VP Leni, malabong maging caretaker ng Malakanyang

MALABO talagang tumayong care taker ng Malakanyang si Vice-President Leni Robredo dumadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa dumadalo ng 32nd ASEAN Summit sa Singapore.

Gaya ng inaasahan, ipinagkatiwala ni Pangulong Duterte kay Executive Sec. Salvador Medialdea ang pangangalaga sa pamahalaan mula Abril 26 hanggang 28 habang siya ay nasa 32nd ASEAN Summit.

Nakasaad sa Special Order No. 371, inaatasan niya si Sec. Medialdea na pangasiwaan ang araw-araw na operasyon ng Office of the President (OP) at tutukan ang pangkalahatang administrasyon ng Executive Department.

Layunin umano nitong hindi maantala ang pagbibigay serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan habang nasa labas ng bansa si Pangulong Duterte.

Inatasan naman ang lahat ng departamento, ahensya at iba pang government instrumentalities na asistihan ang Executive Secretary sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang OIC.

Lahat ng mga gagawin ng Executive Secretary sa ngalan ni Pangulong Duterte ay kikilalaning gawa o aksyon ng pangulo maliban na lamang kung ipawalang-bisa o babaguhin ng pangulo. KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply