TOP STORIES - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Fri, 26 Apr 2024 22:23:56 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=6.5.2 Ipe, ipinagtanggol ni Cristy! https://remate.ph/ipe-ipinagtanggol-ni-cristy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ipe-ipinagtanggol-ni-cristy https://remate.ph/ipe-ipinagtanggol-ni-cristy/#respond Fri, 26 Apr 2024 23:40:14 +0000 https://remate.ph/?p=564031 Manila, Philippines – Makalawang beses nang tinangka ni Phillip Salvador na pumalaot sa pulitika. Una, sa Mandaluyong. Pangalawa at nitong huli ay sa Bulacan. In both instances ay hindi nginitian ng magandang kapalaran ang aktor. Pero sa pagkakataong ito lalo na sa darating na mid-term elections sa May next year, maagang inanunsyo ni lpe (palayaw […]

The post Ipe, ipinagtanggol ni Cristy! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Makalawang beses nang tinangka ni Phillip Salvador na pumalaot sa pulitika.

Una, sa Mandaluyong. Pangalawa at nitong huli ay sa Bulacan.

In both instances ay hindi nginitian ng magandang kapalaran ang aktor.

Pero sa pagkakataong ito lalo na sa darating na mid-term elections sa May next year, maagang inanunsyo ni lpe (palayaw ni Phillip) na tiyak na ang pagtakbo niya bilang senador.

Ayon mismo sa kanya, siya ang napiling kumatawan sa Partido ng Demokratikong Pilipino o PDP-Laban.

Mismong si Senator Bong Go na malapit sa aktor ang naglapit kay Phillip sa mga party members nito.

Kung gaano kaaga ang anunsyo ni Ipe ay ganoon din kaagang dumating ang unang bugso ng mga batikos sa kanya.

Inaasahan na naman ito ni Ipe mismo lalo’t klasiko ang paraan ng kanyang pagpapakilala sa kanyang sarili gamit ang hashtag niyang #Mr. Ipektibo.

Aniya, hindi raw siya abogado o doktor o engineer kundi artista na magseserbisyo sa mga Pilipino.

Dito na umarko ang mga kilay ng mga taong walang bilib sa aktor.

Hindi maiwasang makaladkad sa isyu ang pagiging ama ni Phillip sa anak nila ni Kris Aquino na si Joshua.

Again, inaasahan na ito ng kampo ni Ipe who has found a defender in Cristy Fermin.

Ani Cristy sa kanilang online program, marami ang hindi nakakaalam sa tunay na kuwento involving Phillip, Kris at Joshua.

Pero maitatanong lang: bakit hindi nakuhang siraan ni Kris si Phillip noong panahong hiwalay na sila?

Bakit may isyu pa nga kung tutusin si Kris laban sa mga nakarelasyon niya dati tulad nina Joey Marquez at James Yap?

Bakit pagdating kay Ipe ay walang ni katiting na masamang salita ang binitiwan ni Kris?

Mahalaga raw maunawaan ng publiko na imposibleng walang pinansyal na suporta si Phillip kay Joshua lalo na ang mga panahong marami siyang trabaho.

Sa perang iniakyat ng TV rights ng mga pelikula ni Phillip–na karaniwang nakasaad sa kontrata ng mga big stars as agreed upon by the film producers–ay sobra-sobrang sustento na ‘yon para kay Joshua.

So, bilang sagot sa mga detractors ni lpe: paano sasabihin ng mga ito na iresponsable ang aktor bilang ama?

Gayunpaman, paglilinaw ni Cristy, it’s not for her to shed light on the issue kundi mas magandang si Phillip mismo ang magtanggol sa kanyang sarili. Ronnie Carrasco III

The post Ipe, ipinagtanggol ni Cristy! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/ipe-ipinagtanggol-ni-cristy/feed/ 0
ShaNiel, itatapat sa KathDen? https://remate.ph/shaniel-itatapat-sa-kathden/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=shaniel-itatapat-sa-kathden https://remate.ph/shaniel-itatapat-sa-kathden/#respond Fri, 26 Apr 2024 23:30:12 +0000 https://remate.ph/?p=564030 Manila, Philippines – Habang moving-on na ang Asia’s Box-Office Superstar na si Kathryn Bernardo sa break-up nila ng ex na si Daniel Padilla, unti-unti na rin daw nakakalimot ang huli. Ipinagmalaki nga ng fans ni Daniel na meron na rin silang binubuong kalabtim ng kanilang idolo, ang ShaNiel, para sa loveteam nina Atasha Muhlach at […]

The post ShaNiel, itatapat sa KathDen? first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Habang moving-on na ang Asia’s Box-Office Superstar na si Kathryn Bernardo sa break-up nila ng ex na si Daniel Padilla, unti-unti na rin daw nakakalimot ang huli.

Ipinagmalaki nga ng fans ni Daniel na meron na rin silang binubuong kalabtim ng kanilang idolo, ang ShaNiel, para sa loveteam nina Atasha Muhlach at Daniel.

Ayon pa sa fans ng ShaNiel, matagal-tagal din silang namili kung sino ang makakapalit sa puso ni DJ at ito nga, napagbotohan nila na ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, ang 21 yearl old na si Atasha ang anila’y babagay sa aktor.

Anila, “Atasha has the beauty and the charisma and to be the next star of Asia.”

Ang tinutukoy ng mga fans ay ang titulo na Asia’s Superstar na hawak pa hanggang ngayon ng phenomenal Kapamilya actress, Kathryn.

Magtagumpay kaya ang ShaNiel, bago pa tamaan ng shrapnel (o bala ng baril) ang kanilang pangarap na bumuo ng tandem na iuumang sa KathDen? Ang pinagsamamg Kathryn at Alden Richards? Ador Saluta

The post ShaNiel, itatapat sa KathDen? first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/shaniel-itatapat-sa-kathden/feed/ 0
Sen. Alan, emosyunal sa mag-inang nagkasundo! https://remate.ph/sen-alan-emosyunal-sa-mag-inang-nagkasundo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sen-alan-emosyunal-sa-mag-inang-nagkasundo https://remate.ph/sen-alan-emosyunal-sa-mag-inang-nagkasundo/#respond Fri, 26 Apr 2024 22:23:56 +0000 https://remate.ph/?p=564032 Manila, Philippines – Naging madrama ang recent episode ng CIA with BA nina Sen. Alan Peter at Pia Cayetano kasama si Boy Abunda. Isang nakakadurog-pusong kuwento kasi ng pagtataksil na sa huli ay nagdulot ng isang nakaaantig na resolusyon ang nabunyag. Sa Case 2 Face segment, ibinunyag ng dumulog na si Angel na si Adelfa, […]

The post Sen. Alan, emosyunal sa mag-inang nagkasundo! first appeared on Remate Online.

]]>
Manila, Philippines – Naging madrama ang recent episode ng CIA with BA nina Sen. Alan Peter at Pia Cayetano kasama si Boy Abunda.

Isang nakakadurog-pusong kuwento kasi ng pagtataksil na sa huli ay nagdulot ng isang nakaaantig na resolusyon ang nabunyag.

Sa Case 2 Face segment, ibinunyag ng dumulog na si Angel na si Adelfa, na itinuturing niyang ina, ay umano’y nagkalat ng karagdagang kasinungalingan tungkol sa kanyang nakaraang relasyon sa asawa ng huli, si Rex.

Nagbigay ng opinyon si Sen Alan hinggil sa usapin. Sinabi niya na bagama’t pareho silang nagdanas ng hirap, si Adelfa ang mas lubhang naapektuhan.

Sa pagsunod ng programa sa kanilang mga isyu, maliwanag na balak ni Angel na humingi ng tawad sa ina niyang si Adelfa, isang desisyong sa huli ay kanyang ginawa.

Binigyang-diin ni Sen Pia ang kahalagahan ng pagtaas ng kamalayan hinggil sa mga isyu ng kababaihan at ang papel ng lipunan at mga mambabatas sa pagtugon sa mga ito.

Binanggit din niya ang emosyunal na pasakit na dinanas ni Adelfa, na nagpapahalaga sa pangangailangan ng pananagutan, lalo na mula kay Rex.

Sabi niya kay Adelfa: “Ngayon sa nakikita ko, mukha namang pinapatawad mo si Angel at masaya kang may anak ka ulit.”

Pagkatapos ay pinaalalahanan naman niya si Angel: “Alagaan mo ang nanay mo, napakabuti ng puso niya, napakalaki ng puso niya na kaya niyang talikuran ‘yung nagawa mong kasalanan sa kanya, dahil ganyan ang mga ina.”

Sa pagtatapos ng episode, hiniling ni Kuya Alan sa audience: “Pag-pray po natin sila at ‘yung mga taong natutong magpatawad because it’s really a beautiful thing.”

Sang-ayon naman si Kuya Boy sa mga naging pahayag ng dalawang senador.

Ang ‘CIA with BA’ ay napapanood tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7, at may replay sa GTV tuwing kasunod na Sabado, 10:30 ng gabi. JP Ignacio

The post Sen. Alan, emosyunal sa mag-inang nagkasundo! first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/sen-alan-emosyunal-sa-mag-inang-nagkasundo/feed/ 0
Walkways, bicycle lanes, prayoridad sa transport infrastructure – DOTR https://remate.ph/walkways-bicycle-lanes-prayoridad-sa-transport-infrastructure-dotr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=walkways-bicycle-lanes-prayoridad-sa-transport-infrastructure-dotr https://remate.ph/walkways-bicycle-lanes-prayoridad-sa-transport-infrastructure-dotr/#respond Fri, 26 Apr 2024 11:38:15 +0000 https://remate.ph/?p=563968 MANILA, Philippines – Nanatiling prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) ang pedestrian-oriented spaces tulad ng walkways, bicycle lanes sa aktibong transport infrastructure sa ilalim ng Marcos administration. Sa pahayag, sinabi ng DOTr na non-motorized transport (NMT) gaya ng cycling at walking gayundin ang paggamit ng light electric vehicles (LEV) ay isinusulong alinsunod sa National Transport […]

The post Walkways, bicycle lanes, prayoridad sa transport infrastructure – DOTR first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nanatiling prayoridad ng Department of Transportation (DOTr) ang pedestrian-oriented spaces tulad ng walkways, bicycle lanes sa aktibong transport infrastructure sa ilalim ng Marcos administration.

Sa pahayag, sinabi ng DOTr na non-motorized transport (NMT) gaya ng cycling at walking gayundin ang paggamit ng light electric vehicles (LEV) ay isinusulong alinsunod sa National Transport Policy (NTP) at Philippine Development Plan 2023-2028 (PDP).

Ito ay sa gitna ng matagal nang panawagan ng mga pampubliko at aktibong transport commuter na magkaroon ng mas magandang karanasan sa pag-commute sa pamamagitan ng pagsulong para sa pinalawak at mas ligtas na mga walkway at bike lanes, lalo na sa mga national roads.

Nauna nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na napapag-isipan na ang pagtanggal sa mga bicycle lanes sa EDSA at ikinokonsidera ang ekslusibong motorcycle lane dahil sa maliit na bilang ng mga gumagamit ng biskleta.

Ang bicycle lanes sa EDSA at iba pang thoroughfares ay karaniwan noong panahon ng pandemic lockdowns noong 2022 dahil lumipat sa cycling ang mga commuters bilang alternatibong mode of transport.

Sa ilalim ng NTP at PDP, ang pedestrians at NMTs ay ang mas prayoridad sa hierarchy ng mga gumagamit ng kalsada at nag-uutos sa gobyerno na unahin ang pagpapaunlad ng aktibong imprastraktura ng transportasyon.

“The program is expected to gain momentum after President Ferdinand Marcos Jr. announced that the national government should prioritize active transport facilities to promote healthier and more sustainable modes of travel,” sabi ng DOTr.

Tiniyak ng DOTr na ang aktibong programa sa transportasyon ay magpapatuloy kasama ang suporta mula sa Inter-Agency Technical Working Group for Active Transport at local governments. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Walkways, bicycle lanes, prayoridad sa transport infrastructure – DOTR first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/walkways-bicycle-lanes-prayoridad-sa-transport-infrastructure-dotr/feed/ 0
Chinese scuba diver nalunod sa Batangas https://remate.ph/chinese-scuba-diver-nalunod-sa-batangas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=chinese-scuba-diver-nalunod-sa-batangas https://remate.ph/chinese-scuba-diver-nalunod-sa-batangas/#respond Fri, 26 Apr 2024 11:25:13 +0000 https://remate.ph/?p=563967 MANILA, Philippines – Patay ang isang Chinese national matapos malunod habang nagi-scuba diving sa Mabini, Batangas. Ang scuba diver ay kinilalang si Shunyan Li, residente ng Pasay City, na kasama ang dalawang kaibigan nang makaranas ng oxygen toxicity si Li habang nagda-diving. Dinala pa ng kanyang mga kasamahan ang biktima sa isang ospital ngunit idineklarang […]

The post Chinese scuba diver nalunod sa Batangas first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Patay ang isang Chinese national matapos malunod habang nagi-scuba diving sa Mabini, Batangas.

Ang scuba diver ay kinilalang si Shunyan Li, residente ng Pasay City, na kasama ang dalawang kaibigan nang makaranas ng oxygen toxicity si Li habang nagda-diving.

Dinala pa ng kanyang mga kasamahan ang biktima sa isang ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa Scuba Diving Magazine, “oxygen toxicity may occur in divers using nitrox or mixed gases if they exceed the maximum operating depth for the gas they are breathing.”

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa insidente.

Isasailalim sa post-mortem examination at autopsy ang biktima para matukoy ang tunay na sanhi ng kamatayan nito.

Sa ngayon ay itinala ng pulisya ang kaso bilang isang drowning incident. RNT/JGC

The post Chinese scuba diver nalunod sa Batangas first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/chinese-scuba-diver-nalunod-sa-batangas/feed/ 0
Wage increase sa kasambahay sa Central Visayas epektibo na sa Mayo 11 – DOLE https://remate.ph/wage-increase-sa-kasambahay-sa-central-visayas-epektibo-na-sa-mayo-11-dole/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wage-increase-sa-kasambahay-sa-central-visayas-epektibo-na-sa-mayo-11-dole https://remate.ph/wage-increase-sa-kasambahay-sa-central-visayas-epektibo-na-sa-mayo-11-dole/#respond Fri, 26 Apr 2024 11:12:11 +0000 https://remate.ph/?p=563966 MANILA, Philippines – Naglabas na rin ng Wage Order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa region VII (Central Visayas Region) para sa pagtaas ng monthly minimum wage ng kasambahays ng P500 sa lahat ng lugar. Ang monthly wage rate para sa chartered cities at first-class munisipalities sa rehiyon ay magiging P6,000 at P5,000 […]

The post Wage increase sa kasambahay sa Central Visayas epektibo na sa Mayo 11 – DOLE first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Naglabas na rin ng Wage Order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa region VII (Central Visayas Region) para sa pagtaas ng monthly minimum wage ng kasambahays ng P500 sa lahat ng lugar.

Ang monthly wage rate para sa chartered cities at first-class munisipalities sa rehiyon ay magiging P6,000 at P5,000 para sa ibang munisipalidad.

Kasunod ng umiiral na batas at pamamaraan, ang wage order ay isinumite sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) para sa pagsusuri at pinagtibay noong Abril 22, 2024.

Ang wage order ay nai-publish noong Abril 25 at magkakabisa pagkatapos ng 15 araw mula sa paglathala nito sa sa Mayo 11, 2024.

Ang pagtaas ng sahod para sa mga kasambahay ay inaasahang makikinabang sa 107,931 domestic workers—humigit kumulang 14% (15,099) sa kanila ay nasa live-in arrangement.

Ang huling wage order para sa domestic workers sa rehiyon ay inisyu noong Mayo 2022 at naging epektibo noong Hunyo 14,2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post Wage increase sa kasambahay sa Central Visayas epektibo na sa Mayo 11 – DOLE first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/wage-increase-sa-kasambahay-sa-central-visayas-epektibo-na-sa-mayo-11-dole/feed/ 0
Work schedule sa Pateros LGU binago na https://remate.ph/work-schedule-sa-pateros-lgu-binago-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=work-schedule-sa-pateros-lgu-binago-na https://remate.ph/work-schedule-sa-pateros-lgu-binago-na/#respond Fri, 26 Apr 2024 10:59:24 +0000 https://remate.ph/?p=563963 MANILA, Philippines – NAG-ANUNSYO na rin ang Pateros LGU ng alternative work arrangement sa kanilang mga empleyado. Pinaalalahanan ng Pateros municipal government ang mga residente nito at publiko na pinapatupad na sa kanilang tanggapan ang alternative schedule. Ayon sa Pateros LGU, ang naturang alternative work schedule ay base sa bisa ng MMDA Resolution # 24-08 […]

The post Work schedule sa Pateros LGU binago na first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – NAG-ANUNSYO na rin ang Pateros LGU ng alternative work arrangement sa kanilang mga empleyado.

Pinaalalahanan ng Pateros municipal government ang mga residente nito at publiko na pinapatupad na sa kanilang tanggapan ang alternative schedule.

Ayon sa Pateros LGU, ang naturang alternative work schedule ay base sa bisa ng MMDA Resolution # 24-08 series of 2024 at ang Municipal Ordinance # 07-2024 series of 2024.

Paliwanag pa ng nasabing munisipalidad na simula noong ika – 15 ng Abril, 2024, ang pasok ng mga empleyado sa Pamahalaang Bayan ng Pateros ay 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Sa paglilinaw ng Pateros LGU, hindi kasama sa pagbabagong ito ang mga health workers sa mga health centers kung saan mananating 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ang trabaho.

Samantala, ang mga kawani ng Traffic o PTEU, PBDAO at Street sweepers ay mananatiling 24 na oras ang pasok.

Humihingi rin ng pang-unawa ang pamahalaang bayan ng Pateros dahil ito umano ang sagot ng Pateros sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumawa ng mga pamamaraan ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para makatulong sa pagpapaluwag ng traffic. Dave Baluyot

The post Work schedule sa Pateros LGU binago na first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/work-schedule-sa-pateros-lgu-binago-na/feed/ 0
P25M Flava vape products nasamsam ng DTI-PNP https://remate.ph/p25m-flava-vape-products-nasamsam-ng-dti-pnp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=p25m-flava-vape-products-nasamsam-ng-dti-pnp https://remate.ph/p25m-flava-vape-products-nasamsam-ng-dti-pnp/#respond Fri, 26 Apr 2024 10:46:09 +0000 https://remate.ph/?p=563965 MANILA, Philippines – SINALAKAY ng pinagsamang operatiba ng Department of Trade and Industry’s Fair Trade Enforcement Bureau at National Police ang isang tindahan na nagbebenta ng ipinagbabawal na Flava vape products malapit sa Bacla­ran Elementary School sa Paranaque City, araw ng Miyer­kules. Sinabi ni DTI-FTEB Director Fhillip Sawali na nalambat sa natu­rang pagsalakay ang 452 […]

The post P25M Flava vape products nasamsam ng DTI-PNP first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – SINALAKAY ng pinagsamang operatiba ng Department of Trade and Industry’s Fair Trade Enforcement Bureau at National Police ang isang tindahan na nagbebenta ng ipinagbabawal na Flava vape products malapit sa Bacla­ran Elementary School sa Paranaque City, araw ng Miyer­kules.

Sinabi ni DTI-FTEB Director Fhillip Sawali na nalambat sa natu­rang pagsalakay ang 452 kahon ng illegal vape products na nagkakahalaga ng P25 milyon.

Sinalakay ang tindahan na may 20 metro lang ang layo sa es­kwe­lahan dahil sa paglabag sa Republic Act No. 11900, o Vapo­rized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act of 2022.

Ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta ng vapes o e-cigarettes “within 100 meters of any point of the perimeter of a school, playground or other facility frequented particularly by minors.”

Bago pa ito, ipinag-utos ng FTEB ang suspensyon ng pagbeben­ta, pagmamanupaktura, pag-angkat at distribusyon ng Flava Corporation’s vape products noong Marso 15 batay sa RA 11900.

Dahil dito, ipinag-utos ni DTI Secretary Fred Pascual sa tauhan ng FTEB na alisin ang non-compliant products mula sa merkado.

Samantala, nagbabala si Pascual sa manufacturers, impor­ters, distributors at retailers’ na maugnay sa iligal na gawain ng pa­ngangalakal ng illicit vapes at iba pang iligal na produkto.

Matatandaang sa isinagawang operasyon noong Abril 24, na­tuklasan ng mga awtoridad na ang tindahan ay gumagamit ng milk tea shop bilang ‘front’ para makapagbenta at mamahagi ng ipi­nagbabawal na vapes.

Kapwa naman inihayag nina Sawali at DTI Assistant Secretary Amanda Marie Nograles ng Consumer Protection Group na ang nabanggit na pagsalakay ay nagbigay ng malakas at matibay na ebidensiya laban sa patuloy na pagbebenta at pagbabawal ng Flava products. RNT

The post P25M Flava vape products nasamsam ng DTI-PNP first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/p25m-flava-vape-products-nasamsam-ng-dti-pnp/feed/ 0
Term extension sa COS, JOs sa gobyerno, magbibigay seguridad, ginhawa – DBM https://remate.ph/term-extension-sa-cos-jos-sa-gobyerno-magbibigay-seguridad-ginhawa-dbm/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=term-extension-sa-cos-jos-sa-gobyerno-magbibigay-seguridad-ginhawa-dbm https://remate.ph/term-extension-sa-cos-jos-sa-gobyerno-magbibigay-seguridad-ginhawa-dbm/#respond Fri, 26 Apr 2024 10:33:19 +0000 https://remate.ph/?p=563959 MANILA, Philippines – SINABI ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang panahon ng panunungkulan ng contract of service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno mula Disyembre 2024 hanggang Disyembre 2025 ay makapagbibigay sa mga ito ng seguridad at […]

The post Term extension sa COS, JOs sa gobyerno, magbibigay seguridad, ginhawa – DBM first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – SINABI ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawigin ang panahon ng panunungkulan ng contract of service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno mula Disyembre 2024 hanggang Disyembre 2025 ay makapagbibigay sa mga ito ng seguridad at kaginhawaan.

“I am delighted to hear about the decision of our beloved President to extend the engagement of COS and JO workers whose contracts are set to expire by end of this year. Malaking kapanatagan po ito sa ating mga empleyado na ma-extend pa ng isang taon ang kanilang mga kontrata sa trabaho. Alam naman po natin na malaking ginhawa ang naibibigay sa isang pamilya kung ang isang kaanak ay may trabaho,” ayon kay Pangandaman.

Kung wala ang one-year job extension na kautusan ni Pangulong Marcos, ang mga manggagawa na in-charge sa maraming proyekto ng gobyerno at regular functions ay pinangangambahang kagyat na mawawalan ng trabaho sa oras na ang transitional period ay napaso’ sa Dec. 31, 2024.

Tinuran ng Kalihim na ang DBM ay sumusunod lamang sa direktiba ng Pangulo na tumulong sa pagsasagawa ng masusing pag-aaral ng kasalukuyang kalagayan ng government workforce, kabilang na ang COS at JOs.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ay malalaman ang average data sa mga ahensiya ng gobyerno, lalo na sa contractual workers dahil ang porsyento ng kabuuang bilang ng mga empleyado ng gobyerno at kung ilan ang plantilla positions ay hungkag o bakante.

Sa kabilang dako, tinukoy ng PCO na “as of June 30” ng nakaraang taon, mayroong 29.68% (832,812) ng mga manggagawa sa gobyerno ang COS at JO workers, sinasabing 29.71% ang itinaas mula 2022.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos ang mga ahensiya ng gobyerno na i-develop ang kasanayan at kakayahan ng COS at JO workers sa pamamagitan ng muling turuan at sanayin ang mga ito sa tulong ng higher learning institutions at makayanan ng mga ito na makapasa sa civil service examination.

“The goal is to build a pool of government workers that can perform and  qualify for  government’s plantilla positions,” ayon sa Pangulo.

Ang COS ay tumutukoy sa “engagement of the services of an individual, private firm, other government agency, non-government agency, or international organization as a consultant, learning service provider or technical expert to undertake a special project or job within a specific period.”

Ang JO, sa kabilang banda ay tumutukoy sa piece work (pakyaw), intermittent o emergency jobs na isasakatuparan at gagawin sa maiksing panahon at para sa “specific piece of job.”

Samantala, ang ‘top five’ na ahensiya ng pamahalaan na may pinakamataas na bilang ng COS at JO workers ay ang Department of Public Works and Highways (DPWH), 29,275; Department of Health (DOH), 18,264; Department of Education (DepEd), 15,143; Department of Social Welfare and Development (DSWD), 13,770; at Department of Environment and Natural Resources (DENR), 10,990. Kris Jose

The post Term extension sa COS, JOs sa gobyerno, magbibigay seguridad, ginhawa – DBM first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/term-extension-sa-cos-jos-sa-gobyerno-magbibigay-seguridad-ginhawa-dbm/feed/ 0