Solenn, walang dapat iparetoke

DEDMA si Solenn Heusaff kaugnay ng body shaming comments sa kanya ng mga basher na walang ‘butt’ ang TV host-actress.

“Wala akong magagawa, lumabas akong ganito sa katawan ng mommy ko,” sey niya.

Dagdag pa niya, kuntento naman daw siya sa hitsura niya at wala siyang balak na magpa-enhance ng kanyang butt para lamang mapagbigyan ang kapritso ng kanyang mga detractors.

“Kumportable naman ako sa sarili ko. Tapos, lalaki pa iyan pag naging mas matanda na ako o may baby na,” aniya.

Dinadaan na lang daw niya sa mga positibong bagay ang mga namba-bash sa kanya sa social media.

“Alam naman ng mga tao na nagdyi-gym ako everyday. Hindi naman goal ko na malaki ang puwet. Mas gusto ko maging healthy and to have a healthy lifestyle,” hirit niya.

Tinanggap naman niya ang makeup transformation challenge ng costar niyang si Paolo Ballesteros kung saan gagayahin niya ang hitsura ng Eat Bulaga host bilang isang lalake.

“Super hirap siya. Kasi sa make up pa lang, inabot na ako ng dalawang oras,” bulalas niya.

Saludo raw naman siya sa talent ni Paolo bilang makeup transformation king.

“Bilib ako sa kanya. Talo ako kasi ang galing niyang mag-transform from Mariah Carey to Kendall Jenner. Lahat ng shapes ng mukha, ginawa niya,” sey niya.
Excited na rin daw siya sa magiging reaksyon ng mga tao sa gagawing panggagaya niya kay Paolo na ipo-post niya sa kanyang social media account sa April 25.
“Siguradong matatawa sila,” pakli niya.

Kung meron man daw silang naging bonding ni Paolo, ito ay sa dahilang pareho silang mahilig sa make up.

Into painting din ang dalawa kaya nagkakasundo raw sila sa maraming bagay.

Papel ng isang babaeng nabuntis ni Paolo sa kanyang nakaraan ang role ni Solenn sa “My 2 Mommies,” ang Mother’s Day presentation ng Regal Films.

Hindi rin niya ikinaila na napag-uusapan na nila ng kanyang Argentinian husband na si Nico Bolzico ang pagkakaroon ng baby.

“Maybe, next year,” ani Solenn. “Actually, we’ve been talking about it for 3 years. Siyempre, you have to consider a lot of things, iyong schedules, iyong finances. Pag may anak na ako, every year ba ako sa Argentina o 2 months ba ako roon per year. Alam mo naman, may trabaho ako. Hindi ako iyong tipong babae na magha-housewife. So, iyong pagkakaroon ng baby is something that does not need to be rushed in at pinaghahandaan siya,” sey niya.

Mula sa direksyon ni Eric Quizon, kasama rin sa “My 2 Mommies” ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa isang special role sa kanyang pagbabalik-pelikula.
Palabas na sa May 9, kabituin din dito sina Joem Bascon, Dianne Medina at ang bagong child wonder na si Marcus Cabais.  Chikka Pa More/Archie Liao

 

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply