Maguindanao, niyanig ng magkakasunod na lindol

Niyanig ng magkakasunod na lindol ang bayan ng Buldon sa lalawigan ng Maguindanao, Miyerkules (May 16) ng umaga.

Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.0 na lindol sa 12 kilometers north ng Buldon alas 7:31 ng umaga.

1 kilometer lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Samantala, alas 8:02 ng umaga tumama naman ang magnitude 3.2 sa nasabi pa ring bayan.

Ang epicenter ng ikalawang pagyanig ay naitala sa 3 kilometers south ng Buldon.

9 kilometers naman ang lalim ng ikalawang lindol at tectonic din ang origin.

Ang ikatlong pagyanig ay naitala ng Phivolcs ganap na alas 8:31 ng umaga.

Magnitude 3.3 naman ang ikatlong lindol at ang epicenter nito ay sa 7 kilometers north sa bayan ng Buldon.(Johnny Arasga0) Maguindanao, niyanig ng magkakasunod na lindol

About Dennis Paule

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply