Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Tue, 09 Jun 2026 07:16:34 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.0 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png Remate Online https://remate.ph 32 32 Paglalayag sa ilang bahagi ng Mindanao, ‘di pa rin pinapayagan – PCG https://remate.ph/paglalayag-sa-ilang-bahagi-ng-mindanao-di-pa-rin-pinapayagan-pcg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paglalayag-sa-ilang-bahagi-ng-mindanao-di-pa-rin-pinapayagan-pcg https://remate.ph/paglalayag-sa-ilang-bahagi-ng-mindanao-di-pa-rin-pinapayagan-pcg/#respond Tue, 09 Jun 2026 07:25:23 +0000 https://remate.ph/?p=730186 MANILA, Philippines – Bawal pa ring makapaglayag ang anumang uri ng sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Minadanao matapos ang nangyaring 7.8 magnitude na lindol noong Lunes, Hunyo 8, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG). Sa panayam kay Commodore Noemie Cayabyab ang tagapagsalita ng PCG, kasama sa mga lugar na suspendido ang biyahe sa Saranggani, […]

The post Paglalayag sa ilang bahagi ng Mindanao, ‘di pa rin pinapayagan – PCG first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Bawal pa ring makapaglayag ang anumang uri ng sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Minadanao matapos ang nangyaring 7.8 magnitude na lindol noong Lunes, Hunyo 8, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa panayam kay Commodore Noemie Cayabyab ang tagapagsalita ng PCG, kasama sa mga lugar na suspendido ang biyahe sa Saranggani, Davao Occidental, Jose Abad Santos at General Santos City.

Ayon sa PCG, patuloy na nagsasagawa ng pagsusuri ang PCG katuwang ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa mga pasilidad gayundin sa mga pantalan.

Ang koordinasyon ng PCG sa mga komunidad sa gitna ng nararanasang aftershocks ay nagpapatuloy din.

Una ng inabisuhan ng PCG ang mga operator ng lahat ng sasakyan pandagat na kung maaari ay huwag muna maglayag para makaiwas sa mas malaking banta at panganib ng tsunami sa baybayin.

Sa kasalujiyan, nakadeploy pa rin ang mga tauhan ng PCG kabilang ang kanilang K9 units para tumulong sa search rescue at relief operations. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Paglalayag sa ilang bahagi ng Mindanao, ‘di pa rin pinapayagan – PCG first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/paglalayag-sa-ilang-bahagi-ng-mindanao-di-pa-rin-pinapayagan-pcg/feed/ 0
Walang foul play sa pagkamatay ng 2 Ateneo student-athletes – PNP https://remate.ph/walang-foul-play-sa-pagkamatay-ng-2-ateneo-student-athletes-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walang-foul-play-sa-pagkamatay-ng-2-ateneo-student-athletes-pnp https://remate.ph/walang-foul-play-sa-pagkamatay-ng-2-ateneo-student-athletes-pnp/#respond Tue, 09 Jun 2026 07:15:16 +0000 https://remate.ph/?p=730265 MANILA, Philippines — Sinabi ng Philippine National Police (PNP) Aurora Provincial Office kahapon na walang indikasyon ng foul play sa insidente ng pagkalunod na kumitil sa buhay ng dalawang student-athletes ng Ateneo De Manila University (ADMU) na sina Divine Adili at Rene Baterbonia.. “Natural accident po talaga ang nangyari, at sa ngayon, wala po tayong […]

The post Walang foul play sa pagkamatay ng 2 Ateneo student-athletes – PNP first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines — Sinabi ng Philippine National Police (PNP) Aurora Provincial Office kahapon na walang indikasyon ng foul play sa insidente ng pagkalunod na kumitil sa buhay ng dalawang student-athletes ng Ateneo De Manila University (ADMU) na sina Divine Adili at Rene Baterbonia..

“Natural accident po talaga ang nangyari, at sa ngayon, wala po tayong nakikitang foul play,” ani Police Colonel Percival R. Pineda, acting provincial director ng Aurora PPO, sa isang press conference. “Based po sa ating nakuhang salaysay, itong insidente na ito ay talagang puro aksidente,” dagdag pa nito.

Sa salaysay ni Pineda, naganap ang insidente dakong 2:40 p.m. sa harap ng Hermanos Leisure Farm and Surf Camp sa Barangay Libis, Dipaculao, Aurora kung saan gaganapin ang team-building activity ng ADMU men’s basketball team.

Nilahukan ang aktibidad ng humigit-kumulang 20 miyembro ng koponan, kabilang ang mga manlalaro at coaching staff.

“Based po sa salaysay ng ating mga nakausap, meron po silang activity na kung saan lumakad po ang mga players sa tabing dagat,” ani Pineda.

Nasa hanggang hita po ang lalim ng tubig, at bigla na lang po silang napunta sa malalim na parte. Yung part po ng nilalakaran nila ay may malalim na bahagi, at doon po, bigla silang tinangay ng current papunta sa mas malalim na bahagi ng dagat,” kwento pa ni Pineda.

“May mga kasama po sila na tumulong, at meron din pong lifeguard, pero sa kasamaang palad, nasawi nga po ang dalawa,” dagdag pa nito.

Dinala sila sa Aurora Memorial Hospital para sa resuscitation efforts ngunit idineklara silang dead on arrival ng attending physician.

Sinabi ni Pineda na hindi ito ang unang pagkakataon na nagsagawa ng aktibidad ang grupo sa resort at pamilyar sila sa lagay ng dagat sa lugar.

Ayon kay Aurora Provincial Police Public Information Chief Major Lorena Bautista, hindi ito ang unang insidente ng pagkalunod sa lugar ngayong taon. Gayunpaman, walang agarang utos na ipagbawal ang paglangoy, ngunit paiigtingin ng mga awtoridad ang mga hakbang sa seguridad at paglalagay ng lifeguard.JC

The post Walang foul play sa pagkamatay ng 2 Ateneo student-athletes – PNP first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/walang-foul-play-sa-pagkamatay-ng-2-ateneo-student-athletes-pnp/feed/ 0
Rep. Abante, naghain ng kasong libel sa 18 “bagmen” https://remate.ph/rep-abante-naghain-ng-kasong-libel-sa-18-bagmen/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rep-abante-naghain-ng-kasong-libel-sa-18-bagmen https://remate.ph/rep-abante-naghain-ng-kasong-libel-sa-18-bagmen/#respond Tue, 09 Jun 2026 07:14:29 +0000 https://remate.ph/?p=730187 Manila, Philippines – Tumakbo na rin sa Manila Prosecutor Office si Manila Rep. Bienvenido Abante upang hainan ng kasong libel ang 18 dating miembro ng Philippine Marines. Ito ay kaugnay sa alegasyon ng pagtanggap o tumanggap ng “maleta” na may kaugnay sa iskandalo ng flood control projects. Kasama sa inireklamo si Atty. Levito Baligod at […]

The post Rep. Abante, naghain ng kasong libel sa 18 “bagmen” first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Tumakbo na rin sa Manila Prosecutor Office si Manila Rep. Bienvenido Abante upang hainan ng kasong libel ang 18 dating miembro ng Philippine Marines.

Ito ay kaugnay sa alegasyon ng pagtanggap o tumanggap ng “maleta” na may kaugnay sa iskandalo ng flood control projects.

Kasama sa inireklamo si Atty. Levito Baligod at ang 18 dating miembro ng marines at ang media outlet DWSI 864 at sa reklamong ito ay tahasang pinabulaanan ng mambabatas ang mga bintang laban sa kaniya.

“For the record, I vehemently deny the incorrect, baseless, and/or misleading allegations made by the complainants in the Libelous Salaysay distributed and made known to the media and public during the Libelous Press Conference, and thereafter published on respondent DWSI’s Facebook page through the Libelous Post,” sinabi ni Abante.

Binigyang diin ng kongresista na mali ang alegasyong tumanggap siya ng pondo ng bayan na inihatid sa kaniya sa pamamagitan ng maleta.

“Simply put, the unsigned and unnotarized Libelous Salaysay alleges that I, a public servant, was one of the recipients of ‘kickbacks. Such allegation is completely false and untrue. I vehemently deny and refute the incorrect, baseless, and misleading libelous statements in the Libelous Salaysay distributed and broadcast to the media during the Libelous Press Conference, and thereafter published on respondent DWSI’s Facebook page.”

Ani Abante sinadya umano ng mga respondents na isapubliko ang akusasyon bago pa man ito masuri ng mga otridad na nagresulta aniya sa “trial by publicity.”

“To make matters worse, the Libelous Press Conference brazenly paraded the Libelous Salaysay—then still unsigned by the 18 Marine Respondents and unnotarized, thus not under oath—before the public eye. Instead of elevating these matters to the proper forum, respondent Atty. Baligod and the 18 Marine Respondents deliberately chose a public tirade over proper processes and channels.”

Kinuwestyon pa ni Abante, chairman ng House human rights panel ang kerdibilidad ng alegasyon sa pagsasabing ang mga respondents ay wala umanong personal na kaalaman sa mga naganap na cash deliveries.

“For the record, I have never dealt with or ever seen any of the 18 Marine Respondents. I have no dealings with regard to deliveries of money from former representative Zaldy Co,”  giit ni Abante.

Naniniwala pa ang mambabatas na ang alegasyon ay hindi nakasalig o walang suporta ng detalye at ebidensya bukod pa sa ito ay marami umanong hindi magkakatugmang pahayag.

“Significantly, the allegations lack any specific date or circumstance of the claimed delivery and receipt, while photographs show only cash, luggage, and strangers, establishing nothing. Coupled with their groundless tale, this amounts to nothing more than smoke and mirrors slander.” (Meliza Maluntag)

The post Rep. Abante, naghain ng kasong libel sa 18 “bagmen” first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/rep-abante-naghain-ng-kasong-libel-sa-18-bagmen/feed/ 0
M5.5 lindol, yumanig sa Sarangani https://remate.ph/m5-5-lindol-yumanig-sa-sarangani/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=m5-5-lindol-yumanig-sa-sarangani https://remate.ph/m5-5-lindol-yumanig-sa-sarangani/#respond Tue, 09 Jun 2026 07:08:24 +0000 https://remate.ph/?p=730273 MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng karagatan ng Sarangani sa Davao Occidental noong Martes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ang lindol bandang 2:15 p.m. at natukoy ang epicenter sa 77 kilometro southwest ng Balut Island sa Sarangani. Tectonic ang […]

The post M5.5 lindol, yumanig sa Sarangani first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng karagatan ng Sarangani sa Davao Occidental noong Martes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, nangyari ang lindol bandang 2:15 p.m. at natukoy ang epicenter sa 77 kilometro southwest ng Balut Island sa Sarangani.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 10 kilometro.

Sinabi ng PHIVOLCS na wala itong inaasahang pinsala at hindi rin inaasahang magkakaroon ng aftershocks.

Ilan sa mga naitalang intensity ay Intensity II sa Alabel, Sarangani, at instrumental intensities na Intensity III sa Maitum, Sarangani at T’boli, South Cotabato.

Naramdaman din ang Intensity II sa Malapatan, Sarangani; Santo Niño, Tupi at Surallah sa South Cotabato; at Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Naitala rin ang Intensity I sa Digos City, Davao del Sur; Sta. Maria, Davao Occidental; Koronadal City, Tampakan, South Cotabato; at Zamboanga City.

Matatandaang noong Lunes ay tumama ang mas malakas na magnitude 7.8 na lindol sa offshore Sarangani, ngunit hindi pa kinukumpirma ng PHIVOLCS kung may direktang kaugnayan ang bagong pagyanig sa naunang malakas na lindol. RNT/MND

The post M5.5 lindol, yumanig sa Sarangani first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/m5-5-lindol-yumanig-sa-sarangani/feed/ 0
Guro naghain ng petisyon sa SC ukol sa nangyaring sesyon noong Hunyo 3 https://remate.ph/guro-naghain-ng-petisyon-sa-sc-ukol-sa-nangyaring-sesyon-noong-hunyo-3/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=guro-naghain-ng-petisyon-sa-sc-ukol-sa-nangyaring-sesyon-noong-hunyo-3 https://remate.ph/guro-naghain-ng-petisyon-sa-sc-ukol-sa-nangyaring-sesyon-noong-hunyo-3/#respond Tue, 09 Jun 2026 07:03:39 +0000 https://remate.ph/?p=730188 MANILA, Philippines – Naghain ng petisyon sa Korte Supreme ang isang high school teacher upang ideklara na legal at may bisa ang nagyaring sesyon noon June 3, 2026. Sa sesyon, binakante ang lahat ng pwesto at inilagay si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore. Sa 20 pahinang petition for certiorari, hiniling ni Barry […]

The post Guro naghain ng petisyon sa SC ukol sa nangyaring sesyon noong Hunyo 3 first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Naghain ng petisyon sa Korte Supreme ang isang high school teacher upang ideklara na legal at may bisa ang nagyaring sesyon noon June 3, 2026.

Sa sesyon, binakante ang lahat ng pwesto at inilagay si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore.

Sa 20 pahinang petition for certiorari, hiniling ni Barry Tayam sa Korte Supreme na suriin ang ginawa nina Sen. Alan Peter Cayentano, Pia Cayetano at Loren Legarda Kung ito ba ay may “grave abuse of authority”.

Iginiit ng petitioner na ang bagong itinalagang liderato ng Senado ay lumikha ng “profound institutional challenge,” nang tanggihan ng Cayetano bloc at ni Legarda na kilalanin ang bagong liderato.

Sinabi rin ng petitioner na nagdulot din ng banta ng “dual Senate leadership” at posibleng pagkaparalisa ng Senado  kaya kailangan ng agarang interbensyon ng Korte Supreme para ibalik ang constitutional order.

“To prevent the imminent paralyzation of a co-equal branch of government, avoid the chaotic emergence of dual competing Senate leaderships, and resolve this escalating constitutional crisis, I respectfully invoke the jurisdiction of this Honorable Court as the ultimate arbiter of the Constitution to definitively rule on the validity of the chamber’s reorganization,” saad sa petisyon.

Iginiit ni Tayam na ang presensya ng 12 Senado noong June 3 ay sapat para bumuo ng legal at constitutional na quorom na binanggit ang kaso ng Avelino v.Cuenco Kung saan 12 sa 22 senador ay maituturing na absolute majority.

Hiniling din niya na kilalanin ng Korte Supreme na legal ang lahat ng naganap– pagdeklara ng bakanteng posisyon, eleksyon ng liderato, at pagreorganisa ng mga komite. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Guro naghain ng petisyon sa SC ukol sa nangyaring sesyon noong Hunyo 3 first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/guro-naghain-ng-petisyon-sa-sc-ukol-sa-nangyaring-sesyon-noong-hunyo-3/feed/ 0
Inspeksyon sa mga terminal matapos ng lindol sa Mindanao, ipinag-utos ng LTFRB https://remate.ph/inspeksyon-sa-mga-terminal-matapos-ng-lindol-sa-mindanao-ipinag-utos-ng-ltfrb/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=inspeksyon-sa-mga-terminal-matapos-ng-lindol-sa-mindanao-ipinag-utos-ng-ltfrb https://remate.ph/inspeksyon-sa-mga-terminal-matapos-ng-lindol-sa-mindanao-ipinag-utos-ng-ltfrb/#respond Tue, 09 Jun 2026 06:52:23 +0000 https://remate.ph/?p=730182 MANILA, Philippines – Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga Regional Franchising and Regulatory Offices (RFROs) na magsagawa ng inspeksyon sa structural integrity ng mga public transportation hubs sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong Lunes ng umaga. Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza […]

The post Inspeksyon sa mga terminal matapos ng lindol sa Mindanao, ipinag-utos ng LTFRB first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga Regional Franchising and Regulatory Offices (RFROs) na magsagawa ng inspeksyon sa structural integrity ng mga public transportation hubs sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao noong Lunes ng umaga.

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, inatasan ang mga opisina sa Davao Region at Soccsksargen na makipag-ugnayan sa mga local government units at Department of Public Works and Highways (DPWH) para suriin ang kaligtasan ng mga bus terminal at iba pang transport hubs.

“We want to ensure the safety of both the passengers and our partners in the PUV [public utility vehicle] sector through a thorough inspection on the structural integrity of bus terminals and other land transportation hubs,” ani Mendoza.

Dagdag pa niya, mahalagang masiguro ang kaligtasan ng publiko dahil sa lakas ng lindol at posibleng aftershocks na babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa ulat, umabot sa magnitude 7.8 ang lindol na tumama sa karagatan malapit sa Maasim, Sarangani noong 7:37 a.m., at nagkaroon ng tsunami warnings na kalaunan ay inalis din.

Bukod sa inspeksyon ng mga pasilidad, iniutos din ni Mendoza ang pag-check sa kalagayan ng mga empleyado at pansamantalang pagsuspinde ng operasyon sa mga lugar na grabeng naapektuhan.

“On my part as the LTFRB chairman, I assure all our personnel of all the necessary assistance if you need them. We are one with you in this time of challenge,” dagdag niya. RNT/MND

The post Inspeksyon sa mga terminal matapos ng lindol sa Mindanao, ipinag-utos ng LTFRB first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/inspeksyon-sa-mga-terminal-matapos-ng-lindol-sa-mindanao-ipinag-utos-ng-ltfrb/feed/ 0
Imbestigasyon sa pagkamatay ng 2 Ateneo student-athletes suportado sa PSC https://remate.ph/imbestigasyon-sa-pagkamatay-ng-2-ateneo-student-athletes-suportado-sa-psc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=imbestigasyon-sa-pagkamatay-ng-2-ateneo-student-athletes-suportado-sa-psc https://remate.ph/imbestigasyon-sa-pagkamatay-ng-2-ateneo-student-athletes-suportado-sa-psc/#respond Tue, 09 Jun 2026 06:42:55 +0000 https://remate.ph/?p=730247 Suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isinasagawang imbestigasyon sa kalunos-lunos na insidente ng pagkalunod na kumitil sa buhay ng dalawang student-athletes ng Ateneo De Manila University na sina Rene Baterbonia at Divine Adili Sina Baterbonia, 19, at Adili, 21, ay pumanaw sa isang team building noong Lunes ng hapon sa Aurora. Ayon sa ulat […]

The post Imbestigasyon sa pagkamatay ng 2 Ateneo student-athletes suportado sa PSC first appeared on Remate Online.

]]>
Suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isinasagawang imbestigasyon sa kalunos-lunos na insidente ng pagkalunod na kumitil sa buhay ng dalawang student-athletes ng Ateneo De Manila University na sina Rene Baterbonia at Divine Adili
Sina Baterbonia, 19, at Adili, 21, ay pumanaw sa isang team building noong Lunes ng hapon sa Aurora.

Ayon sa ulat ang incoming rookie na si Baterbonia ay isang produkto o Ateneo de Davao, na tumulong para makuha ang titulo sa Palarong Pambansa noong 2025, habang ang Nigerian big man na si Adili ang batang sentro ng Blue Eagles.
Sinabi ng ahensya ng gobyerno na lumilikha sila ng panel ng mga stakeholder ng sports upang suportahan ang pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) sa hangaring magtatag ng ‘malinaw, tumpak, at komprehensibong’ pag-unawa sa insidente.

“Bilang mandato ng ahensya ng gobyerno na magbigay ng pamumuno at direksyon sa pagpapaunlad ng palakasan at kapakanan ng mga atleta, ang PSC ay ganap na nakikipagtulungan sa patuloy na pagsisiyasat,” sabi ng PSC sa isang pahayag.

Idinagdag ng PSC na bukod sa pangangalap ng mga katotohanan ng kaso, sinusuri din nito ang mga umiiral na patakaran at mga protocol ng pagsasanay upang palakasin ang mga kapaligiran sa pagsasanay sa atleta.

“Higit pa sa fact-finding, ang multi-stakeholder body na ito, na kinabibilangan ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP), University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Commission on Higher Education (CHED), at National Youth Commission (NYC)-ay susuriin ang mga umiiral na patakaran, protocol, at pagsasanay tungo sa mga resolusyon para palakasin ang mga pananggalang sa mga kapaligiran ng pagsasanay ng mga atleta,”
Binigyang-diin ng PSC na patuloy nitong itinataguyod ang isa sa kanilang misyon sa pagbibigay ng ligtas na kapaligiran sa mga atleta habang pinapanatili ang kahusayan sa sports.

“Ang layunin ay hindi lamang upang maunawaan kung ano ang nangyari, ngunit upang matiyak na ang mga aral na natutunan ay humahantong sa mas ligtas, mas tumutugon na mga sistema na nagpoprotekta sa mga atleta habang pinapanatili ang mataas na pagganap ng isport,” sabi nito.

“Ang kahusayan sa isport ay nangangailangan ng mga kapaligiran na nagtutulak sa potensyal ng tao, ngunit hindi kailanman sa kapinsalaan ng kaligtasan.”

The post Imbestigasyon sa pagkamatay ng 2 Ateneo student-athletes suportado sa PSC first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/imbestigasyon-sa-pagkamatay-ng-2-ateneo-student-athletes-suportado-sa-psc/feed/ 0
SB19 Stell, nabitin sa Showtime! https://remate.ph/sb19-stell-nabitin-sa-showtime/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sb19-stell-nabitin-sa-showtime https://remate.ph/sb19-stell-nabitin-sa-showtime/#respond Tue, 09 Jun 2026 06:42:25 +0000 https://remate.ph/?p=730254 Manila, Philippines – Number one trending topic recently, ang co-hosting ni SB19 Stell Ajero sa It’s Showtime. Truth be told, Biyernes pa lang ng gabi ay hindi magkamayaw ang mga fans dahil sa ‘hint’ ni Vice Ganda via tweet. Ani Meme, he couldn’t contain his excitement anymore. Matagal na daw kasi niyang sinusuyo ang magiging […]

The post SB19 Stell, nabitin sa Showtime! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Number one trending topic recently, ang co-hosting ni SB19 Stell Ajero sa It’s Showtime.

Truth be told, Biyernes pa lang ng gabi ay hindi magkamayaw ang mga fans dahil sa ‘hint’ ni Vice Ganda via tweet.

Ani Meme, he couldn’t contain his excitement anymore.

Matagal na daw kasi niyang sinusuyo ang magiging co-host niya, who finally agreed.

“Sa wakas, napilit ko!” tweet ng TV host-comedian.

Nahulaan din kung sino ito sa clue na ibinigay ni Vice Ganda: “Ang kabog ‘to! ‘Di ‘to basta-basta bingo-bingo. Need mo makumpleto parang bento Gento, ano, kaya mo???!!!”

Mismong si Stell ang nagkumpirma din nito: “Me!”

Pero aminado siyang kinakabahan siya.

Once on the show, kinaaliwan ng mga fans ang pagiging game ni Stell.

After the show, nag-thank you si Stell via X.

Next time daw uli…nabitin? Ronnie Carrasco III

The post SB19 Stell, nabitin sa Showtime! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/sb19-stell-nabitin-sa-showtime/feed/ 0
Ex ni Coco, pasok sa CocoJules serye! https://remate.ph/ex-ni-coco-pasok-sa-cocojules-serye/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ex-ni-coco-pasok-sa-cocojules-serye https://remate.ph/ex-ni-coco-pasok-sa-cocojules-serye/#respond Tue, 09 Jun 2026 06:41:23 +0000 https://remate.ph/?p=730253 Manila, Philippines – Sino’ng hindi makakalimot kay Katherine Luna? The lead star in the indie film Ang Babae sa Breakwater, si Katherine ay ang ex-girlfriend ni Coco Martin na tinulungan nito sa pagpapaopera ng mata. Sa muling pagkakataon, ipinasok ng multi-slashie actor ang mahusay na aktres sa Sigabo. Post niya: “Thank you, direk cm and […]

The post Ex ni Coco, pasok sa CocoJules serye! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Sino’ng hindi makakalimot kay Katherine Luna?

The lead star in the indie film Ang Babae sa Breakwater, si Katherine ay ang ex-girlfriend ni Coco Martin na tinulungan nito sa pagpapaopera ng mata.

Sa muling pagkakataon, ipinasok ng multi-slashie actor ang mahusay na aktres sa Sigabo.

Post niya: “Thank you, direk cm and ms julia!

“Napakabuti n’yo sa akin!”

Inaasahang sa partisipasyon ni Katherine sa serye, kahit paano’y makakaalwan-alwan na siya sa buhay.

Now with a regular source of income, harinawa’y makaipon na ang aktres–higit lalo ang patuloy pang pagtalikod sa paggamit ng “alam na.”

Hindi sa pagsisipsip kay Katherine, ilan lang silang masasabing de-kalibreng aktres–nagpabaya lang siya sa kanyang career noon.

But everything’s water under the bridge now. Ronnie Carrasco III

The post Ex ni Coco, pasok sa CocoJules serye! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/ex-ni-coco-pasok-sa-cocojules-serye/feed/ 0