Rappler at Vera Files kinuhang fact checker ng FB; Sec. Roque, nanawagan

KINALAMPAG at nagpasaklolo si Presidential spokesperson Harry Roque ang mga Diehard Duterte Supporters (DDS) na putaktihin ang Facebook at sabihin na mali na napili nito ang Rappler at Vera Files na mag-vet ng fake news at tumulong sa kanilang fact checking program.

Ani Sec. Roque, ang Rappler at Vera Files ay kilala bilang mga anti-Duterte agency.

Bukod pa sa ang mga ito ayon kay Sec. Roque ang siya mismong gumagawa ng fake news.

“At dami naman natin dito sa internet, mga DDS ‘no, sa tingin ko ay masa-shock din ang management ng Facebook at makikinig sa atin,” ayon kay Sec. Roque.

Sa kabilang dako, naniniwala rin si Sec. Roque na nasa mga Facebook users din ang solusyon sa usaping ito.

“Ang tingin ko, ang solusyon diyan ay tayo ang gumagamit ng Facebook, tayo ang magreklamo; hindi tayo dapat pumayag diyan,”diing pahayag nito.

SINABI pa rin niya na nakababahala ang pagtapik ng Facebook sa pamamagitan ng Asia-Pacific Division nito sa Rappler at Vera Files para sa fact checking program.

Iyon ayon kay Sec. Roque ay dahil siya mismo ay nabiktima ng fake news ng Rappler.

Tinukoy ni Sec. Roque ang insidente na inilabas ng Rappler sa kanilang website na sinabi niya na bawal ang mga Pilipino na mag-scientific research sa Benham o Philippine Rise na hindi naman niya sinabi.

“Nakakabahala po talaga iyan. Nakakabahala po talaga,” diing pahayag ni Sec. Roque.

Nauna rito, nanawagan naman ang singer at masugid na tagasuporta ng Pangulong Duterte na si Jimmy Bondoc na i-ban / delete sa buong bansa o i boykot ang FACEBOOK dahil sa pakikipag partnership nito sa VERA FILES at Rappler upang sugpuin ang Facebook.

Sa Facebook Post ni Jimmy Bondoc na ginagarantiyahan nya na magsasagawa sya ng Nationwide Online Petition laban sa FACEBOOK na paniguradong susuportahan ito ng nakakarami na mayroong hashtag na #DeleteFacebookIF #FacebookBecomesFriendster.

Nanawagan din siya sa mga netizens na magbigay ng suhestiyon sa mga posibilidad na Social Media Sites na maaari nilang lipatan dahil sa pangyayaring ito.

KAPANSIN-PANSIN naman na hindi na ma-access sa pamamagitan ng Facebook ang ilang websites na pinanggagalingan ng fake news at sumusuporta kay President Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos ianunsyo ng Facebook ang kanilang partnership sa Rappler at Vera Files para sa fact checking program kontra fake news.

Umani naman ng batikos ang fact checking program ng Facebook sa mga tagasuporta ni Duterte.

Ilan sa mga high profile supporter nito ay nag-anunsyong aalis sa Facebook at lilipat sa ibang social media platform.

Katulad na lang ni Paula Defensor Knack na nagsabing magma-migrate ang karamihan sa kanila patungong VK.com, isang social networking site na pinapatakbo ng mga Russian. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply