Welcome on board, Kris Aquino

“WELCOME on board, Kris Aquino”

Ito ang naging tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ng TV host/ actress na si Kris Aquino kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kabila ng pagsuporta nito kay dating DILG Sec. Mar Roxas na tumakbo sa pagka-pangulo noong 2016 elections.

Sa ulat, naging viral ang pinost ni Kris Aquino sa social media na nagpapahayag ng kanyang pagkadismaya sa television feature story ni Korina Sanchez ukol sa kanyang dating asawang si James Yap.

Sa mahabang post ni Kris Aquino, inilatag nito ang mga dahilan kung bakit napasakamay ni Pangulong Duterte ang posisyon nito ngayon.

Ipinagmalaki pa nito ang naging kabutihan sa kanya ng Pangulo sa tatlong beses niyang pagbisita sa hometown ng Pangulo sa Davao City, ang dalawa mula rito ay nangyari noong 2010 at ang isa naman ay noong 2013 national elections.

Ang pinost ni Kris Aquino ay sinamahan pa nito ng mga larawan nila ni Pangulong Duterte na nanalo noong May 2016 election sa botong 16.6 million votes. 6 na milyong boto ang lamang nito kay Mar Roxas.

Sa kabilang dako, humingi naman na ng paumahin si Kris Aquino sa kanyang kapatid na si dating Pangulong Benigno Aquino III at Mar Roxas.

“I know I’ve unleashed a double edged sword. I will collect my thoughts and try my best to forgive regardless of the fact no remorse has ever been shown. I apologize for including politics, but that is the unfortunate baggage and responsibility of my last name,” ayon kay Kris Aquino.

Sinabi naman ni Sec Roque na “Ang nabasa ko sa statement niya…walang masamang ipinakita si Presidente Duterte sa kanya at sa kanyang pamilya noong nangangampanya siya para sa kanyang kapatid sa Davao. At alam mo yun din ang sinabi sa akin ng Presidente. Si Presidente noong [19]86 Revolution nagsuporta kay Cory at lahat ng kampanya ng pamilyang Aquino suportado ni Presidente Duterte sa Davao and the mother of course of the President.” KRIS JOSE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply