Starlet forever!

GINULAT ni Mark Bautista ang kanyang mga fans at followers sa kanyang bagong naka-post sa instagram na naka-make-up at mahaba ang kanyang buhok ngayon. Tila nga tuluyan ng nagladlad ito at malakas na ang kanyang loob kung ano man ang punahin sa kanya ng madlang people. Gulat din kami ng aming makita ang kanyang larawan na ang suot niyang pang itaas ay tila haltered with matching bow tie sa leeg.

Sabi pa ng aming kaibigan na straight, kung transgender lang itong si Mark ay liligawan niya ito. Gandang-ganda kay Mark itong aming kaibigan na bagong graduate lang sa Letran College. Natawa tuloy kami nang lihim sa tinuran ng aming mga kaibigan. At least merong nagkagusto sa favorite naming singer/actor.

Humirit si Apol as in Apolonia, kahit raw bakla si Mark ay gustong gusto pa rin niya. Ang tanong ng pambansang tagahanga na si Aling Rosenda kay Apol, papatulan ka ba naman ni Mark Bautista sa hitsura mong iyan na para kang si direk na mukhang maton? sabay tawa ni Rosenda.

Balik tayo kay Mark Bautista tungkol sa pinost niyang pix sa ig na kontodo make-up, palagay namin, meron itong gagawing pelikula 0 teleserye na ang gagampanan nitong role ay isang transgender. Hindi naman siguro ginawa niyang mag-make-up na para lang malaman niya kung babagay sa kanya ang naka-mujeres de Cacao siya at maganda ang fez na na make-apan. Isa lang ang nasa isip namin, gagawa ito nang pelikula kaya nagpahaba ng buhok.

-0-

Tunaas ang kilay ni Apol as in Apolomia na hanggang ngayon ayhindi p niya ibinababa nang mabasa daw niya sa isang article sa tabloid na ganire daw ang headline – “Marami ang patataubin na mga baguhang artista sa ngayon ang anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villaruel kung ma-aartista ito!”

Naman! sabi ni Apol, paano niya nasabi ang ganun na wala pa nga itong experience sa acting? Kung fez value ay oke raw at pasado ito. Guwapo as in handsome like his father Zoren.

Pero ang patataubin niya ang mga artistang mga baguhan ay hindi rin kami kumporme. Baka matulad din sa ama nito nang bago pa sa showbiz sagana lang sa publicity kulang ang exposure niya sa movie kaya naging starlet lang ang category hanggang ngayon yata? Ciao Bambino! Memorabilia/Matuk Astorga

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply