The post FLOOD CONTROL SCAM TULUYANG KAKALAT (2) first appeared on Remate Online.
]]>Nangyayari ito sa pamamagitan ng internet na dinadaluyan ng balita ng lokal at internasyunal na media, kasama ang media ng iba’t ibang religious group na nakakalat sa buong mundo.
Kasama sa mga religious group na may international media ang Simbahang Katolika, Iglesia ni Cristo, grupong Muslim, Kingdom of Jesus Christ, Protestanteng grupo at iba pa.
Hindi man natin nabanggit, kasama rin sa nagpapakalat mismo ang media ng Malakanyang bagama’t laman nito karaniwan ang mga denial o pagpapabulaan ng mga opisyal ng Malakanyang at iba pang opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagkakasangkot nila sa katiwalian.
MGA KASONG ISASAMPA
Dahil nga sa paglalabas nang lantaran sa Senado sa ilalim ng Senate Blue Ribbon Committee sub-committee sa ilalim ni Senator Rodante Marcoleta ang malakihan at mamalawakang kikbakan, halos lahat ng mga isinangkot dito ang balak na magsampa ng mga kaso, kabilang na ang ordinaryong libel o kaya’y cyber libel.
Ito’y bukod sa pagpapabulaan nila internet, print media, broadcast media at social media sa mga bintang sa kanila na sangkot sila sa kikbakan.
Lumilitaw na kahit ang mga nakatanggap lang umano ng mga bag-bag na kikbak at hindi male-maleta, magsasampa umano sila.
Siyempre pa, kasama sa mga magsasampa umano ang mga nakaupong kongresman, dating senador at iba pa.
Sasampahan nila ng mga kaso ang 18 Marines at sundalo at abogado nito na si Atty. Levito Baligod at posibleng madamay rin si dating Congressman Mike Defensor.
Siyempre pa rin, isasama na rin nilang sampahan maging ang mga senador na nagsagawa ng imbestigasyon at posibleng mga tauhan ng mga ito na tumulong sa pagpapalabas sa mga diaryo, broadcast media, social media at iba pa ukol sa lumabas na resulta ng imbestigasyon.
Tiyak ding sasabay ang pagsasampa ng mga kaso sa korapsyon at pandarambong.
MAGTATAGAL, SUSUBAYBAYAN
Pagsampa ng mga kaso, tiyak na susubaybayan ng media, taumbayan at mundo ang mga ito.
Kung may katotohanan ang mga paratang o wala, magiging balewala sa proseso.
Bawat hakbang sa imbestigasyon sa Office of the Ombudsman, National Bureau of Investigation, Philippine National Police, Department of Justice at iba pang ahensya, susubaybayan ‘yan ng lahat.
At lalong susubaybayan ang mga kaso kung maisasampa sa mga hukuman, kabilang na ang Regional Trial Court at Sandiganbayan.
Maaari ring may magsasampa ng ibang mga kaso, gaya ng disbarment na saklaw naman ng imbestigasyon ng Integrated Bar of the Philippines hanggang sa makarating ito sa Office of the Court Administrator at Supreme Court mismo.
Dahil magtatagal ang mga imbestigasyon at paglilitis hanggang sa makarating sa Supreme Court, magiging walang katapuan ang pagsubaybay ng media, taumbayan at mundo.
Kahit pa matatapos ang mga kaso na posibleng may mga maabswelto o mapatunayang guilty, tiyak na susubaybayan pa rin ang mga ito lalo’t may koneksyon ito sa panunungkulan sa pamahalaan at mga halalang darating.
The post FLOOD CONTROL SCAM TULUYANG KAKALAT (2) first appeared on Remate Online.
]]>The post OMB MOTU PROPRIO INVESTIGATION SA REBELASYON NG 18 MARINES PROBE first appeared on Remate Online.
]]>Bukod sa mga kongresman, may mga senador din at kahit ang First Family na idinamay at iba pa, gaya ni dating Senador Antonio Trillanes at Fr. Flavie Villanueva.
Kung matatandaan, hindi gaanong pinansin mismo ni Ombudsman Boying Remulla ang isinampang kaso ng mga sundalo, kasama ang abogado nila si Atty. Levito Baligod, dahil hindi umano pupwedeng grupong affidavit ang isusumite ng mga sundalo.
Maliwanag na dapat indibidwal ang mga sinumpaang salaysay na naglalaman ng mga personal na kaalaman, karanasan at gawa ng mga sundalo.
Kung may grupo man, dapat may malinaw na may personal na kaalaman, karanasan at gawa pa rin ng mga indibidwal sa grupong gawain gaya, halimbawa, ng pagiging tsuper, tagabilang ng kuwarta at taga-deliber ng male-maleta sa mga isinasangkot sa kikbakan.
Sa naganap na imbestigasyon nina SBRC subcommittee chairman Dante Marcoleta na sinamahan nina Sen. Imee Marcos, SBRC chairman Pia Cayetano, Senate President Alan Peter Cayetano at iba pang mga senador, lumitaw ang mga indibidwal na personal na kaalaman, karanasan at ginawa ng mga sundalo sa pagdedeliber ng male-maletang salapi sa mga isinangkot nilang mangingikbak.
Sa ngayon, may kontrobersya sa ligalidad ng ginawang imbestigasyon dahil sa agawan ng kapangyarihan sa liderato ng Senado.
Ngunit may napakaimportanteng bagay na dapat gawin ng Ombudsman, bilang tungkulin nito sa gawain nito laban sa kurakutan o pang-aabuso sa kapangyarihan.
Walang iba kundi ang pagpapairal ng ‘motu proprio’ na imbestigasyon kahit usok lang ang lumilitaw sa mga nabanggit na krimen.
Maasahan ba natin ang Ombudsman, motu proprio, na mag-imbestiga at magsampa ng kinauukulang kaso sa Sandiganbayan kung positibo ang imbestigasyon nito?
The post OMB MOTU PROPRIO INVESTIGATION SA REBELASYON NG 18 MARINES PROBE first appeared on Remate Online.
]]>The post PALACE ‘SALESMAN’ AT ‘OPM’ SA CUSTOMS first appeared on Remate Online.
]]>Gusto nating maniwala na sa natitira pa nitong halos dalawang taon sa poder bago tuluyang bumaba sa Hunyo 2028, may panahon pa para “maglinis ng bakuran.”
Halimbawa, alam kaya ni PBBM at Executive Secretary Ralph Recto na tuloy pa rin ang “bentahan” mga sensitibong posisyon sa gobyerno na kailangan ang pirma ng ating Presidente?
At ang “pasimuno” umano ay isang ‘Palace Undersecretary’ na dati ring nasa ‘Office of the Executive Secretary’ pero nasa ibang opisina na ngayon matapos ang sapilitang pagbibitiw ni ES Lucas Bersamin noong isang taon.
Teka, hindi ba ganito rin ang isa sa mga bintang noon kay dating ES Vic Rodriguez para lang pwersahin siyang umalis sa pwesto? Mantakin ninyo, inalis siya dahil sa intrigang ito pero nangyayari pa rin pala ngayon, hehehe!
“Personal” daw na “malapit” sa isang makapangyarihang babae sa Palasyo at personal din umano niyang kilala si ‘Mr. Palace Salesman’ kaya siguro malakas ang loob na ipagpatuloy ang kanyang ‘mini-racket’ sa tanggapan ni ES Ralph.
Hmm. Bilang beteranong pulitiko, dapat alam ni Recto na hindi lahat ng ‘appointment’ na pinapipirmahan sa kanya ay nakabatay sa merito dahil ‘yung iba, comes with a price tag.’ Kung hindi naman niya alam? Aber, malinaw na “nagamit” na siya, “nabukulan” pa, aww, sakit!
Alam din kaya ni PBBM na isa sa mga ‘appointees’ niya sa BOC, ‘OPM’ ang kantyaw ng ilang miron? ‘Yun bang… ‘Oh Promise Me’ ang alam lang (daw) gawin.
‘For proper context,’ wika, may pinasok siyang transaksyon sa dati niyang pwesto sa halagang P2 milyon.
Sumbong ng mga miron, natanggap niya ang pera pero ang transaksyon, hindi na natuloy at pulos “pangako” na lang ginagawa ngayon. Aba’y, ‘OPM’ nga, hehehe!
Abangan!
The post PALACE ‘SALESMAN’ AT ‘OPM’ SA CUSTOMS first appeared on Remate Online.
]]>The post CFO, PAO UNITE TO PROTECT FILIPINO MIGRANTS FROM TRAFFICKING first appeared on Remate Online.
]]>Both CFO Secretary Dante Francis ‘Klink’ Ang II and PAO Chief Persida Rueda-Acosta hailed the initiative as they signed the memorandum of understanding held at the latter’s central office in Quezon City.
Ang cited the significance of his agency’s partnership with PAO as he noted that Filipino migrants have been confronted with various concerns and problems resulting from migration and inter-country marriage that require legal representation, assistance, and counseling.
Ang and Rueda-Acosta said the collaboration between the two government agencies would be the start to institutionalize their cooperative efforts, utilizing resources, and capacities to assist the families of Filipino migrants, through free legal services.
Under the MOU, Ang said the CFO would refer to PAO, for appropriate legal assistance and/or representation, the victims or suspected victims of human trafficking referred by or received through the 1343 Actionline and such other clients seeking legal assistance through other CFO channels.
The cases that may be referred by CFO to PAO include trafficking in person, illegal recruitment, violation of the Anti-Mail Order Spouse Act, violence against women and children, among others.
Janet Ramos, CFO-Emigrant Services chief officer, said the CFO is expected to assist PAO for the proper case build-up of the referred cases and “whenever applicable and appropriate, promote projects and initiatives of PAO.”
For its part, PAO, mandated to extend free legal assistance to indigent persons, would make court appearances or representations for cases involving Filipino migrant clients referred by the commission, among others, Deputy Chief Ana Lisa Soriano said.
“In instances where the client does not meet the qualifications for legal representation, the PAO shall endeavor to provide initial legal advice,” Soriano said.
Ramos and Soriano have been designated as point persons to facilitate the implementation of the MOU.
CFO is an Inter-Agency Council Against Trafficking permanent member and is under the Office of the President.
The post CFO, PAO UNITE TO PROTECT FILIPINO MIGRANTS FROM TRAFFICKING first appeared on Remate Online.
]]>The post KAPAG MALINAW BATAS, BAKIT IBA-IBA INTERPRETASYON NG MGA ABOGADO first appeared on Remate Online.
]]>Ang sabi ng titser “kapag may dalawang sampung(10) piso ka, bale bente (20) pesos, at bumili ka ng kendi na limang (5) piso. Magkano ang sukli mo?
Marami sa mga estudyante ang sumagot ng kinse (15) pesos kasi nga bente pesos ang pera at limang pisong binili ang nabawas.
Pero, isang estudaynte ang sumagot na lihis sa iba. Ang sabi nitong mag-aaral “Mam, limang piso po ang sukli.
Syempre, marami ang nagtaka at nagtanong ng bakit?
Kasi limang piso lang ang kendi. Natural isang sampung piso lang ibabayad ko. Bakit ko pa ibabayad yung isang sampung piso? Kaya naman iyong pupil o estudyante ay naging abogado.
Parang ganyan ang debate sa quorum sa Senado.
Pero malinaw sa karaniwang tao ang MAJORITY OF ALL MEMBERS OF THE SENATE, 24 Senators therefore 13 senators are considered the majority.
Sabi naman ng kabila ay 22 na lang ang senators dahil nakakulong si Jinggoy at nawawala si Bato.
Pero sinabi ba ng Saligang Batas na pagnakakulong ay hindi na senador? O kapag nagtatago hindi na senador?
Kapag nakakulong dapat itanong natin kay Sen. De Leila lima at Sen. Antonio Trillanes. Kapag nagtatago dapat ay itanong natin kay Senator Ping. Lacson.
Sa ordinaryong tao simple ang math. Pero kapag pulitika na at kapangyarihan ang pinag-uusapan humihirap na ang kwentahan. Syempre ang gusto ng nasa kabila ay sila ang maging makapangyarihan.
Siguro mas madali pa pagdesisyunan yung pera sa maleta dahil doon wala ng bilangan kundi taryahan na lang.
The post KAPAG MALINAW BATAS, BAKIT IBA-IBA INTERPRETASYON NG MGA ABOGADO first appeared on Remate Online.
]]>The post MGA ARAW NG ULAN AT ARAW NG BAHA first appeared on Remate Online.
]]>Kamakailan, inamin ng Malacañang na hindi nito matitiyak ang isang panahong walang baha. Sa halip, ang pangako ay mas mabilis na paghupa ng tubig, mas maayos na drainage system, at patuloy na pagsisikap ng mga ahensya upang mabawasan ang pinsala. Ngunit sapat ba ito para makumbinsi ang publiko?
Ang tunay na dapat sana’y matagal nang nasugpo ay ang korapsyon, kapabayaan, at padrinong pulitika na nagpayaman sa mga proyekto ng flood control. Sa loob ng maraming taon, daan-daang bilyong piso ang ginastos ng iba’t ibang administrasyon at opisyal para sa flood mitigation. Ngayon, gumagastos muli ang gobyerno upang habulin ang mga nagbulsa ng pondo.
Bagama’t mahalagang papanagutin ang mga tiwali, may kapalit ito. Dahil nakapirmi ang ilang pondo bunsod ng mga anomalya, nananatiling lantad sa pagbaha ang maraming komunidad. Sa Metro Manila, ang problema ay bunga ng dekada ng mahinang pagpaplano na sinabayan pa ng heograpiya at pagbabago ng klima.
Ano na ang nangyari sa ₱352-bilyong Metro Manila Flood Management Master Plan na inilunsad noong 2012? Makalipas ang mahigit isang dekada, marami sa mga proyekto nito ang hindi pa rin tapos o naantala, habang patuloy ang magastos na dredging at declogging bilang pansamantalang solusyon.
Ayon kay Dr. Mahar Lagmay ng Project NOAH, hindi sapat ang dagdag na imprastraktura laban sa baha. Kailangan ng mas matalinong pamamahala: pangangalaga sa watershed, paglikha ng detention basins at green spaces, pagbibigay-laya sa mga ilog, at pagtingin sa drainage bilang isang magkakaugnay na sistema.
Ayon sa ulat, maaaring umabot sa ₱7.6 trilyon ang mawawala sa ekonomiya ng bansa mula 2022 hanggang 2050 kung hindi maaayos ang problema sa baha. Sa halos 20 bagyong pumapasok taon-taon at sa tumitinding epekto ng klima, malinaw na hindi na sapat ang lumang paraan tulad ng dike at pumping stations.
Ang hamon ngayon ay para sa pambansang pamahalaan, lokal na yunit, at pribadong sektor na magtulungan. Hindi na dapat paisa-isang proyekto, kundi isang komprehensibong plano para sa flood resilience: maayos na drainage, retention ponds, rehabilitasyon ng watershed, green infrastructure, at mas mahusay na urban planning.
Hangga’t hindi nagiging isang koordinadong pambansang misyon ang flood control, mananatiling bahagi ng buhay ang baha. At sa bawat tag-ulan, kailangang ihanda ng mga magulang ang kanilang mga anak — hindi lamang sa akademya, kundi sa pagharap sa mga bunga ng pagkukulang ng pamahalaan.
* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).
The post MGA ARAW NG ULAN AT ARAW NG BAHA first appeared on Remate Online.
]]>The post PAG-IBIG FUND, PINALAWAK ANG FINANCING TERMS PARA SA LOW AT MIDDLE-INCOME HOMEBUYERS first appeared on Remate Online.
]]>Sa ginanap na opisyal na pagbisita sa Lipa, Batangas, ipinaliwanag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang kanilang ahensya ay gumagawa ng mga konkretong hakbang upang matiyak na hindi mabigat sa bulsa ang magkaroon ng bahay.
Bilang halimbawa, ang socialized housing component ng Nuvista Homes Lipa na ‘Solida’ house model ay nagkakahalaga lamang ng P950,000. Dahil sa 3 percent subsidized interest rate sa ilalim ng Expanded 4PH Program, ang buwanang amortization o hulog ng isang kwalipikadong borrower ay maaaring bumaba nang hanggang P4,005 na lamang.
Bukod sa pabahay para sa mga low-income families, binisita rin ng mga opisyal ang Idesia, isa pang proyekto ng P.A. Properties sa Lipa. Ang proyektong ito ay nag-aalok ng mga mas malalaking yunit na nagkakahalaga mula P3.5 milyon hanggang P7 milyon.
Ayon sa pamunuan, maaari na ring pondohan ng Pag-IBIG ang mga ganitong uri ng ari-arian sa open market matapos itaas ng ahensya ang maximum housing loan amount nito mula sa dating P6 milyong piso tungo sa P10 milyong piso bawat borrower.
“Ang bawat pisong natitipid ng ating mga miyembro mula sa kanilang buwanang bayad sa pabahay ay napakalaking tulong.
Magagamit nila ito para sa pagkain, edukasyon ng mga bata, bayad sa kuryente at tubig, kalusugan, at iba pang pang-araw-araw na gastusin ng pamilya,” ani Acosta.
Binigyang-diin pa ng CEO na ang mga programa ng Pag-IBIG Fund ay sadyang idinisenyo para sa lahat, mula sa mga pamilyang nangangailangan ng socialized housing hanggang sa mga middle-income workers na naghahanap ng mas malalaking bahay. Sa pamamagitan ng mababang interes at mahabang repayment terms, nagbibigay ang ahensya ng isang praktikal at makatotohanang landas para sa bawat manggagawang Filipino.
The post PAG-IBIG FUND, PINALAWAK ANG FINANCING TERMS PARA SA LOW AT MIDDLE-INCOME HOMEBUYERS first appeared on Remate Online.
]]>The post FLOOD CONTROL SCAM TULUYANG KAKALAT first appeared on Remate Online.
]]>Hindi lamang sa hanay ng mga nakapanood sa aktuwal na imbestigasyon dito sa Senado kundi maging sa mga kaibigan, kakilala at kamag-anak ng mga naroon.
Sa rami ba naman ng mga marites sa Pinas.
Buong mundo ang tuluyang makaaalam sa pinakamalaking nakawan sa pondong bayan na nagkakahalaga ng nasa P1.3-P1.7 trilyon.
Magpapatuloy na susubaybay ang mundo sa nakawan na nasimulan nang ibuking ni Senator Imee Marcos ang pagiging adik ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos sa isang dambuhalang pagtitipon sa Rizal Park noong Nobyembre 17, 2025.
Isa sa mga palatandaan ng pagsabog o pagkalat ng balita ang pagkansela na mismo ng United States sa diplomatic at passport visas ni dating Speaker Martin Romualdez.
Naganap ito isang araw o Hunyo 5, 2026 makaraan ang pagpapakita ng 18 sundalo sa Senado nitong Hunyo 4 para sa nasabing imbestigasyon.
PINOY AT DAYUHAN
Kapag sinasabi nating kalat na kalat at lalong kumakalat ang iskandalo, hindi lang natin tinutukoy ang hanay ng mga Filipino.
Nasa 12 milyong Pinoy ang nasa labas ng bansa na lumalabas na may real time na balita ukol sa iskam na hindi lang simula noong magkaroon ng imbestigasyon sa Senado sa ilalim ni Senate Blue Ribbon Chairman sub-committee chairman Sen. Rodante Marcoleta na sinamahan nina SBRC chairman Sen. Pia Cayetano, Sen. Imee Marcos, Sen. Robin Padilla, Senate President Alan Peter Cayetano.
Ang ibang mga bansa, ibang mga dayuhan, alam na alam din nila ang nagaganap.
Bukod sa pagkansela ng US sa diplomatic at tourist visa ni Romualdez, natalo rin ang Pinas sa kandidatura nito na katawanin ang Asia-Pacific Region sa United Nations Security Council.
Akalain mo, 49 lamang ang botong nakuha ng Pinas habang nakuha ng Kyrgyztan ang 142 boto.
Inamin mismo ng Malakanyang, sa anunsyo ni Palace Press Officer Claire Castro, na ang kaguluhan at ingay sa Senado na nag-ugat sa flood control scandal ang dahilan ng pagkatalo ng Pinas.
Dito, hindi lang daang ibang bansa o dayuhan kundi daan-daang milyon dayuhan ang nakaaalam sa mga nagaganap.
INTERNATIONAL MEDIA AT PROTESTA
Walang boundary ang internet na daluyan ng mga balita.
Sa internet ipinalalabas ng mga lokal at international media na nakaistasyon sa Pilipinas ang mga balita.
May iba pang mga international media sa ibang mga bansa na nagbabalita rin gaya ng mga diaryo at social media sa Japan na kumober sa mga protesta laban kay Pangulong Bongbong kamakailan dahil din sa flood control scandal.
Naririyan din ang mga international media ng mga grupong panrelihiyon na may mga sangay sa iba’t ibang bansa.
Ganyan katindi kung paano kumakalat ang mga balita sa kabulukan sa Pilipinas.
At nakatatakot isipin ang mga ibinubunga nito gaya ng pagtumal ng pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansa sa kapital man o sa pagtatayo ng mga pagawaan na sana’y makatulong laban sa kawalan o kakulangan ng empleyo sa bansa at puhunan para sa mga programang pambayan.
The post FLOOD CONTROL SCAM TULUYANG KAKALAT first appeared on Remate Online.
]]>The post OMBUDSMAN MASUSUBOK SA 18 MARINES first appeared on Remate Online.
]]>Matatandaang nauna nang nagsampa ng kaso sa OMB ang mga sundalo ngunit hanggang ngayon, wala pang malinaw na aksyon ang ahensya.
Isa sa mga hinahanap ni Ombudsman Boying Remulla na malinaw ay ang indibidwal na salaysay ng mga sundalo o kung grupo man, may aktwal na personal na kaalaman, karanasan at ginawa kaugnay ng kanilang salaysay.
Hindi umano pupwede ang joint affidavit.
Ngayon naman, maliwanag na ni-require nina Senate Blue Ribbon Committee sub-committee Chairman Senator Rodante Marcoleta at Senate President Alan Peter Cayetano ang mga sundalo na dapat magsalita lang ukol sa personal nilang nalalaman, karanasan at ginawa ng mga sundalo.
At ginawa naman nila iyon.
Sakaling matapos ang mga hiwa-hiwalay o grupong affidavits na naglalaman ng salaysay ng mga sundalo at ipasasakamay na nina Marcoleta at SP Cayetano ang resulta ng imbestigasyon at mga salaysay, ano na kaya ang magiging desisyon at aksyon ng OMB dito?
Sakaling magpatuloy pa ang imbestigasyon at may madadagdag pang mga saksi sa katiwalian gaya ng posibleng pagsali ni dating Congressman Zaldy Co at mga tauhan niya katulad ni Mark Ticsay na tagabilang ng salapi bago madeliber ang male-maletang kikbak sa mga isinasangkot na opisyal ng gobyerno, ano nga kaya ang gagawin ng OMB?
Paano naman kung walang gagawin ang OMB at ang mga oposisyon lang sa administrasyon ang madali nitong aksyunan, gaya ng obserbasyon ng marami?
Ang masasabi lang natin kung mangyayari ‘yan, may iba pang hukuman at kabilang na riyan ang tinatawag na hukuman bayan at nasa labas ng OMB ngunit nasa loob pa rin ng ligal at konstitusyonal sistemang pangkatarungan.
The post OMBUDSMAN MASUSUBOK SA 18 MARINES first appeared on Remate Online.
]]>