Alessandra, natulala nang halikan ni Piolo sa lips!

HINDI akalain ni Alessandra de Rossi na nanakawan siya ng halik sa lips ni Piolo Pascual.

Hindi makapagsalita at tila natulala pa ang younger sister ni Assunta matapos nakawan ng halik ni Papa P sa labi.

Makikita ang pagkabigla ni Alessandra sa isang demo video na nai-post sa wall ng may Instagram account na @jowenmay05418.

Iminu-muestra sana ni Alessandra ang tamang paraan kung paano kunan ang isang sweet moment with Papa P.

Nag-spiel pa muna si Alex at sinabing, “Para mapapayag mo si Papa P dapat subtle ka lang.”

Tapos, hinawakan ni Alessandra ang mukha ni Piolo at iniharap niya sa kanyang mukha nang sobrang lapit.

Nagtama ang kanilang mga mukha, dito na biglang hinalikan ni Piolo si Alex na hindi na nakaiwas.

Matapos halikan ni Papa P si Alex ay agad itong lumayo na nakangiti. Samantala, naiwan si Alex na natulala habang takip- takip ang kaniyang bibig at nanlaki ang mga mata sa hindi inaasahang mangyayaring paghalik ni Papa P sa kanya.

Bakas na bakas sa mukha ni Alex ang magkahalong gulat at saya at kilig sa ginawang pagnanakaw ng halik ni Papa P sa kanyang labi.

Hindi naman naiwasan ng kumukuha nang video ang matawa dahil sa halip na si Alex ang manggu-goodtime, siya ang nasampolan.

Dahil sa nangyari ay dinagsa ng pangungutya si Alex ng kanyang mga followers na suwerte raw siya dahil nakalibre ng halik mula sa actor.

Ang naturang video ay kuha sa set ng ginagawa nilang teleserye na Since I Found You.

****

Kung si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang tatanungin at tila ayaw nitong maging kapalit na mayor ng Kyusi ang kaniyang vice mayor na si Joy Belmonte sa darating na election. Tapos na kasi ang term ni Mayor Herbert bilang mayor ng Kyusi.

Di nga ba nabalita noon na gustong patakbuhin ni Mayor Herbert si Kris Aquino sa Quezon City para may mabigat na makalaban si Vice Mayor Joy.

Mabuti at hindi pumayag si Dingdong Dantes na maging kapartner ni Vice Mayor Joy sa darating na election para maging bise nito.

Very obvious naman na gusto lang gamitin ang kasikatan ni Dingdong sa kampanya para makatawag sila ng pansin at posibleng manalo nga sa pagka-Mayor si Miss Joy.

Ngayon naman ay matunog ang pangalan ni Willie Revillame para tumakbong Mayor sa Kyusi sa darating na election.

If ever na mahikayat nga si Willie na tumakbong mayor sa Quezon City ay tapos na ang pangarap ng mga kakandidadong mayor sa Kyusi dahil siguradong mananalo si Willie Revillame.

Siguradong nagdarasal ngayon ang mga tatakbong mayor sa Kyusi na hindi pumayag si Willie para magkaroon sila ng pag-asa na manalo sa election.

As of now ay balitang pinag-iisipan pa raw ng mabuti ni Willie kung papasukin na rin ang politics.

****

Gusto lang naming itama ang ginawang balita sa isang dating sexy star na nahulihan ng pinagbabawal na gamot.

Ang pangalan ng sexy star ay Kat de Santos na ang unang naging screen name sa showbiz ay Pam Lacson.

Hindi po siya member ng Baywalk Bodies, dati po siyang member ng D Bodies.

Natawa at hindi nagustuhan ng dating manager ng Baywalk Bodies na idamay ang pangalan ng kaniyang grupo ng sexy dancers.

“Hindi po siya member ng Baywalk Bodies,” say ng manager ng grupo ng mga sexy dancers.

Sana raw siguruhin muna mabuti ang ibabalita bago ibalita sa telebisyon at radio.  Teka Muna/Gerry Ocampo

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply