Federer balik sa No. 1 spot

TULUYAN nang nakabalik sa number 1 spot sa buong mundo si Roger Federer.

Ito ang lumabas sa pinakahuling ATP rankings kasunod ng surprise quarter-final exit ni Rafael Nadal sa Madrid Masters.

Magugunitang dati nang nasa top spot si Federer pero naagawan siya ng puwesto ni Nadal bunga ng sunod-sunod nitong panalo simula noong Marso.

Subalit nang malugmok si Nadal sa kamay ni Dominic Thiem sa Madrid ay naibalik kay Federer ang naturang titulo.

Nadupilas naman si dating world No. 1 Novak Djokovic mula sa sixth place patungong 18th nang matalo rin ito sa second round ng Madrid Open. GP/JC

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply