Vice Ganda hirap nang gumalaw humihingi ng dasal

SA kanyang Twitter account, humingi ng dispensa si Vice Ganda sa It`s Showtime last Tuesday dahil naka-schedule siya para magpa-CT scan. “Sorry di ko na natapos ang TnT (Tawag ng Tanghalan). Naka-schedule kasi ang CT Scan ko ngayon ng 4pm so I have to go na to the hospital. Pray for me ha,” tweet ni Vice Ganda.

Ikinuwento pa ni Vice sa birthday special niya noong Monday sa It`s Showtime na naka-schedule siyang magpa-CT scan ng Martes para malaman kung puwede nang tanggalin ang tubo sa katawan niya na dalawang buwan nang nakalagay.

Mahigit isang Linggong nawala si Vice sa kanyang show dahil na iniindang sakit sa tiyan at nang malaman ng mga doctor ay may kidney stone pala ang sikat na komedyante kaya kinailangan siyang ma-confine sa ospital and had to undergo a procedure kung saan nga ay kailangan lagyan ng tubo ang kanyang katawan para raw gumaling.

Ikiwento pa ni Vice na nagpa-ultra sound siya recently para malaman kung okey na siya at puwede nang tanggalin ang tubo.

“Nung inu-ultra sound, excited ako na makuha yung result para mapatanggal, eh hindi pa okay, kaya hindi pa siya tatanggalin,” aniya.

Kaya dalangin niya sana raw sa pagpapa-CT scan niya ngayon ay maging okey na dahil hirap na hirap na raw siya sa sakit.

Sabi pa ni Vice, “Ipag-pray niyo ako para okey na ako. Hindi kasi ako makagalaw. Gusto kong sumayaw, gusto kong harutin si Vhong (Navarro), gusto kong makipagtulakan kay Anne (Curtiz), gusto kong makipaglandian sa inyong lahat, hindi ko magawa kasi kahit sa kalagitnaan ng tawa ko, may nararamdaman ako, yung bumabagsak yung ngiti ko na naaapektuhan yung trabaho ko.

“Kaya sana minsan, you just try to understand, baka akala n`yo umaarte ako, hindi ako sumasama sa opening, nahihirapan ho kasi akong gumalaw.”

May nagsabing manggagamot na bakit kailangan lagyan raw ng tubo ang katawan ni Vice, mayroon naman ibang paraan para matanggal ang kidney stone sa katawan ng tao.

***

A Love To Last ang seryeng itinuturong nagbukas ng pintuan kay Ian Veneracion para matuklasan na magaling din siyang kumanta.

Kuwento nga ni Ian sa presscon ng first major solo concert niya na “Ian in 3 Acts, ay hindi raw siya nag-alinlangan na tanggapin ang offer kung saan hindi lang siya kakanta, siya pa rin ang magiging musician dahil marunong din siyang tumugtog ng instrument.

Hindi rin siya pumayag na ili-lip-synch ang kanyang mga kakantahin at iginiit na siya ang magri-record ng kanta.

May nagduda pero lahat sila ay nagulat dahil may ibubuga sa pagkanta at pagtugtog ng instrument ang isang Ian Veneracion.

Naitsika rin ni Ian nang mag-show siya abroad ay sinsabihan siyang na i-record ang kakantahin at ili-lip-synch niya ito sa mismong palabas.

Natural na hindi siya pumayag at sinabi na kaya niyang mag-live. Napabilib naman niya ang mga nagdududa sa kanyang kakayahan kumanta.

Maging si Sharon Cuneta ay nagulat at hindi makapaniwala na nakakanta si Ian. Sabi tuloy ng Megastar na puwedeng maging recording artist at singer ang actor.

Kuwento pa ni Ian noon bata pa raw siya ay mahilig nang kumanta at tumugtog pero sa bahay lang. At nakikipag-jamming din siya kapag niri-request.

Ngayong mapapatunayan ni Ian ang galing sa pagkanta sa kanyang solo concert na magaganap sa Waterfront Hotel, Cebu City sa darating na April 21. Guest niya sa concert ang mahusay at magaling din singer na si L.A Santos.

***

Second life na nga maituturing ni Ehra Madrigal ang nangyaring akasidente nila ni Bianca Manalo nang tumaob ang bangka sinasakyan at nagpalutang-lutang na mahigit dalawang oras sa dagat.

“God is my savior! My heart is just overflowing with so much gratitude. It was my first time to go inside a church after the accident. Tears started falling in my cheeks while singing “Our Father…” and cried while praying after the communion. I am just really humbled. God`s plans are always perfect! He will never leave us.

“To all our friends who visited us at home, thank you so much. Ang laking tulong talaga. Hindi niyo lang alam. Maraming-maraming salamat. Mahal na mahal ko kayo,” say ni Ehra.

Sa Instagram stories pa rin ni Ehra, ipinakita niya ang medyo sunog pa ring balat sa braso na nakuha sa tatlong oras na pagkakalublob at palutang-lutang sa gitna nang karagatan na that moment ay tirik na tirik ang sikat ng araw.

“Arms are sore for 3 days after the accident. Was holding on to a small thing (Where they put the rope I anchor) and my arms were stretched for 3 hours.
I felt safe holding on to something kasi kung hindi aanurin ka lang.

“Paos and still taking meds cos I have asthma. Will have a chest x-ray and blood tests again later.

“Hi guys I know this is grosss. Sobrang siyang nasunod during the accident,” say pa ni Ehra na ipinakita nga ang nagbabalat na parte ng kanyang katawan. Teka Muna/Gerry Ocampo

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply