Pinoy worker na inabuso sa Saudi Arabia, nakauwi na ng bansa

IKINALUGOD ng Malakanyang na nakauwi na sa bansa ang overseas Filipino Worker na inabuso ng kanyang employer sa Saudi Arabia matapos ang apat na taon.

Sinabi ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher ‘Bong’ Go na masaya ang administrasyon lalo na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa paborableng kinalabasan ng kaso ni Pahima Alagasi na natulungan ng gobyerno na makauwi na sa bansa.

” We in the government, are truly delighted in the favorable outcome of this case involving our kababayan Pahima Alagasi. Natutuwa po kami, lalong lalo na si Presidente Duterte, at natulungan ng Gobyerno si Pahima at naiuwi natin sya dito sa bansa at sa pamilya nya,” ayon kay Go.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Go na patuloy ang pagsisikap ng Duterte administration na matulungan sa anumang paraan ang mga OFW partikular ng may kaugnayan sa relasyon ng mga ito sa kanilang employer.

“Patuloy po nating tutulungan ang mga kababayan nating OFWs, in any way we can assist them, be it a legal matter or be it labor and employer-related,” aniya pa rin.

Binigyang diin ni Go na palaging bukas ang pintuan ng Malakanyang sa mga Pinoy na nangangailangan ng tulong habang siniguro nito na handa ang mga opisyal ng palasyo na makinig sa mga ilalapit ng publiko.

” Like we have always been saying, the gates of Malacañang are always open and the ears of government officials will always listen to whatever problems our fellow Filipinos are experiencing,” ayon kay Go.

Matatandaan na ang kaso ni Alegasi ay isa sa mga hiniling ni Pangulong Duterte kay Prince Abdulaziz bin Saud bin Naif sa pagbisita nito sa bansa noong nakaraang buwan lamang.

Samantala, nagkita na sina Pangulong Duterte at Alegasi sa Davao city.KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply