Mommy D. may sorpresa kay Pacman

HINDI man nakasama ni Mommy Dionisia Pacquiao ang anak na si Sen. Manny sa kanyang 69th birthday kahapon, nakatanggap naman ito ng sorpresang regalo.

Ayon sa insider, pagkatapos bomoto kahapon, binati na ni Sen. Pacquiao ng “Happy Birthday” ang ina at sinabing hindi ito makakapunta sa birthday celebration nito.

Sa isang mountain resort sa lungsod ng General Santos ginanap ang bonggang birthday party ni Mommy D kasama ang mga malalapit na kaibigan at kamag-anak.

Ayon sa kwento, napaluha sa saya si Mommy D sa ibinigay na regalo sa kanya ng anak at misis nitong si Jinkee na isang Super Grandia van at Louis Vuitton (LV) bag kung saan kasama pa nitong nag-shopping ang manugang last week.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply