Voters education drive sa QC inilunsad

SINIMULAN na ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang malawakang education campaign sa lungsod upang gabayan ang mga botante sa tamang pagboto at pagpili ng kandidato sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Target ni Belmonte at ng Commission on Elections (Comelec) na abutin ang 1.1 milyong registered voters sa lungsod sa pamamagitan ng Quezon City Ugnayan ng Barangay at mga Simbahan (UBAS) Voters Education Campaign.

Ayon kay Belmonte, layunin nito na ituro sa mga botante ang kahalagahan ng pagkakaroon ng “CHAMP” o Clean, Honest, Accountable, Meaningful, and Peaceful elections.

“The key to having a meaningful, fair, honest, and orderly elections is by educating the citizen-voters. Not only they should be made aware of the importance of their rights of suffrage, they should also be guided in choosing their leaders,” pahayag ng bise alkalde sa isang panayam.

Ang UBAS ay programang binuo ng Office of the Vice Mayor, Commission on Elections (Comelec), Department of Interior and Local Government (DILG), Quezon City Police District (QCPD), Schools Division Office (SDO), Quezon City Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) na pinangungunahan din ni Belmonte, Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), at Diocese of Cubao and Novaliches.

Ang Comelec ang tatalakay sa tamang panuntunan sa pagboto sa BSKE at pagpapaliwanag sa mga kaukulang batas tulad ng Republic Act 10742 o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.

Naatasan naman ang QCPD na ituro sa publiko ang mga pinagbabawal na gawain sa eleksyon at sa pagpapanatili ng kaayusan.

Nagsimula na ang UBAS nitong Martes, Abril 24, sa St. Peter Parish sa Commonwealth Avenue na dinaluhan ng may 500 residente ng District 3, at sa San Bartolome De Novaliches Parish kahapon, Abril 25.

Kasama ng ilang resource speakers, nanawagan si Belmonte sa mga botante na piliin ang tamang kandidato.

“Choose the candidate that you can depend on, not the candidate that depends on taxpayers’ money to survive,” pahayag ni Belmonte.

“This is the time when you can flex your muscles and you can ask for services that you deserve because they need your votes to win,” dagdag pa niya.

Aniya, ang karapat-dapat na kandidato ay may tatlong “M”: Matino, Mahusay, at Maasahan.

“How does your candidate decide on most important issues? How does he lead his family and personal life? Does he have a heart for the poor and the underprivileged? These are just some of the important matters voters must seriously think about before casting their votes on May 14,” pagdiin ni Belmonte.

Dagdag pa ni Belmonte, mahalaga rin na tignan ng mga tao ang track record ng tumatakbong kandidato.

Ayon pa kay Belmonte, nais nilang maabot pa ang mas maraming barangay at distrito bago ang BSKE at maipagpatuloy pa ang programang ito hanggang sa May 2019 national and local elections.

Malaking tulong aniya ang UBAS Voters Education Campaign sa Quezon City na base sa Comelec ay may pinakamaraming botante sa Metro Manila noong 2016 na 1,150,342 registered voters.

“A credible election requires the active, critical, and mature participation of the people,” ani Belmonte, “so it is fundamental that the voters be educated properly about the electoral process and most importantly its impact to the nation’s democracy and political stability.”

Gaganapin ang UBAS ngayon, Abril 26, sa Our Lady of Perpetual Help Parish sa Project 8, Barangay Bahay Toro. NENET L. VILLAFANIA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply