SAP Bong Go, hinamon ang CPP-NPA-NDF

HINAMON ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher ‘Bong’ Go ang Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na patunayan ang sinseridad nito para sa usapang pangkapayapaan sa pamahalaang Duterte.

Aniya, pag-upo pa lamang ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa puwesto ay inabot na nito ang kanyang kamay ng pakikipagkaibigan sa komunistang grupo para makamit ang pangmatagalang kapayapaan hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

Kaya nga, nanawagan si Go sa komunistang grupo na ipakita ang katapatan sa sinasabing kapayapaan sa bansa upang matuloy na din totohanang paghaharap ng dalawang panig.

Ani Go, tanging si Pangulong Duterte lamang ang presidenteng puwedeng makausap ng komunistang grupo na pinatuyan sa ilang beses nang pagpayag na ibalik ang nauudlot na peace talks.

Nauna rito, ibinahagi ng Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ang kanyang interes na umuwi ng bansa kung may nakikita na siya umanong kasiguraduhan sa peace talks.

Sinabi pa ni Sison na nais niyang makita ang negotiating panel ng NDFP at ng gobyerno na magkasundo sa iilang mga bagay: pagpapatupad ng ceasefire, amnestiya para sa political prisoners at maayos ang dalawang issue ukol sa agrarian reform at rural development, na nasa ilalim ng Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER).

Naniniwala siyang mapagkakasunduan agad ang mga ito sa loob ng 60-day window na binigay ni Pangulong Duterte.

Ito ay kasunod ng pag-imbita ng Pangulo kay Sison na umuwi upang makapag-usap sila.

Ayon naman kay Duterte, “Ngayon, bago lang, I created a small window. Sixty days. Proposal ko kay Sison, hindi ako magpunta doon. Ang pinag-awayan natin, ang Pilipinas, pumunta ka dito. Ako mag-bigay ng pamasahe, I will pay for all your…pagkain.” KRIS JOSE

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply