Tautuaa, pinagmulta ng P35k

PINATAWAN ng PBA si GlobalPort center Mo Tautuaa ng 1-game suspension, maliban sa P35,000 na multa matapos tadyakan si TNT import Jeremy Tyler sa nakaraan nilang laro.

Matatandaang natalo ang Batang Pier sa KaTropa, 128-114.

Sinasabing sinipa ni Tautuaa sa mukha si Tyler at pinagsalitaan pa umano ito ng hindi maganda o “obscene language.”

Dahil dito, ipinatawag ni PBA commissioner Willie Marcial si Tautuaa sa kanyang tanggapan para magpaliwanag.

Nais din sanang kausapin ni Marcial si Terrence Romeo ng TNT dahil sa reklamo nito sa media laban sa mga referee na nag-ugat sa dalawang dribbling violations na itinawag sa kanya.

Nabatid na hindi umano tumugon si Romeo sa imbitasyon ni Marcial sa kanya. GP/JC

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply