Palarong Pambansa pinasaya ni PDU30

NAGBUNYI at nagsaya ang mga kabataang atleta na lumahok sa Palarong Pambansa na ginaganap sa Vigan Ilocos Sur dahil sa pagdating ni President Rodrigo Roa Duterte, patunay na maging sa mga kabataan ay malakas ang kanyang karisma.

Kahapon, naging panauhing pandangal si PDU30 sa magarbong pagbubukas ng Palarong Pambansa na nilahukan ng libo-libong mga kabataan na nagmula sa iba’t ibang sulok ng bansa na ginanap sa Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur.

Nagsimula ang opening ceremony bandang 3:30 ng hapon kungsaan naging keynote speaker si Pangulong Duterte.

Dumating din si Filipino boxing superstar Sen. Manny Pacquiao, at ibang pang sports personalities gaya nina Rafael ‘Paeng’ Nepomuceno, Hidilyn Diaz, Mansueto ‘Onyok’ Velasco, Eugene Torre, Eric Buhain, at Gabriel Moreno.

Ayon sa ulat, hindi bababa sa 15,000 athletes, officials at magulang ang lumusob sa probinsiya para sa taunang athletic event.

“We will make sure na hindi po kayo nagkamali sa pagpili sa aming probinsya,” hirit ni Ilocos Sur governor Ryan Singson.

Pag-aagawan ng mga manlalaro ang 496 medals sa elementary division at 815 medals sa secondary division sa ngayon taong Palaro.

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply