Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Fri, 26 Apr 2024 10:32:18 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.5.2 Walkways, bicycle lanes, prayoridad sa transport infrastructure – DOTR https://remate.ph/walkways-bicycle-lanes-prayoridad-sa-transport-infrastructure-dotr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walkways-bicycle-lanes-prayoridad-sa-transport-infrastructure-dotr https://remate.ph/walkways-bicycle-lanes-prayoridad-sa-transport-infrastructure-dotr/#respond Fri, 26 Apr 2024 11:38:15 +0000 https://remate.ph/?p=563968 MANILA, Philippines – Nanatiling prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) ang pedestrian-oriented spaces tulad ng walkways, bicycle lanes sa aktibong transport infrastructure sa ilalim ng Marcos administration. Sa pahayag, sinabi ng DOTr na non-motorized transport (NMT) gaya ng cycling at walking gayundin ang paggamit ng light electric vehicles (LEV) ay isinusulong alinsunod sa National Transport […]

The post Walkways, bicycle lanes, prayoridad sa transport infrastructure – DOTR first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nanatiling prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) ang pedestrian-oriented spaces tulad ng walkways, bicycle lanes sa aktibong transport infrastructure sa ilalim ng Marcos administration.

Sa pahayag, sinabi ng DOTr na non-motorized transport (NMT) gaya ng cycling at walking gayundin ang paggamit ng light electric vehicles (LEV) ay isinusulong alinsunod sa National Transport Policy (NTP) at Philippine Development Plan 2023-2028 (PDP).

Ito ay sa gitna ng matagal nang panawagan ng mga pampubliko at aktibong transport commuter na magkaroon ng mas magandang karanasan sa pag-commute sa pamamagitan ng pagsulong para sa pinalawak at mas ligtas na mga walkway at bike lanes, lalo na sa mga national roads.

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na napapag-isipan na ang pagtanggal sa mga bicycle lanes sa EDSA at ikinokonsidera ang ekslusibong motorcycle lane dahil sa maliit na bilang ng mga gumagamit ng biskleta.

Ang bicycle lanes sa EDSA at iba pang thoroughfares ay karaniwan noong panahon ng pandemic lockdowns noong 2022 dahil lumipat sa cycling ang mga commuters bilang alternatibong mode of transport.

Sa ilalim ng NTP at PDP, ang pedestrians at NMTs ay ang mas prayoridad sa hierarchy ng mga gumagamit ng kalsada at nag-uutos sa gobyerno na unahin ang pagpapaunlad ng aktibong imprastraktura ng transportasyon.

“The program is expected to gain momentum after President Ferdinand Marcos Jr. announced that the national government should prioritize active transport facilities to promote healthier and more sustainable modes of travel,” sabi ng DOTr.

Tiniyak ng DOTr na ang aktibong programa sa transportasyon ay magpapatuloy kasama ang suporta mula sa Inter-Agency Technical Working Group for Active Transport at local governments. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Walkways, bicycle lanes, prayoridad sa transport infrastructure – DOTR first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/walkways-bicycle-lanes-prayoridad-sa-transport-infrastructure-dotr/feed/ 0
Chinese scuba diver nalunod sa Batangas https://remate.ph/chinese-scuba-diver-nalunod-sa-batangas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=chinese-scuba-diver-nalunod-sa-batangas https://remate.ph/chinese-scuba-diver-nalunod-sa-batangas/#respond Fri, 26 Apr 2024 11:25:13 +0000 https://remate.ph/?p=563967 MANILA, Philippines – Patay ang isang Chinese national matapos malunod habang nagi-scuba diving sa Mabini, Batangas. Ang scuba diver ay kinilalang si Shunyan Li, residente ng Pasay City, na kasama ang dalawang kaibigan nang makaranas ng oxygen toxicity si Li habang nagda-diving. Dinala pa ng kanyang mga kasamahan ang biktima sa isang ospital ngunit idineklarang […]

The post Chinese scuba diver nalunod sa Batangas first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Patay ang isang Chinese national matapos malunod habang nagi-scuba diving sa Mabini, Batangas.

Ang scuba diver ay kinilalang si Shunyan Li, residente ng Pasay City, na kasama ang dalawang kaibigan nang makaranas ng oxygen toxicity si Li habang nagda-diving.

Dinala pa ng kanyang mga kasamahan ang biktima sa isang ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa Scuba Diving Magazine, “oxygen toxicity may occur in divers using nitrox or mixed gases if they exceed the maximum operating depth for the gas they are breathing.”

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa insidente.

Isasailalim sa post-mortem examination at autopsy ang biktima para matukoy ang tunay na sanhi ng kamatayan nito.

Sa ngayon ay itinala ng pulisya ang kaso bilang isang drowning incident. RNT/JGC

The post Chinese scuba diver nalunod sa Batangas first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/chinese-scuba-diver-nalunod-sa-batangas/feed/ 0
Wage increase sa kasambahay sa Central Visayas epektibo na sa Mayo 11 – DOLE https://remate.ph/wage-increase-sa-kasambahay-sa-central-visayas-epektibo-na-sa-mayo-11-dole/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wage-increase-sa-kasambahay-sa-central-visayas-epektibo-na-sa-mayo-11-dole https://remate.ph/wage-increase-sa-kasambahay-sa-central-visayas-epektibo-na-sa-mayo-11-dole/#respond Fri, 26 Apr 2024 11:12:11 +0000 https://remate.ph/?p=563966 MANILA, Philippines – Naglabas na rin ng Wage Order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa region VII (Central Visayas Region) para sa pagtaas ng monthly minimum wage ng kasambahays ng P500 sa lahat ng lugar. Ang monthly wage rate para sa chartered cities at first-class munisipalities sa rehiyon ay magiging P6,000 at P5,000 […]

The post Wage increase sa kasambahay sa Central Visayas epektibo na sa Mayo 11 – DOLE first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Naglabas na rin ng Wage Order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa region VII (Central Visayas Region) para sa pagtaas ng monthly minimum wage ng kasambahays ng P500 sa lahat ng lugar.

Ang monthly wage rate para sa chartered cities at first-class munisipalities sa rehiyon ay magiging P6,000 at P5,000 para sa ibang munisipalidad.

Kasunod ng umiiral na batas at pamamaraan, ang wage order ay isinumite sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) para sa pagsusuri at pinagtibay noong Abril 22, 2024.

Ang wage order ay nai-publish noong Abril 25 at magkakabisa pagkatapos ng 15 araw mula sa paglathala nito sa sa Mayo 11, 2024.

Ang pagtaas ng sahod para sa mga kasambahay ay inaasahang makikinabang sa 107,931 domestic workers—humigit kumulang 14% (15,099) sa kanila ay nasa live-in arrangement.

Ang huling wage order para sa domestic workers sa rehiyon ay inisyu noong Mayo 2022 at naging epektibo noong Hunyo 14,2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Wage increase sa kasambahay sa Central Visayas epektibo na sa Mayo 11 – DOLE first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/wage-increase-sa-kasambahay-sa-central-visayas-epektibo-na-sa-mayo-11-dole/feed/ 0
Work schedule sa Pateros LGU binago na https://remate.ph/work-schedule-sa-pateros-lgu-binago-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=work-schedule-sa-pateros-lgu-binago-na https://remate.ph/work-schedule-sa-pateros-lgu-binago-na/#respond Fri, 26 Apr 2024 10:59:24 +0000 https://remate.ph/?p=563963 MANILA, Philippines – NAG-ANUNSYO na rin ang Pateros LGU ng alternative work arrangement sa kanilang mga empleyado. Pinaalalahanan ng Pateros municipal government ang mga residente nito at publiko na pinapatupad na sa kanilang tanggapan ang alternative schedule. Ayon sa Pateros LGU, ang naturang alternative work schedule ay base sa bisa ng MMDA Resolution # 24-08 […]

The post Work schedule sa Pateros LGU binago na first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – NAG-ANUNSYO na rin ang Pateros LGU ng alternative work arrangement sa kanilang mga empleyado.

Pinaalalahanan ng Pateros municipal government ang mga residente nito at publiko na pinapatupad na sa kanilang tanggapan ang alternative schedule.

Ayon sa Pateros LGU, ang naturang alternative work schedule ay base sa bisa ng MMDA Resolution # 24-08 series of 2024 at ang Municipal Ordinance # 07-2024 series of 2024.

Paliwanag pa ng nasabing munisipalidad na simula noong ika – 15 ng Abril, 2024, ang pasok ng mga empleyado sa Pamahalaang Bayan ng Pateros ay 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Sa paglilinaw ng Pateros LGU, hindi kasama sa pagbabagong ito ang mga health workers sa mga health centers kung saan mananating 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ang trabaho.

Samantala, ang mga kawani ng Traffic o PTEU, PBDAO at Street sweepers ay mananatiling 24 na oras ang pasok.

Humihingi rin ng pang-unawa ang pamahalaang bayan ng Pateros dahil ito umano ang sagot ng Pateros sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng mga pamamaraan ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para makatulong sa pagpapaluwag ng traffic. Dave Baluyot

The post Work schedule sa Pateros LGU binago na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/work-schedule-sa-pateros-lgu-binago-na/feed/ 0
P25M Flava vape products nasamsam ng DTI-PNP https://remate.ph/p25m-flava-vape-products-nasamsam-ng-dti-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p25m-flava-vape-products-nasamsam-ng-dti-pnp https://remate.ph/p25m-flava-vape-products-nasamsam-ng-dti-pnp/#respond Fri, 26 Apr 2024 10:46:09 +0000 https://remate.ph/?p=563965 MANILA, Philippines – SINALAKAY ng pinagsamang operatiba ng Department of Trade and Industry’s Fair Trade Enforcement Bureau at National Police ang isang tindahan na nagbebenta ng ipinagbabawal na Flava vape products malapit sa Bacla­ran Elementary School sa Paranaque City, araw ng Miyer­kules. Sinabi ni DTI-FTEB Director Fhillip Sawali na nalambat sa natu­rang pagsalakay ang 452 […]

The post P25M Flava vape products nasamsam ng DTI-PNP first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – SINALAKAY ng pinagsamang operatiba ng Department of Trade and Industry’s Fair Trade Enforcement Bureau at National Police ang isang tindahan na nagbebenta ng ipinagbabawal na Flava vape products malapit sa Bacla­ran Elementary School sa Paranaque City, araw ng Miyer­kules.

Sinabi ni DTI-FTEB Director Fhillip Sawali na nalambat sa natu­rang pagsalakay ang 452 kahon ng illegal vape products na nagkakahalaga ng P25 milyon.

Sinalakay ang tindahan na may 20 metro lang ang layo sa es­kwe­lahan dahil sa paglabag sa Republic Act No. 11900, o Vapo­rized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022.

Ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta ng vapes o e-cigarettes “within 100 meters of any point of the perimeter of a school, playground or other facility frequented particularly by minors.”

Bago pa ito, ipinag-utos ng FTEB ang suspensyon ng pagbeben­ta, pagmamanupaktura, pag-angkat at distribusyon ng Flava Corporation’s vape products noong Marso 15 batay sa RA 11900.

Dahil dito, ipinag-utos ni DTI Secretary Fred Pascual sa tauhan ng FTEB na alisin ang non-compliant products mula sa merkado.

Samantala, nagbabala si Pascual sa manufacturers, impor­ters, distributors at retailers’ na maugnay sa iligal na gawain ng pa­ngangalakal ng illicit vapes at iba pang iligal na produkto.

Matatandaang sa isinagawang operasyon noong Abril 24, na­tuklasan ng mga awtoridad na ang tindahan ay gumagamit ng milk tea shop bilang ‘front’ para makapagbenta at mamahagi ng ipi­nagbabawal na vapes.

Kapwa naman inihayag nina Sawali at DTI Assistant Secretary Amanda Marie Nograles ng Consumer Protection Group na ang nabanggit na pagsalakay ay nagbigay ng malakas at matibay na ebidensiya laban sa patuloy na pagbebenta at pagbabawal ng Flava products. RNT

The post P25M Flava vape products nasamsam ng DTI-PNP first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/p25m-flava-vape-products-nasamsam-ng-dti-pnp/feed/ 0
Term extension sa COS, JOs sa gobyerno, magbibigay seguridad, ginhawa – DBM https://remate.ph/term-extension-sa-cos-jos-sa-gobyerno-magbibigay-seguridad-ginhawa-dbm/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=term-extension-sa-cos-jos-sa-gobyerno-magbibigay-seguridad-ginhawa-dbm https://remate.ph/term-extension-sa-cos-jos-sa-gobyerno-magbibigay-seguridad-ginhawa-dbm/#respond Fri, 26 Apr 2024 10:33:19 +0000 https://remate.ph/?p=563959 MANILA, Philippines – SINABI ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang panahon ng panunungkulan ng contract of service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno mula Disyembre 2024 hanggang Disyembre 2025 ay makapagbibigay sa mga ito ng seguridad at […]

The post Term extension sa COS, JOs sa gobyerno, magbibigay seguridad, ginhawa – DBM first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – SINABI ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang panahon ng panunungkulan ng contract of service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno mula Disyembre 2024 hanggang Disyembre 2025 ay makapagbibigay sa mga ito ng seguridad at kaginhawaan.

“I am delighted to hear about the decision of our beloved President to extend the engagement of COS and JO workers whose contracts are set to expire by end of this year. Malaking kapanatagan po ito sa ating mga empleyado na ma-extend pa ng isang taon ang kanilang mga kontrata sa trabaho. Alam naman po natin na malaking ginhawa ang naibibigay sa isang pamilya kung ang isang kaanak ay may trabaho,” ayon kay Pangandaman.

Kung wala ang one-year job extension na kautusan ni Pangulong Marcos, ang mga manggagawa na in-charge sa maraming proyekto ng gobyerno at regular functions ay pinangangambahang kagyat na mawawalan ng trabaho sa oras na ang transitional period ay napaso’ sa Dec. 31, 2024.

Tinuran ng Kalihim na ang DBM ay sumusunod lamang sa direktiba ng Pangulo na tumulong sa pagsasagawa ng masusing pag-aaral ng kasalukuyang kalagayan ng government workforce, kabilang na ang COS at JOs.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ay malalaman ang average data sa mga ahensiya ng gobyerno, lalo na sa contractual workers dahil ang porsyento ng kabuuang bilang ng mga empleyado ng gobyerno at kung ilan ang plantilla positions ay hungkag o bakante.

Sa kabilang dako, tinukoy ng PCO na “as of June 30” ng nakaraang taon, mayroong 29.68% (832,812) ng mga manggagawa sa gobyerno ang COS at JO workers, sinasabing 29.71% ang itinaas mula 2022.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang mga ahensiya ng gobyerno na i-develop ang kasanayan at kakayahan ng COS at JO workers sa pamamagitan ng muling turuan at sanayin ang mga ito sa tulong ng higher learning institutions at makayanan ng mga ito na makapasa sa civil service examination.

“The goal is to build a pool of government workers that can perform and  qualify for  government’s plantilla positions,” ayon sa Pangulo.

Ang COS ay tumutukoy sa “engagement of the services of an individual, private firm, other government agency, non-government agency, or international organization as a consultant, learning service provider or technical expert to undertake a special project or job within a specific period.”

Ang JO, sa kabilang banda ay tumutukoy sa piece work (pakyaw), intermittent o emergency jobs na isasakatuparan at gagawin sa maiksing panahon at para sa “specific piece of job.”

Samantala, ang ‘top five’ na ahensiya ng pamahalaan na may pinakamataas na bilang ng COS at JO workers ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH), 29,275; Department of Health (DOH), 18,264; Department of Education (DepEd), 15,143; Department of Social Welfare and Development (DSWD), 13,770; at Department of Environment and Natural Resources (DENR), 10,990. Kris Jose

The post Term extension sa COS, JOs sa gobyerno, magbibigay seguridad, ginhawa – DBM first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/term-extension-sa-cos-jos-sa-gobyerno-magbibigay-seguridad-ginhawa-dbm/feed/ 0
3 priority measures sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pinoy, aprub kay PBBM https://remate.ph/3-priority-measures-sa-pagpapabuti-ng-buhay-ng-mga-pinoy-aprub-kay-pbbm/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=3-priority-measures-sa-pagpapabuti-ng-buhay-ng-mga-pinoy-aprub-kay-pbbm https://remate.ph/3-priority-measures-sa-pagpapabuti-ng-buhay-ng-mga-pinoy-aprub-kay-pbbm/#respond Fri, 26 Apr 2024 10:20:11 +0000 https://remate.ph/?p=563948 MANILA, Philippines – TATLONG pangunahing proyekto ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para mapabuti ang buhay ng mga Filipino. “The draft minutes of the 14th NEDA Board meeting held 27 February 2024 are approved,” ayon kay Pangulong Marcos, chairman ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, sa isang miting sa Palasyo ng […]

The post 3 priority measures sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pinoy, aprub kay PBBM first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – TATLONG pangunahing proyekto ang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para mapabuti ang buhay ng mga Filipino.

“The draft minutes of the 14th NEDA Board meeting held 27 February 2024 are approved,” ayon kay Pangulong Marcos, chairman ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board, sa isang miting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes.

Ang unang agenda ay ang kahilingan na rebisyon o baguhin ang inaprubahang parametro, terms, and conditions ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) Cancer Center Public-Private Partnership (PPP) Project.

Sa kabilang dako, ang dalawang iba pang agenda ay ang NEDA Board-Investment Coordination Committee Guidelines on the Review at Approval of National PPP Proposals, at ang Basic Education Plan 2030 at MATATAG Agenda ng DepEd.

Sa pag-apruba sa unang agenda, sinabi ng Pangulo na mahalaga na matiyak na makakapasok ang pasyente at magagamit nito ang mga pasilidad ng ospital.

“As a PPP, it seems to be good. I mean, it’s a major change from the original, but if the viability of the project maintains then I think, it will be, it’s a reasonable change to make as along as we can – it’s still, as I said, economically viable both for the government and for the private sector,” ayon kay Pangulong Marcos.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pangalawang panukala, o ang NEDA Board-Investment Coordination Committee Guidelines on the Review at Approval of National PPP Proposals kung saan binigyang-diin niya na walang anumang policy changes sa mga bagay na ginagawa ngayon ng gobyerno.

“I think, in fact, in my view, it’s necessary to do this if we are going to comply with our own rules and regulations, and with our own internal rules and regulations. So yes, I think that it is a pretty straightforward unless anyone else has some questions concerning this,” ayon sa Pangulo.

Ukol naman sa Education Development Plan 2030 at “MATATAG Agenda” ng DepEd, walang anumang pagkontra ang Pangulo rito, binigyang-diin na inaprubahan ang mga ito ng NEDA Board “as a national policy and plan for basic education in the Philippines.”

Samantala, dumalo naman si Vice President Sara Duterte, bilang Kalihim ng DepEd sa miting at ipinresenta ang Education Development Plan 2030 at ang “MATATAG Agenda” sa harap ng mga miyembro ng NEDA board sa pangunguna ni Pangulong Marcos. Kris Jose

The post 3 priority measures sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pinoy, aprub kay PBBM first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/3-priority-measures-sa-pagpapabuti-ng-buhay-ng-mga-pinoy-aprub-kay-pbbm/feed/ 0
GAB, FAMLAB pakners para sa mga pro atleta https://remate.ph/gab-famlab-pakners-para-sa-mga-pro-atleta/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gab-famlab-pakners-para-sa-mga-pro-atleta https://remate.ph/gab-famlab-pakners-para-sa-mga-pro-atleta/#respond Fri, 26 Apr 2024 10:19:46 +0000 https://remate.ph/?p=563972 MAGANDANG balita para sa mga professional athletes ng bansa ang hatid ng pakikipagtambalan ng Games and Amusements Board (GAB) sa FAMLAB Medical and Diagnoatics Clinic sa Meycauyan, Bulacan. Sa hangarin ni GAB Chairman Atty. Richard S. Clarin na matulungan ang mga pro athlete sa kanyang ‘3XPRO’ advocacy na promote, professionalize at protect ang Philippine sports […]

The post GAB, FAMLAB pakners para sa mga pro atleta first appeared on Remate Online.

]]>
MAGANDANG balita para sa mga professional athletes ng bansa ang hatid ng pakikipagtambalan ng Games and Amusements Board (GAB) sa FAMLAB Medical and Diagnoatics Clinic sa Meycauyan, Bulacan.

Sa hangarin ni GAB Chairman Atty. Richard S. Clarin na matulungan ang mga pro athlete sa kanyang ‘3XPRO’ advocacy na promote, professionalize at protect ang Philippine sports ay patuloy na nakikipagtambalan ang opisyal sa mga medical laboratories para mabigyan ng maganda at murang serbisyo ang mga atleta.

“Good news! The GAB has partnered with FAMLAB Medical and Diagnostic Clinic Co. to provide our licensed professional athletes 5% discount on medical laboratory services! Located at 78 Iba Rd., Meycauayan, Bulacan, FAMLAB offers a wide variety of high quality medical and laboratory services and operates every Monday – Saturday, from 7AM – 4PM,” ayon sa pahayag ng GAB.

“For more information, you may contact them through phone or email: 09302484206, 𝐹𝐴𝑀𝐿𝐴𝐵𝑀𝐷𝐶@𝑦𝑎ℎ𝑜𝑜.𝑐𝑜𝑚.”

The post GAB, FAMLAB pakners para sa mga pro atleta first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/gab-famlab-pakners-para-sa-mga-pro-atleta/feed/ 0
Jennylyn, inuurutang samahan ang anak sa burol ng lola! https://remate.ph/jennylyn-inuurutang-samahan-ang-anak-sa-burol-ng-lola/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jennylyn-inuurutang-samahan-ang-anak-sa-burol-ng-lola https://remate.ph/jennylyn-inuurutang-samahan-ang-anak-sa-burol-ng-lola/#respond Fri, 26 Apr 2024 10:15:05 +0000 https://remate.ph/?p=563962 Manila, Philippines – Isa si Sharmaine Arnaiz sa mga nagsadya sa unang araw ng burol ng kanyang tiyahing si Celeste Dahlia Velasco whose remains lie in state at the Arlington Memorial Chapels on Araneta Ave., Quezon City. Ang yumao ay mas kilala bilang si Mommy Bing, butihing ina nina Cheska at Patrick Garcia. Bukod kina […]

The post Jennylyn, inuurutang samahan ang anak sa burol ng lola! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Isa si Sharmaine Arnaiz sa mga nagsadya sa unang araw ng burol ng kanyang tiyahing si Celeste Dahlia Velasco whose remains lie in state at the Arlington Memorial Chapels on Araneta Ave., Quezon City.

Ang yumao ay mas kilala bilang si Mommy Bing, butihing ina nina Cheska at Patrick Garcia.

Bukod kina Cheska at Patrick ay may isa pang anak si Mommy Bing, ang US-based na si Pichon.

The showbiz mom succumbed to a heart attack. She was 70.

Ikinagulat nga ng kanyang mga kaanak ang biglaang pagpanaw niya.

Umattend pa kasi ito sa special screening ng Journey, ang comeback movie ni Patrick.

Gandang-ganda pa nga si Mommy Bing sa pelikula.

Sharmaine was understandably at the wake dahil tiyahin niya si Mommy Bing as her mother and the latter are sisters.

Matatandaang naging kontrobersyal noon si Mommy Bing as she didn’t approve of the relationship between Patrick and Jennylyn Mercado.

Proof that mother knows best, mas natagpuan nina Patrick at Jennylyn ang kanilang karapat-dapat na respective partners.

Nagbunga ng isang anak ang relasyon nina Jen at Patrick, si Alex

By now ay tiyak na aware na si Alex Jazz sa nangyari sa kanyang lola.

Kaya naman inuurutan si Jen na isama ang anak to pay their last respects sa taong minsan isang panahon ay naging malapit din sa kanya.

Kaso, habang sinusulat ito’y nasa Boracay si Jen dahil doon napiling ipagdiwang ang kaarawan ni Baby Dylan, ang anak ng aktres kay Dennis Trillo.

Hindi pa tiyak kung makakabalik ng Maynila ang pamilya ni Jen in time for Mommy Bing’s interment on Saturday.

Hinihintay pa rin kasi ang pagdating ng kapatid nina Cheska at Patrick mula sa US.

For sure, wala namang kaso kay Jen if she allows Alex Jazz na masilip man lang ang mga labi ng lola nito. Ronnie Carrasco III

The post Jennylyn, inuurutang samahan ang anak sa burol ng lola! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/jennylyn-inuurutang-samahan-ang-anak-sa-burol-ng-lola/feed/ 0