Ano ipapatanggal ni Aiza, keps o suso?

HINDI sinabi sa interview kay Liza Dino kung ano ang ipatatanggal ni Aiza Seguerra sa kanyang katawan para malubos ang pagiging astig nito. Tila hindi pa kuntento si Aiza sa mga tattoo nito sa katawan para masabing miyembro na siya ng lahi ni Adan kaya plano nitong ipaalis ang kanyang suso o keps. Alin kaya sa dalawa?

Kung magala-Jake Zyrus siya, boobsina lang niya ang ipapabaklas niya. Hindi rin naman tanga ang dating chairperson ng Youth Commission para ipaalis ang ari niya dahil wala namang maipapalit dito kundi ang sinasabi nilang goma na wala namang mararamdaman kapag nakikipagtalik. At kapag natanggal na hindi na ito maibabalik.

Naghahanap na rin daw sina Liza at Aiza ng sperm donor para magkaroon sila ng anak. Foreigner daw ang gusto nila at kailangan matangkad. Ang una ang magiging surrogate mother. Pero balitang magko-contribute raw si Aiza ng egg cells. Pwede ba yon?

MIGUEL TANFELIX, PINAIYAK NA NAMAN NI BIANCA UMALI

Nalaman na sa wakas ni Diego (Miguel Tanfelix) ang katotohanang hindi si Crisan (Bianca Umali) ang nasa katawan nito kundi ang kakambal nitong si Crisel (Pauline Mendoza). Nagkaharap-harap na silang lahat dahil nagtangka si Crisel na gilitan ng leeg ang katawan ng kakambal niya. Pinigilan siya ng mga kaibigan at pamilya nila pero dama pa rin ang poot sa puso ni Crisel.

Tumatak naman sa amin ang performance ni Miguel kung saan humingi siya ng tawad kay Crisan na nasa katawan naman ni Cheska (Kyline Alcantara). Dito,

nagpakitang gilas ulit si Miguel sa lalim ng kanyang pag-arte dahil tagos sa puso ang mga linyang binitawan niya. Nakakabilib ang pag-arte ni Miguel dahil nangungusap ang mga mata niya habang umiiyak. Paano na kaya masosolusyunan ang problema ng magkapatid? Mauwi nga kaya sa patayan ito?

PAGA-ASAWA NI SARAH, KAILANGAN NG BASBAS NI MOMMY DIVINE

Nakadepende pala kay Mommy Divine ang paga-asawa ni Sarah Geronimo.

Ito ang sinabi ni Sarah matapos sabihan ng isang audience sa kanyang concert sa US na mag-asawa na ito.

Aniya, kung gusto raw nila na lumagay na siya sa tahimik, dapat muna nilang kausapin ang kanyang nanay.

Pabiro pero ito ang totoo dahil kitang-kita naman kung gaano kahigpit si Mommy Divine kay Sarah. Bagama’t pinapayagan siyang sumama kay Matteo Guidicelli, may tao raw na pinasasama si madir para subaybayan ang galaw ng dalawa.

Nakasara na rin palagi ang dalawang restaurant ni madir sa Mindanao Avenue dahil sa kabubuntot na naman sa kanyang anak.

Marami ang nagsa-suggest na kung gusto ni Mommy Divine na bomongga ang kita nito sa kanyang negosyo, dapat na niyang gamitin ang pangalan ng kanyang anak habang kasikatan pa nito.

Kung anu-ano kasing pangalan ang ginagamit eh, andyan si Sarah na hindi naman maghahabol kung gagamitin niya ang pangalan nito. Ang tagal-tagal na ng kainan niya at nakailang palit na ng pangalan pero flop pa rin. Sayang lang ang kanyang puhunan kung magpapakaplastik pa siya.

GABBI GARCIA, MARAMI NANG NA-ACCOMPLISH NGAYONG TAON!

Hindi pa nangangalahati ang taon, nakakarami na si Gabbi Garcia sa kanyang bucket list.

Ayon sa Kapuso teen star, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ngayong taon ang kanyang pamilya at ang pagta-travel. Bukod kasi sa pag-aaral, busy rin si Gabbi sa kanyang mga international projects.

Kamakailan, inenjoy niya ang work and play sa Thailand, at pinadala rin siya ng Maybelline sa London para sa isang event doon. Isa rin siya sa mga umattend para sa pagpapakilala ng bagong collection ng Louis Vuitton at pak na pak ang lahat ng outfit niya sa bawat event!

Nababalanse ni Gabbi ang work, play, at studies dahil naisingit niya ang saglit na bakasyon sa Singapore nito lang nakaraang linggo. Bagay na bagay siya sa segment ng 24 Oras na ‘BakasiyoniStar’ dahil kabisado na ni Gabbi ang tips and tricks sa pagta-travel!

For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 11:00-12:00 midnight, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK! PAPAK!/ABE PAULITE

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply