Sec. Duque, hihingi ng payo kay Pang. Duterte kaugnay sa Dengvaxia case

MAKIKIPAG-USAP si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Duterte upang humingi ng payo kaugnay sa mga kasong kinakaharap na may kinalaman sa kontrobersiya ng Dengvaxia.

Si Duque ay matatandaang kabilang sa mga taong sinampahan ng Public Attorney’s Office (PAO) at ng mga magulang ng isa pang batang nasawi matapos mabakunahan ng Dengvaxia, ng kasong reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa Anti-Torture law.

Ayon kay Duque, kinukonsulta na niya ang kanyang mga abogado sa kaso upang matukoy ang posibilidad na magsampa ng counter charges, ngunit bilang alter-ego ng pangulo, nais rin muna niyang kausapin muna si Pangulong Duterte hinggil dito.

Sa ngayon aniya ay hindi pa siya nabibigyan ng pagkakataon na makausap ang pangulo matapos siyang sampahan ng kaso ng PAO, ngunit umaasang magkakaharap silang dalawa sa lalong madaling panahon, kung maisisingit na siya sa hectic na schedule nito.

Nauna rito, tinawag na malisyoso at oppressive ni Duque ang reklamo at iginiit na hindi siya dapat na madawit sa kaso dahil wala naman siyang kinalaman dito. MACS BORJA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply