Queen Elizabeth nag-celebrate ng 92nd Birthday

STAR-studded ang pagdiriwang ng 92nd kaarawan ni Queen Elizabeth.

Taliwas sa tradisyon na pribadong selebrasyon tuwing kanyang kaarawan, dumalo si Queen Elizabeth sa isang special concert sa Albert Hall sa London.

Kabilang sa mga nag-perform sina Tom Jones, Kylie Monigue, Sting, Ladysmith Black Mambazo, Shaggy, Craig Davis at Shawn Mendez.

Nanood rin sa concert ang panganay na anak ng reyna at siyang susunod na tagapagmana ng trono na si Prince Charles.

Naroon din ang mga apong sina Prince William at Prince Harry kasama ang fiancee na si Angela Markle.

Mapupunta ang kinita ng concert sa Commonwealth Trust Youth Charity ni Queen Elizabeth.

Ipinanganak si Queen Elizabeth noong April 21, 1926.

65 taon na siyang nagsisilbing reyna ng Britanya dahilan para ituring siyang longest-reigning living monarch sa mundo. JOHNNY ARASGA

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply