Rocco Nacino, in love na raw kay Melissa Gohing

SA dinami-rami ng naging syota niya, ngayon lang naging open si Rocco Nacino sa relasyon niya sa kanyang volleyball player girlfriend na si Melissa Gohing.

“Nakatutuwa lang,” he said half-amused, “we started out as friends, ‘tapos biglang nag-click kami bigla, nagtu- luy-tuloy lang.”

Palagay raw niya ay ang pagiging mahiligin nila pareho sa sports ang factor na nagbuklod sa kanilang dalawa.

Just like Melissa, active rin daw sa sports si Rocco.

Sa ngayon, they are pushing on five months na.

Hindi naman daw kasi sila nagbibilang o nagsi-celebrate ng monthsary.

Nang tanungin kung kailan sila nagkakilala, sinabi ni Rocco na matagal na raw silang magkakilala pero lately lang nag-click ang kanilang samahan.

“Nag-date na rin kami before, pero dahil sobrang busy siya sa season niya, ako sa Enca (Encantadia), hindi rin nagka- tuluyan.

“Nung nagkita kami ulit, run na. Yung strike two, run kami nagdire-diretso.

“Matagal na, mga two years ago kami nagkakilala.”

Nakausap ng press si Rocco sa press conference ng concert na OH BOY! & OH LOL!, the other day.

The concert of Rocco, Derrick Monasterio, Dave Bornea, Super Tekla, Donita Nose, and Jak Roberto will be staged at the Music Museum on May 18.

Going back to Melissa, player siya before ng De La Salle University (DLSU) Lady Spikers.

Part siya ng koponang nag-uwi ng apat na championship titles.

Napanalunan niya ang UAAP (University Athletic Association of the Philippines) Season 71 Rookie of the Year award.

Today, she’s playing for the Creamline Cool Smashers team of the 2018 Premier Volleyball League (PVL).

Sports reporter na rin siya ng ABS-CBN Sports & Action (S&A).

Gusto raw niya ‘yung pagiging very competitive ni Melissa dahil isa rin siyang athlete.

Nakita rin daw niya ‘yung fire at hunger kaya nagja-jibe sila sa lahat ng bagay.

What makes Melissa different from the other women he got involved with?

“Ipinagkaiba siguro, first ko na nasa kabilang istasyon, kaya nakatutuwa nalalaman ko kung anong mga projects niya with ABS-CBN.

“I’m really happy for her, kasi ngayon she’s gonna be hosting for UAAP, PVL, and that’s gonna be a different field for her.

“So, laking tulong na yung sports niya sa La Salle maa-apply niya ngayon.

“And pinagkaiba nito, first time ko nagkaroon ng girlfriend na atleta.

“So, nakatutuwa, yung competitiveness naming dalawa. Nagja-jibe.”

Antoinette Jadaone, happy sa naging outcome ng Never Not Love You!

Hindi naman daw na-offend si Antoinette Jadaone nang madamay siya sa kontrobersyal na Twitter exchange ni direk Cathy Garcia-Molina sa mga JaDine fans.

Okay naman daw sila ni Direk Cathy kahit na nadamay siya sa maaanghang na tweets nito sa magka-loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre.

Sinabi pa ng direktor ng The Never Not Love You movie, na hindi siya na-offend nang i-name drop siya ng sikat na direktor.

“Hindi naman,” she said, all sweetness. “Wala tayong magagawa, e. As long as personally okey kayo, yun ang mas importante.”

The whole imbroglio started when direk Cathy said that she was hesitant to work with James and Nadine because of some unsavory feedbacks that she got from Direk Antoinette.

Tungkol naman sa naging outcome ng Never Not Love You, happy naman daw si Direk Tonet sa naging resulta nito sa box-office in spite of the supposed ‘challenges’ that they were able to encounter during its filming stage.

Suffice to say, nagalingan daw si Direk Tonet kay Nadine rito sa movie.

Kasi sa OTWOL (On the Wings of Love), kilig-kilig na parang perky girl lang siya.

Is she willing to work with the tandem again?

“Oo naman!” she said. “Basta tama yung story.

“Kasi eto rin naman, matagal na siya dapat, pero hindi laging natutuloy.

“Siguro kasi hindi laging tama yung story, hindi tama yung timing.

“Ang hirap nila gawan ng pelikula kasi, after nito, dapat bago. Hindi na puwede yung boy-meets-girl premise.”

Looking back, Direk Tonet posted on her Twitter account that she felt heartbroken over the delays of the filming of Never Not Love You.

Ryza Cenon, Kapamilya na!

Ryza Cenon is now officially a Kapamilya talent. Fourteen years siyang naging GMA-7 talent at twelve years na hinawakan ng GMA Artist Center.

Naging Ultimate Female Survivor siya nang sumali sa Kapuso artista search StarStruck noong 2004.

Huling proyekto niya bilang Kapuso talent ay ang daytime series na Ika-6 Na Utos where she essayed mistress Georgia.

Present sa contract signing ni Ryza ay ang ABS-CBN executives na sina Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Lauren Dyogi, at Cat Lopez.

Matatandaang umalis sa GMA Artist Center si Ryza last year (June 15, 2017) para magpa-manage sa Viva Artists Agency.

Last January 2018, Ryza revealed in an interview that she received an offer from the Kapamilya Network.

“Pero siyempre,” she was qouted to have said, “sinasabi ko nga po, priority ko ang GMA. Kung may ibibigay po ang GMA for me, sila po yung priority ko.”

So, what’s new? Hahahahahahahahaha!

Iya Villania, buntis na pero gumagawa pa ng mga intricate body exercises!

Shocking but Iya Villania is able to prove that she can continue with her back-breaking workouts even when pregnant.

Ipinakita niya sa ilang videos on Instagram na carry pa niyang gumawa ng crossfit exercises na safe naman daw for pregnant women.

Sa isang video, ipinakitang Iya is doing a headstand.

Kahit safe diumano ang exercise na ito, pinaalalahanan ni Iya ang kanyang followers to “watch out for any ‘coning’ action” in the abdominal section.

Bigla tuloy naming naalala si Judy Ann Santos na ginawa ang headstand exercise na ‘to habang buntis siya sa ikalawang daughter na si Luna. Nag-worry noon ang kanyang mga tagahanga.

Judy Ann explained na totally safe raw ang headstand lalo na’t suhi ang bata. The pose alone allows the baby to move to its proper position.

Pero siyempre, kailangang may supervision ng professionals habang ginagawa ito.

Ganun din ang paniniwala ni Iya. Tipong may “scaled down” crossfit exercises para sa mga buntis na babae.

“I do what I can. Kung hindi kaya, hindi ko pipilitin. At saka I’m carefully listening to my body.”

Maliban sa headstand exercises, gumagawa rin siya ng ‘pistol’ squats at weightlifting habang nagko-crossfit workout.

Anyway, hindi na raw siya masyadong aligaga sa kanyang second pregnancy.

“Ini-enjoy ko lang muna yung pregnancy,” the Lip Sync Battle Philipines host shared during the show’s presscon last month. “I feel like it’s nothing new, I think I’ll be more chill this time around.

“One and a half pa lang naman si Primo, lahat ng mga pang-baby, I think nandun pa.

“So, at least, I don’t have to go through the same preparation that I did for the first baby.”

Pero may isang bagay raw siyang pinaghahandaan – ang sleepless nights na nangyayari kapag siya’y buntis.

“Hindi ko talaga ma-avoid, e, kailangan ko talaga siyang i-accept,” she said matter of factly. “I’m just trying to mentally prepare myself for the puyat again.

“That’s the hardest part and yun ang nakababaliw.”

Anyway, bongga ang acceptance sa kanilang Lip Sync Battle Philippines ni Michael V.

Hindi ito nagpakabog sa ibang show na katapat nito.

Mapanonood nga pala every Sunday ito from 7:40 pm onwards.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes be-
yond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!  DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply