Sikat na aktres, lulong sa bawal na gamot

USAP-USAPAN ngayon ang isang sikat na aktres dahil sa kanyang hitsura. Sa shooting ng kanyang pelikula ay napansin ng kanyang mga co-stars na hindi nagsasalita ang aktres at gusto nito na palaging mag-isa lang. Kung minsan daw ay tulala at walang kibo. Tinatanong ng mga kasamahan niya kung may nararamdaman raw ba siyang sakit dahil sa pagiging matamlay lagi nito sa shooting. Wala naman daw itong idinadaing na problema o sakit. Kaya nagtataka ang mga kasamahan sa trabaho kung bakit palagi na lang siyang tulala at wala sa sarili.

Kung minsan daw, buong araw ay hindi lumalabas sa kanyang tent habang nagsu-shooting. Nagkukulong lang daw ito at bawal na may pumasok na kasamahang artista sa kanyang tent. Lagi na raw nabubwesit sa kanya ang director dahil sa palaging tulog daw ito sa shooting.

Ang dahilan daw kung bakit tulog sa shooting ay natataon daw na low bat ang aktes dahil magdamag siyang gising.

Hindi lang yan. Kitang kita na sa aktres ang sobrang pagpayat at bumagsak na ng kanyang katawan. Tuyot na ang kanyang hitsura. Pinagdududahan ng mga kasamahan sa trabaho na posibleng lulong sa ipinagbabawal na gamot ang aktres kaya siya madalas na tulala at wala sa sarili.

@@@@

Tinatarantado palagi ang beauty queen actres ng kanyang mga nakarerelasyong lalaki. Unang nakarelasyon ng beauty queen actres ang isang lalaking minahal niya pero hindi siya nakatanggap ng maayos na treatment sa naging unang asawa dahil sinasaktan ito at palaging may pasa at sugat sa katawan.

Pangalawang nakarelasyon ng beauty queen actress ay ang isang foriegner na kahit sa harapan nang kanyang mga kaibigan ay binabato siya ng baso kapag nagagalit ito sa beauty queen actress.

Minsan sa isang sosyalan ay kasama ni brauty queen actress ang pangalawang lalaking minahal niya si foriegner.

Nung malasing daw ang foriegner ay hinila umano si beauty queen actress sa tabi at inilalabas na umano ito sa pintuan. Nagpupumiglas ang beauty queen aktres. Nagulat ang beauty queen nang ibinato umano ang hawak na baso ni forigner sa kanya. Ang ending basang basa ang damit ni beauty queen dahil sa lamang alak na ibinato sa kanyang baso ng kasintahan foriegner.

Nag-iiyak umano si beauty queen actress habang tumatakbo ito palabas. Sobrang napahiya si beauty queen actress kaya minabuti na lang nitonc umuwi sa kanilang bahay. Director’s Cut/Benny Andaya

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply