nila sa July 14 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kumpiyansa ang 35-anyos na Argentine boxer na hindi magagawa ni Pacman na agawin ang kanyang hawak na korona.

Naniniwala si Matthysse na kapag natalo niya si Pacman ay magbibigay daan ito sa rematch niya kay Danny Garcia.

Dehado umano si Pacquiao dahil tila kinalawang na ito at isang taon nang walang laban matapos ma-upset ni Jeff Horn.

Inaasahang sa April 18 ay darating sa Pilipinas si Matthyse para sa promotions at launching ng kanilang laban ni Manny.

Pagkatapos nito ay tutunguhin nila ang Kuala Lumpur.

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply