SAP Bong Go, isusulong ang job opportunity sa Araw ng Paggawa

ISUSULONG ng Malakanyang ang mga job opportunity sa paggunita ng International Labor Day.

Layunin nito na tuluyang lipulin o wakasan ang kahirapan ng mga mamamayang filipino lalo na iyong walang hanapbuhay o tambay.

Sinabi ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher ‘Bong’ Go na handa siyang i-explore at isulong ang livelihood at job opportunity upang kagyat na matugunan ang pangangailangan ng mga filipino na aktibo at walang pagod na naghahanap ng trabaho.

Sasamahan ni Go si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagdiriwang ng Labor Day, bukas sa Mabolo, Cebu City.

Bukod kay Go, sasamahan din nina Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Belo III, Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, Executive Secretary Salvador Medialdea at iba pang pangunahing government officials si Pangulong Duterte sa IEC3 Convention Center sa Cebu para sa Labor Day activities.

Ang pangunahing highlight ng nasabing okasyon ay Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) Job and Business Fair ay alok na trabaho at pangkabuhayan ng ba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

“On Labor Day, our fellow kababayans will have the chance to apply for the jobs they are suited for at different agencies and institutions which will present at the event in Mabolo City,” ani Go sabay sabing “Daghan kaayo na oportunidad ang umaabot para mahatagan ug bag-ong panginabuhi ang atoang mga igsoon.”

Base sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang employment rate para sa January 2018 ay pumalo sa 94.7 percent na masasabing tumaas ng bahagya mula sa 93.4 percent na naitala para sa nakaraang taon.

“Sukad nahimong presidente si President Duterte, taas ang ato-ang employment rate and ang ato-ang goal is to make each and every Filipino get a job so they can provide for their family,” ayon pa rin kay Go.

Samantala, bukod sa job fair, ang Labor Day celebration sa Mabolo, Cebu ay kabibilangan din ng awarding ng livelihood projects, isang special program para sa pagta-trabaho ng mga estudyante at government internship program. KRIS JOSE

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply